Episode 13 Dominic `Dona’ Nambria’s POV “May gagawin ka ba pag-uwi natin?” tanong sa akin ni Paul habang nagmamaneho siya ng kotse niya. Tapos na ang klase ko at hinintay pala talaga ako ni Paul na matapos ang klase ko pati na rin ang thesis defense ko. Akala ko pa nga umalis na siya pero paglabas ko ng classroom ko nakita ko agad siya. “Oo, ‘di ba sa kumpanya mo tayo didiretso? May trabaho pa ako,” sagot ko. Bakit pa siya nagtatanong eh gawain ko naman na nagpupunta agad sa kumpanya niya para mag trabaho pagkatapos ng klase ko. Alas singko na rin ng hapon at baka medyo marami na ang tao sa restaurant. “Maliban do’n,” aniya. “May gagawin ka ba na kailangan mo ng ipasa. Like school works.” “Wala naman,” sagot ko. “So, pwede mo kong samahan sa mall? Bibili lang ako ng regalo para sa