Episode 16 Dominic `Dona’ Nambria’s POV Sa huli napag kasunduan din namin ni Paul na tumuloy sa party ng kanyang inaanak na si Sophia. “Oh, Paul, mabuti dumating ka. Akala namin hindi ka na darating,” natatawang sambit ni Patrick. Sa kanilang lahat si Patrick lang ang kilala ko dahil isa siya sa mga boss ng J and P corporation. Maliit lang ang party at konti lang ang imbitado. Sa Baguio rin ginanap ang party dahil dito nakatira ang inaanak ni Paul. “Bad mood ka yata, tol,” sambit naman ng isang lalaki na hindi ko rin kilala. Hindi siya sinagot ni Paul at pinagtulak na lamang ako ng upuan. Naupo ako sa silya at naupo naman siya sa katabing silya. Isang mahabang lamesa ang kaharap ko ngayon at lahat ng mga nandito ay tiyak kong kaibigan ni Paul. “Hi! I’m Cyrine,” pagpapakilala sa akin