MISSION: 12

2339 Words
THE FAILED MISSION EPISODE 12 AKALA siguro ni Alessandro ay madali na lang akong susuko. Hindi niya alam na hindi pa ako nagsisimula sa mga pinaplano ko. “Oh my God! We are delighted to know that you agreed and accepted our offer to you. It’s a great pleasure for the Elite Modeling Agencies to be the agency of Miss Taisiya Petrova, the famous model in Moscow,” nakangiting sabi ng CEO ng Elite Modeling Agency. Nandito ako ngayon sa opisina ng CEO ng Elite Modeling at katatapos lang din ng contract signing namin. Kasama ko ngayon si Peter at nandito siya ngayon bilang manager ko. Dahil nakipagpirmahan na ako ngayon ng Elite Modeling, magkakaroon na rin ako ng manager para sa mga schedules ko sa aking modeling career. Hindi pa rin mawawala si Peter bilang manager ko dahil hindi lang naman siya manager ko, assistant ko rin siya. “I’m also happy to be part of the Elite Modeling Agency, Miss Ang,” nakangiti kong sabi sa kanya. She wants me to call her Miss Ang, so iyon na rin ang tinawag ko sa kanya. Ayaw niyang tinatawag ko siya na Ma’am dahil nagmumukha raw siyang matanda at mas superior sa amin. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. “We can’t wait to announce to everyone about your projects this year, Aya! We will have a party tonight to celebrate the signing of the contract today; we will have a party tonight! Together with the other models of Elite Modeling and the people behind the agency,” nakangiti na sabi ni Miss Ang. I smiled at her. “Will Mr. Alessandro Niklaus Coleman at the party tonight?” tanong ko sa kanya. Syempre ay kailangan kong manigurado para makapaghanda ako para mamayang gabi. Ngumiti si Miss Ang at tumango. “Yes, Miss Aya! Mr. Niklaus Coleman is one of the board of directors of this management, and he is also a model of Elite. Yes, he will probably go tonight!” nakangiting sabi ni Miss Ang. Labis naman ang saya na aking nararamdaman ngayon ng sabihin iyon ni Miss Ang. Tama nga ang naging desisyon ko na tanggapin ang offer sa akin ng Elite Modeling Agency. Marami ang nanliligaw sa akin na agency at may iba pa na dino-doble ang pera na offer para sa akin para lang sa kanila ako pumirma. Pero iba ang aking hanap… I don’t need more money because I have a lot of money. I only need Alessandro now. At dahil nasa Elite Modeling Agency si Alessandro, sa kanila ako nakipag partnership at pumirma ng kontrata. Mas lalo na talaga kaming mapapalapit sa isa’t isa. “PETER, I want no one to disturb Alessandro and me later at the party. I will make my move tonight with him. I want him to be mine tonight, Peter. Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang walang makaalam tungkol sa gagawin ko. Do you understand me?” seryoso kong sabi kay Peter nang makasakay na kami sa sasakyan at pauwi na kami ngayon sa bahay. Tanghali pa naman ngayon at maghahanda pa ako sa aking susuotin mamaya sa party. Si Peter ngayon ang nagdadrive sa kotse na aming sinasakyan. Sumulyap sa akin si Peter at tinignan niya ako ng seryoso at tumango siya. “If that’s what you want, I will do it without questions, Lady Aya,” wika ni Peter. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kanyang braso. “Thank you so much, Peter.” Nang makauwi na kami sa bahay ay agad na rin akong naghanda para mamaya. Habang naghahanap ako ng susuotin dito sa aking walk in closet sa kwarto, narinig ko ang pag ring ng aking phone kaya kinuha ko ito upang makita kung sino ang tumatawag sa akin. Napakunot naman ang aking noo nang makita ko na unregistered number ito. Dahil na rin sa curiosity at gusto ko rin malaman kung sino ang tumatawag sa akin ay sinagot ko na rin ito. “Hello? Who’s this?” bungad kong tanong nang masagot ko ang tawag. “Hello, Sólnyshka ….” Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon at ang kanyang pagtawag sa akin. Kilalang-kilala ko kung sino ito. It’s Mikhail Fyodor Ivanov… the guy who knows the real me. He’s part of a mafia—the Ivanov Mafia. Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala at kung paano niya nalaman na anak ako ni Tomaso Brioschi. He’s been annoying me since then. Buti na lang at nandyan sila Peter at hindi nakakalapit sa akin si Mikhail. Hindi ko alam kung alam niya na rin ba na wala na ang aking mga kapatid at nandito ako sa Pilipinas ngayon… sana ay hindi niya alam. “What do you want, svoloch’?” inis kong sabi sa kanya. I called him Bastard ‘cause he is a bastard of the Ivanov clan and he didn’t like to be called a bastard. Pero wala siyang magagawa dahil iyon ang gusto kong tawagin sa kanya dahil binubwisit niya ako. “I haven’t seen your beauty in a long time, Sólnyshka. Where are you now?” tanong nito sa kabilang linya. Hindi ko mapigilan na mapasimangot at mapairap dahil iniistorbo niya ako sa aking ginagawa ngayon na pagpipili ng damit para sa party mamaya. “I’m busy, svoloch’. Will you stop calling me, please? You’re annoying!” inis kong sabi at pinatay na ang tawag. Mabilis kong blinock ang numero ni Mikhail upang hindi na niya ako ulit matawagan. Hindi ko siya kailangan at hindi siya makakatulong sa aking mga plano ngayon. Kailangan kong mag focus kay Alessandro. Pinatay ko na muna ang aking phone if ever na gumamit siya ng ibang numero upang tawagan ako ulit. Naghanda na ako sa aking sarili para sa party na gaganapin mamaya. I don’t need a makeup artist or stylist for my look tonight. I can do it on my own. Isang Halter Bodycon Revealing Mini Dress ang aking suot ngayon. Hapit na hapit ito sa aking katawan at kitang-kita rin ang hubog ng aking katawan ang malaki kong dibdib. Tingnan lang natin kung hindi maakit si Alessandro sa aking ayos ngayon. Sinimplehan ko lang ang aking make up at nagsuot na rin ako ng high heels. Inilugay ko lang ang aking buhok at bahagya ko itong pinakulot upang mag bounce. Nang matapos na akong mag ayos sa aking sarili ay pumunta ako sa harapan sa aking salamin at tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Nag pose ako at kumuha na muna ako ng mirror selfie upang remembrance na rin sa aking outfit ngayong gabi. I will post it on my social media accounts too. Sobrang ganda at ang sexy ko. Tanga na lang si Alessandro kung magmamatigas pa rin siya sa akin. Lumabas na ako sa aking kwarto at ang dala ko lang ngayon ay isang maliit na pouch kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Nagpahatid na ako kay Peter papunta sa bar kung saan magaganap ang party ng Elite Modeling Agency. Pagkarating ko sa party ay agad akong kinongratulates ng mga nandoon at in-acknowledge rin nila ang aking pagdating. Agad akong nilapitan ni Miss Ang at nakipag beso siya sa akin at niyakap niya ako. “Once again, welcome to the Elite Modeling Agency, Miss Petrova!” masayang sabi ni Miss Ang. “Thank you so much, Miss Ang. And thank you, everyone, for your warm welcome! I will work hard,” nakangiti kong sabi sa kanilang lahat. Nagsimula na ang kasiyahan at marami na rin ang mga tao ngayon sa may dance floor habang nagsasayaw sila sa malakas na tugtugin ng DJ. Hinahanap ko sa aking paningin ngayon si Alessandro. Where the hell is he? Don’t tell me ay hindi siya pumunta?! Mag dadabog talaga ako rito. “Are you looking for someone?” Natigil ako sa aking ginagawa at na estatwa sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses na iyon mula sa aking likuran. Unti-unti akong humarap at napalunok ako sa aking laway nang makita ko sa aking harapan ang kanina ko pa hinahanap. “Y-You’re here….” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at tumango. “Welcome to Elite Modeling Agency, Miss Aya. I assure you that you’re in good hands with this agency. Natashia Ang is hands-on to her models,” wika ni Alessandro habang nakatingin siya sa akin. Hindi ako makapag focus sa kanyang pagsasalita ngayon. Nag iinit ang katawan ko. Bakit parang ako ang naaakit sa kanya ngayon. Bahagya akong umiwas ng tingin kay Alessandro at huminga ako ng malalim. Maghunos dili ka, Taisiya. Dapat ay si Alessandro ang maakit ngayon at hindi ikaw ang maakit sa kanya. Muli akong bumalik sa realidad at humarap ako sa kanya at nginitian ko siya. Walang pakialam ang paligid ngayon at nakabantay na rin ngayon si Peter dahil sinabihan ko na siya kanina na gumawa siya ng paraan upang walang umistorbo sa amin ni Alessandro ngayon. Humakbang ako palapit kay Alessandro at hinawakan ko ang kanyang balikat. Napatingin naman siya sa aking kamay na nakahawak sa kanyang balikat at kumunot ang kanyang noo bago niya ibinalik ang tingin sa akin. “Makakasama rin ba kita sa isang project, Alessandro? Sana ay oo… I badly want you—este, I want to be with you in a project,” mapang-akin at malandi kong sabi sa kanya. Inalis ni Alessandro ang kamay ko sa kanyang balikat at tinignan niya ako ng seryoso sa aking mga mata ngayon. “Can you please stop flirting with me, Miss Aya? Hindi mo ako malalandi. Hindi mo ako madadala riyan sa paglalandi mo sa akin,” malamig niyang sabi sa akin. Para naman akong pinag bagsakan ng langit at lupa ng sabihin niya iyon. May nararamdaman din akong kirot sa aking puso. Why is he so rude? Ito ang unang beses na na-reject ako ng paulit-ulit at pagsabihan ako ng masamang salita. “You’re hurting my feelings,” mahina kong sabi habang malungkot na nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga siya at napahawak siya sa kanyang noo. “Look, I don’t want to be rude to you, Miss Aya. But seriously, I’m not interested in flirting with you. Yes, we kissed. It doesn’t mean that I will flirt with you back tonight,” seryosong sabi ni Alessandro habang nakatingin sa akin. Malamig ko siyang tinignan at parang bigla akong nawalan ng gana na landiin siya ngayon. Tumango-tango ako habang malamig pa rin na nakatingin sa kanya. “Okay, fine. Maghahanap ako ng ibang kalandian ngayong gabi. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin,” malamig at inis kong sabi sa kanya bago ako umalis sa kanyang harapan. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng sabihin ko ‘yun sa kanya. Kumuha ako ng alak at tinunga ko ito at mabilis akong pumunta sa may dance floor at nakipag sayaw sa mga taong hindi ko naman kilala. May isang lalaki na lumapit sa akin at hinawakan niya ako sa aking bewang. Nang humarap ako sa kanya ay nakita kong sobrang pogi niya rin at hot. Kasing tangkad niya lang si Alessandro, pero hindi siya boring. Hinayaan ko ito na hawakan ako at nagsayawan kaming dalawa. “I’m Jake!” sigaw niya sa akin dahil sobrang ingay ngayon ng paligid. Ngumiti ako at kumapit sa kanyang balikat. “I’m Aya! Can you kiss me?” Nanlalaki ang mga mata niya ng sabihin ko ‘yun sa kanya. Tumango naman siya at mabilis niya akong hinalikan sa aking labi. Hinalikan ko rin siya pabalik at naramdaman ko rin na mas lalo niya akong idinikit sa kanyang katawan. Kung ayaw ni Alessandro sa akin, edi ‘wag! Wala ako sa mood na makipag landian sa kanya ngayon. I have my limits. Pero hindi ibig sabihin ngayon na tumigil ako na landiin siya ay hindi ko na siya lalandiin sa susunod. Gusto ko lang munang magsaya ngayon. Hindi natuloy ang paghahalikan namin ni Jake nang may biglang humila sa akin palayo kay Jake. “Ano ba?! Bakit mo kami pinapaki—” Hindi ko na ipagpatuloy ang aking pagsasalita nang makita ko kung sino ay humila sa akin palayo kay Jake… walang iba kundi si Alessandro. Napakurap kurap ako sa aking mga mata upang makompirma kung siya ba talaga ‘tong humila sa akin palayo kay Jake, or nag ha-hallucinate lang ako? Pero hindi ako nagkakamali… siya nga. Inilayo na ako ni Alessandro sa may dance floor at mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa aking wrist. “A-Alessandro, what’s wrong with you?! Bitawan mo nga ako! Ayaw mong makipag landian sa akin, diba? Then hayaan mo akong makipag landian sa iba!” sigaw ko. Dinala ako ni Alessandro sa may likuran na bahagi sa may bar kung saan wala masyadong mga tao ang pumupunta. Bahagya akong napatili nang bigla akong isinandal ni Alessandro sa may pader at itinaas niya ang magkabila kong kamay at idinikit niya rin ito sa may pader. Nanlilisik ang mga mata ni Alessandro ngayon habang nakatingin sa aking mga mata. Nawala na ang kanyang maamong mukha ngayon at para na siyang lion na galit na galit. “What did you do to me?” Napakunot ang noo ko sa naging tanong niya sa akin. “W-What? I didn’t do anything—” “You’re seducing me! Damn it!” malakas niyang sigaw na ikinagulat ko ng todo. Mas lalo niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha at nakikita ko rin ngayon ang pamumungay ng kanyang mga mata at… at ang pagnanasa habang nakatingin siya sa akin. “I don’t want you to flirt with other guys, Aya. I hate seeing you kissing other guys.,” madiin niyang sabi habang nakatingin pa rin siya sa aking mga mata. Napalunok ako sa aking laway at hindi ko na mapigilan na manginig. “A-Alessandro…” “I only want you to kiss me… only me,” he said, kissing me on my lips. Alessandro kissed me! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD