Episode 12 Dominic `Dona’ Nambria’s POV Maaga akong pumasok ngayong Lunes kahit na mamaya pa ang klase ko para lang iwasan si Paul. Simula kahapon ay iniiwasan ko na siya dahil sa kanyang tanong sa akin. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya gusto pero hindi ko alam kung bakit ayaw lumabas sa mismong bibig ko ang sagot. Simpleng `hindi’ lang naman ang sagot pero hindi ko masabi sa kanya kaya naman ito ako ngayon at iniiwasan siya. Kaibigan lang ang turing niya sa akin kaya dapat na hanggang kaibigan lang rin ang turing ko sa kanya. Hindi na pwedeng lumagpas pa do’n. “Ms. Pacion.” Napataas ang tingin ko sa professor ko na nasa unahan. “Ma’am?” “Get ready for your defense,” she said. “Opo,” sambit ko at binuksan ang bag ko. Kinalkal ko ang bag ko pero hindi ko mahanap ang fol