MISSION: 10

1158 Words
THE FAILED MISSION EPISODE 10 “YOU said he’s single! Bakit may nagsasabi na may girlfriend siya?! Hindi mo inaayos ang trabaho mo, Peter!” inis kong sabi kay Peter nang makauwi ako galing sa party. Seryoso lang ang kanyang mukha ngayon habang nakatayo siyang nakaharap sa akin. “I’m sorry for my mistake, Lady Aya. But based on my research, he doesn’t have a girlfriend. Baka bago lang niya ‘yun naging girlfriend, Lady Aya,” sabi ni Peter. Napahilamos ako sa aking mukha at huminga ng malalim. “Nevermind! Gagawa na lang ako ng paraan upang maging akin si Alessandro. Mukhang hindi naman talaga girlfriend ni Alessandro ang kasama niya kanina eh, assuming lang talaga ang babaeng ‘yun,” sabi ko at bahagyang napangisi. “What’s your plan next, Lady Aya?” tanong sa akin ni Peter. Napaharap naman ako sa kanya at humalukipkip bago muling magsalita. “I will accept the contact of the modeling agency that he is part of, Peter. If I accept it, there’s a possibility that we will see each other often,” wika ko at ngumiti kay Peter. Bumuntong-hininga naman si Peter at tumango. “But I remind you, Lady Aya, we have no much time. We need to hurry. Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin si Master Alonzo kung saan siya tinatago ng mga Coleman. Kailangan mong itatak sa isipan mo na ginagawa mo ito para sa mission… para paghigantihan ang pamilya mo,” seryosong sabi ni Peter habang nakatitig siya sa aking mga mata ngayon. Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Peter sa akin. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya. “A-Alam ko naman ‘yan, Peter. No need to remind me. I will never fail the mission, okay?!” sabi ko sa kanya bago ako sumulyap. Tumango siya. “Pinaalala ko lang, Lady Aya. Dahil ako, gusto ko rin paghigantihan ang mga Coleman sa ginawa nila sa itinuturing ko na rin na pamilya,” aniya. Humakbang ako palapit kay Peter at hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngumiti ako sa kanya at tumango. “I will never fail you, Peter. Makukuha rin natin ang matagal na nating hinihintay na paghihiganti,” seryoso kong sabi sa kanya at lumapit ako kay Peter at niyakap siya. Naramdaman ko ang pagyakap pabalik ni Peter sa akin. “Thank you, Lady Aya. I’m always here for you,” narinig ko na sabi ni Peter. Napangiti naman ako at tumango-tango. Kahit na wala na si Daddy ay nandito naman si Peter sa akin. He’s like my second father to me. And I am grateful that he never leaves at my side. At ayokong ma-disappoint siya sa akin kaya gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang magawa ko ang aking pinaplano. “ALESSANDRO… What a coincidence!” Nandito ako ngayon sa isang coffee shop at nagkita kami ni Alessandro sa loob. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng makita niya ako. Actually it’s not a coincidence, I know his schedule. Alam ko rin na every saturday ay pumupunta siya rito sa Royal Coffee Shop upang mag unwind at magsulat sa kanyang blogs. Yes, he has blogsite at nagsusulat siya ng mga poems at mga mental health tips. Paano ko nalaman? I have my connections. “Kumusta ka na? Ang tagal na kitang hinahanap,” nakangiti kong sabi at umupo ako sa kaharap na upuan dito sa kanyang table. Bakit pa ako maghahanap ng ibang table kung free naman itong isang chair sa table ni Alessandro? Napakurap kurap siya sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “Why are you here?” nagtataka niyang tanong sa akin. Muli akong ngumiti sa kanya. Marami kasing nabighani sa akin kapag ngumingiti ako dahil mas lalo raw akong gumaganda. Kaya ito ang aking ginagawa ngayon… nginingitian ko si Alessandro. “I’m here because my soulmate is here,” pa-cute kong sabi sa kanya. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. “What do you mean?” “I like you, Alessandro!” Muntik nang mabilaukan si Alessandro sa kanyang sariling laway ng magulat siya sa aking biglaan na pag-amin sa kanya. Kinuha niya ang tasa na nasa kanyang tabi at sinubukan niya itong ininom, pero agad niya rin itong inilayo sa kanya at malakas siyang napamura. Nakalimutan niyang mainit na kape ang kinuha niya. “F*ck! Dammit! Ang init!” pagmumura ni Alessandro at kumuha siya ng tubig at ininom niya ito. Napakurap kurap ako sa aking mga mata habang nakatingin sa kanya ngayon. “A-Are you okay?” nag-aalala kong tanong sa kanya. Muling napatingin sa akin si Alessandro at ngayon ay matalim na ang tingin niya sa akin. “Are you out of your mind? Why are you saying that to me?!” inis na sabi ni Alessandro sa akin. Napalunok ako sa aking laway at nakaramdam ako ng konting takot sa kanya. Bawal bang sabihin ‘yun nang ganun? I have never confessed to someone before, that’s why it’s a new thing for me. “B-Bakit, gusto naman talaga kita….” mahina kong sabi. Mas lalong kumunot ang kanyang noo. “Seriously, Miss? Isang beses pa lang tayong nagkita—” “Dalawang beses,” pag co-correct ko sa kanyang sinabi. Napakurap kurap siya sa kanyang mga mata at tumango. “Okay, dalawang beses… pero mabilis pa rin ‘yun, Miss. Hindi mo ako kilala, hindi rin kita kilala. Bakit mo sasabihin sa akin na gusto mo ako? Naka drugs ka ba?” “I don’t do drugs!” inis kong sabi sa kanya. Napapatingin na ang ibang tao rito sa loob ng coffee shop dahil sa ingay naming dalawa ni Alessandro. Sinusubukan kong hindi ulit mainis sa kanya ngayon. Kailangan kong kumalma… kailangan ko siyang landiin. Kahit mag mukha na akong despereda ngayon—wala na akong pakialam! “After what you did to me at the body shot in the bar, and the kiss we shared… hindi ka na mawala sa aking isipan. You were my first kiss, Alessandro,” seryoso kong sabi sa kanya. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat ng sabihin ko ‘yun. “W-What? First kiss mo ako?” hindi niya makapaniwala na tanong sa akin. Tumango-tango naman ako. Kasi totoo naman eh. He was my first kiss. Because of what my Papa did of me, I never had a boyfriend before. Natatakot si Papa na baka ang lalaking magiging boyfriend ko ay niloloko lang pala ako… kukunin ako at ilalayo sa kanya. That’s why I never kissed a man before… only Alessandro. “Totoo ang sinabi ko, Alessandro. Kaya sa ayaw sa at gusto mo, hindi kita titigilan. I will be your desire, Alessandro. You will like me too. Dahil naniniwala ako na we’re meant for each other,” mapang-akit ko sa sabi kay Alessandro at kinindatan ko siya. I need to double-time this. Kailangan na niyang mahulog sa akin sa lalong madaling panahon. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD