Episode 17? Dominic `Dona’ Nambria’s POV “Ma’am mga lasing na po sila sir sa labas,” sambit ng katulong nila at sabay-sabay kaming napatayo. Alas-otcho na ng gabi at ngayon ko lamang napansin dahil sa haba nang pag kwe-kwentuhan naming lima. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanila kahit na napaka bulgar nilang magsalita. “Malilintikan talaga sa akin ang lalaking ‘yan,” iritadong sambit ni Alexie. “Manang pahawakan muna si Sophia.” Inabot ni Alexie ang anak niya sa katulong at nagmamadaling lumabas. Sumunod naman sila Cyrine at pati na rin ako ay sumunod. Paglabas namin ng bahay agad kong nakita sila Paul na nakadukdok na sa lamesa. Mga lasing nga ang loko at si Danworth ay umiiyak pa. Naawa ako kay Danworth habang umiiyak siya at may hawak pang beer. Paulit-ulit niyang sinisigaw ang pang