MISSION: 11

1221 Words
THE FAILED MISSION EPISODE 11 “LOOK… I don’t know you, Miss… what’s your name again?” Muli akong nakaramdam ng inis ng itanong iyon ni Alessandro sa akin. He didn’t remember my name! Nagpapakilala na nga ako sa kanya kanina eh. Mahirap bang alalahanin ang pangalan ko? Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong sa akin ni Alessandro. “My name is Taisiya Vasilisa Petrova. Pero kung nahihirapan ka sa pangalan ko, you can call me Aya for short,” pagpapakilala ko sa kanya sa aking pangalan. Sana naman ay maalala na niya ang pangalan ko. AYA. A.Y.A… tatlong letra na ‘yan. Sana naman ay maalala na niya. Tumango-tango naman siya habang nakatingin ng seryoso sa akin ngayon. “Okay, Miss Aya, look… I don’t have time for you, okay? I’m a busy person. Kung totoo man ‘yang sinasabi mo na gusto mo ako, then thank you for liking me. Pero iyong mag e-expect ka galing sa akin na gustuhin din kita? ‘Wag ka nang umasa pa. Hinding-hindi kita magugustuhan,” seryosong sabi ni Alessandro habang nakatingin siya sa aking mga mata. Napaawang ang aking bibig at hindi ako makapagsalita ng dahil sa kanyang sinabi sa akin. Tumayo na si Alessandro at niligpit na niya ang kanyang mga gamit at walang pasabi na umalis siya sa aking harapan ngayon. Doon pa ako bumalik sa aking sarili ng tuluyan nang makalabas si Alessandro sa coffee shop. Gusto kong sumigaw sa inis na nararamdaman ko ngayon kay Alessandro, pero hindi ko lang magawa dahil nakakahiya sa ibang tao rito sa loob ng coffee shop na may mga ginagawa. Napatakip lang ako sa aking mukha at tahimik na napasigaw sa sobrang galit. Zasranets! How dare him ignore my beauty?! Tapos sasabihin niya pa na hinding-hindi niya ako magugustuhan—tang ina niya! Galit na galit ako sa kanya… gusto ko siyang barilin! Hindi lang siya si Alessandra ang papatayin ko. Isusunod ko rin kaagad si Alessandro dahil binu-bwisit niya ako. Wait ka lang, Alessandro… akala mo ay susuko ako? Hindi. Hindi mo ako mapipigilan. “LADY Aya, kanina niyo pa po hindi ginagalaw ang pagkain niyo.” Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko na magsalita si Peter. Nandito na ako ngayon sa bahay. Umalis na rin naman si Alessandro kaya ano pa ang itatagal ko doon sa may coffee shop, diba? Siya lang naman ang pinunta ko doon. Huminga ako ng malalim at napahilamos ako sa aking mukha at tumingin ako kay Peter. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin ngayon. “Is there a problem, Lady Aya?” he asked me. Bumuntong-hininga ako at sinabi kay Peter kung ano ang gumugulo sa aking isipan ngayon. “Akala ko ay madali lang paibigin si Alessandro, pero hindi. Nakakabwisit siya,” inis kong sabi at muli akong napatingin kay Peter. Seryoso pa rin ang kanyang mukha ngayon habang nakatingin sa akin. “Bakla ba si Alessandro, Peter? May nakalapat ka bang impormasyon kung bakla ba ang lalaking ‘yun?” tanong ko sa kanya. Kasi may dalawang dahilan kung bakit hindi niya pinapansin ang beauty ko… una ay bakla siya at lalaki ang kanyang gusto. Pangalawa ay may girlfriend siya, pero kaya ko pa rin naman siyang agawin at landiin…. At Least nagkakagusto siya sa mga babae. Umiling-iling si Peter. “Hindi siya bakla, Lady Aya. Ang katotohanan nga ay may bago akong impormasyon dito para sa inyo tungkol kay Alessandro,” wika ni Peter at may binigay siyang envelope sa akin. Out of nowhere ay may hawak na siyang envelope ngayon at ibinigay sa akin. Kinuha ko rin naman ito agad sa kanya at kinuha kung ano ang nasa loob. Napakunot ako sa aking noo ng makita ko na mga pictures ng isang babae ang laman ng envelope na ibinigay sa akin ngayon ni Peter. Napatingin ako kay Peter habang may pagtataka sa aking mukha at ipinakita ko sa kanya ang mga litrato. “At para saan naman ang mga pictures na ito, Peter? Sino ang babaeng ‘to?” tanong ko sa kanya. “That’s Gracelyn Coraline Lawson, Lady Aya… Alessandro’s longtime girlfriend.” Nanlalaki ang aking mga mata ng sabihin ‘yun ni Peter sa akin. Muli akong napatingin sa litrato ng babae—sa litrato ni Gracelyn Coraline Lawson. Ang tinitignan kong picture ngayon ay ang picture niya na kasama ang mga bata sa Africa at para siyang nasa isang charity event siya. Napatingin ako sa ibang pictures at natigilan ako ng makita ko ang kanyang picture kasama si Alessandro. Pareho silang nakasuot ng black toga at parang graduation picture nilang dalawa ito. Huminga ako ng malalim at nag angat muli ako ng tingin kay Peter at tingnan siya ng seryoso. “Bakit ngayon mo lang nalaman ‘to? Bakit sinabi mo sa akin noong una mong imbestigasyon na wala siyang girlfriend?” seryoso kong tanong ni Peter. “I’m so sorry for my mistake, Lady Aya. Sikreto lang kasi ang relasyon na namamagitan kay Alessandro at Miss Lawson. But I assure you, tama iyang binigay ko sa inyo na impormasyon ngayon. Boyfriend ni Miss Lawson si Alessandro,” seryosong sabi ni Peter. Muli akong napatingin sa picture at napataas ako sa aking kilay. Poor Gracelyn… ginawa siyang secret girlfriend ni Alessandro. Paano kaya kung malaman niya na may ibang kalandian itong si Alessandro? Lalo na doon sa party kung saan kami nagkitang dalawa. “Nasaan ngayon itong si Gracelyn?” tanong ko muli kay Peter. “She’s in New York, Lady Aya. She’s the president of Smile Children Foundation, kung saan pumupunta sila sa iba’t ibang parte ng mundo upang tumulong sa mga batang walang makain.” Umigting ang aking panga at humigpit ang pagkakahawak ko ngayon sa picture ni Gracelyn at Alessandro. Inilapag ko ito sa lamesa at bahagyang inilayo sa akin. Kumuha ako ng baso ng tubig at ininom ko ito. “Matagal na siyang namamalagi sa New York, Lady Aya. Matagal na rin silang hindi nagkikita ni Alessandro.. Once or twice a year lang sila nagkikita. They have a long distance relationship,” muling sabi ni Peter. Tumango-tango naman ako at naningkit ang aking mga mata. Banal pala ang girlfriend ni Alessandro. Mas inuuna niya ang kanyang trabaho kaysa ang makasama rito sa Pilipinas. Now I understand kung bakit may nalalanding iba rito sa Pilipinas si Alessandro dahil kasalanan din pala ng girlfriend niyang pabaya. “Alam ko na ang gagawin ko, Peter….” sabi ko at ngumiti sa kanya. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin ngayon. “What do you mean, Lady Aya? Ano ang gagawin mo?” tanong niya sa akin. Napasandal ako sa aking kinauupuan at muli akong uminom ng tubig at ngumisi. “I’ll seduce Alessandro more, Peter. Aagawin ko siya kay Gracelyn. Mukhang wala na rin namang pakialam ang girlfriend niya sa kanya eh. Kaya ako ang gagawa ng mga duties ng isang girlfriend kay Alessandro,” sabi ko kay Peter at muli ko siyang nginitian. Alam kong mali itong gagawin ko, pero lahat ng gagawin ko sa mga Coleman ay tama. Hindi ako dapat maawa sa kanila. They deserve to suffer too. Hindi ako susuko sa gagawin ko. Mas lalandiin ko pa si Alessandro hanggang sa tuluyan na itong mahulog sa akin. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD