Episode 14 Dominic `Dona’ Nambria’s POV “Will you believe me? Of what I will say, Nambria?” he asked. Kitang-kita ko sa mga mata niya na malungkot siya na may halong pag mamaka-awa. Bakit ganito? Wala bang naniwala sa kanya no’n? Wala ba siyang naging kakampi noon kaya parang takot na takot siyang sabihin sa akin ang totoo? “Syempre naman… Kaibigan kita, Paul,” nakangiting sambit ko. Pinisil ko ang kamay niya na hawak ko sa ibabaw ng lamesa para maramdaman niya na handa akong maniwala sa kanya. Sa kahit ano pang sasabihin niya, maniniwala pa rin ako. Ganito siguro ang nagagawa ng pag kakaibigan. “May kapatid ako… Anak ng step-mother ko. No’ng nasa Amerika kami wala rin akong kaibigan. Walang kasama maliban sa step-brother ko, ang mga magulang ko naman ay palaging wala. Alam mo ba ang