Episode 04

1841 Words
Episode 4 Dominic `Dona’ Nambria’s POV “Mabait nga ako, kaya nga sa penthouse ko na kita patitirahin ngayon, Nambria,” sambit niya at hininto ang kotse niya sa isang mataas na gusali. “H-ha?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “W-wala akong pambayad dito.” Isang libo pa nga lang na upa sa tinitirhan ko doon sa iskwater area pero hirap na hirap na agad akong pag ipunan. Ito pa kayang penthouse niya? “May sinabi ba kong pagbabayarin kita?” nakangiting tanong niya sa akin at bumaba na ng kotse. Bababa na rin sana ako ng hindi ko mabuksan ang kotse niya. Diyos ko! Paano ba ‘to? Wala naman kasi nito sa iskwater area kaya hindi ko alam kung paano buksan. Nakita ko naman sa labas si Paul na binubuksan ang kotse niya. Pinagbuksan niya ko ng kotse at agad naman akong lumabas. “Salamat,” nahihiyang sambit ko. Nakakahiya naman kasi dahil pinagbuksan pa talaga niya ko ng pinto sa kotse. Pinasakay na nga niya ko kahit madumi ang paa ko. Huwag naman sana niyang isipin na inaabuso ko siya dahil hindi naman. “Suotin mo na muna ‘tong sapatos ko,” aniya at hinubad ang itim niyang sapatos na sobrang kinis. “Naku huwag na! Ok lang ako na nakapaa,” mabilis na sagot ko pero nahubad na niya ang magkapares na sapatos niya. “Suotin mo na lang ‘to para hindi masugatan ang paa mo,” sambit niya. Pero umiling ako sa kanya at agad na tumakbo papunta sa likod ng kotse niya kung saan ko nakitang ipinasok niya ang kahon na may lamang mga damit ko. Pilit kong binubuksan ang likod ng kotse niya pero hindi ko mabuksan. Si Paul naman ay nakangiti lang habang pinapanood ako sa ginagawa kong pamimilit na buksan ang likod ng kotse niya. “Hindi mo ‘yan mabubuksan basta-basta lang,” aniya at pinulot ang sapatos niya tsaka naglakad palapit sa akin. Napasandal ako sa likod ng kotse niya nang huminto siya sa harapan ko. Para kong kakapusin dahil sa sobrang lapit ng katawan niya sa akin. “Suotin mo na muna ang sapatos ko at ako na ang bahala sa mga damit mo, Nambria.” Yumuko ako at lulusot na sana ng hawakan niya ang tiyan ko. Nanlalaki ang mga mata ko dahil nakahawak siya sa tiyan ko. “Y-yung kamay m-mo,” naiilang na sambit ko. Agad niya naman akong binitawan at umayos siya ng tayo niya. Napa-ayos rin ako ng tayo at pinantay ko ang suot kong salamin na tumatabingi na naman. “Sorry,” sambit ni Paul. “O-ok lang,” nauutal na sagot ko. Ano bang mayroon sa akin at nauutal ako sa kanya? Wala namang nakakatakot sa kanya pero kapag kausap ko siya bigla na lang akong nauutal. Diretso naman ang dila ko pero nauutal pa rin talaga ako sa kanya. “Sige na. Suotin mo na ang sapatos ko,” aniya. “Huwag na talaga. Ok lang sa akin ang nakapaa. Ikaw na lang ang magsuot ng sapatos mo dahil mukhang hindi ka sanay na nakapaa—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Itinaas niya ang kaliwang paa ko at pinagpag ‘yun gamit ang kamay niya tsaka sinuot ang sapatos sa paa ko. Ganun rin ang ginawa niya sa isa ko pang paa. Natulos ako sa kinatatayuan ko at nakatulala sa kanya hanggang sa matapos siya sa pagsuot ng sapatos sa paa ko. Nakangiti sa akin ang labi niya at para kong mauubusan ng hangin ng dahil sa ngiti na ‘yun! “Ayan, oh, di ba komportable ang paa mo,” nakangiting sambit niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may dumi na galing sa pagpapagpag niya sa paa ko. Wala man lang siyang pakielam kahit na madumi ang kamay niya at basta niya na lang ‘yun pinunas sa pantalon niya. Isa lang ang masasabi ko sa lalaking ‘to. Wala siyang arte sa katawan. Ang mga mayayaman kasi na kilala ko ay sobrang arte. Matalsikan lang ng konting dumi ang damit nila galit na galit na agad. “S-salamat pero paano ka?” Bumaba ang tingin ko sa maganda niyang paa na walang sapin. Nakapaa na lang siya. “Ayos lang ako,” sagot niya. May pinindot siya na kung ano sa hawakan ng susi niya at bumukas na ang likod ng kotse niya. Kinuha niya ang karton ko at binuhat niya ‘yun. May pinindot ulit siya na kung ano sa kotse niya at nagsara na ulit ang likuran ng kotse niya. Wow! Ang galing! Sobrang talino nang nakaimbento ng ganitong klaseng kotse “Tara na,” anyaya niya sa akin. Sabay kaming naglakad papasok sa mataas na gusali at napapatingin sa akin ang mga guard. Siguro nagtataka sila kung bakit ako kasama ng isang mayaman na lalaki lalo na’t ganito ang itsura ko. Naka maong short at simpleng t-shirt. “Malaki ang penthouse ko at siguradong magiging komportable ka,” sambit niya. Sumakay kami sa elevator at may pinindot siya na kung ano. Pinalibot ko ang mata ko sa loob ng elevator. Kitang-kita ko ang mga tao sa labas ng elevator dahil sa pader nito. “Ok na ako sa sahig,” sambit ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa baba. Umaakyat ang elevator pataas kaya unti-unting lumiliit ang mga tao. “Sahig? Anong sahig?” Napatingin ako sa kanya na kunot ang noo ko. Hindi ba niya alam ang salitang sahig? “Sahig, ‘yung lapag,” sagot ko. “Alam ko ang sahig pero bakit ka naman doon matutulog kung pwede naman sa kama,” aniya. Totoo ba ‘to? Libre na niya kong patitirahin sa bahay niya tapos pahihigain pa niya ko sa kama? Aba! Hulog nga ng lagit ‘tong si Paul. “Pwede akong maging taga linis ng bahay mo. Marunong akong maglaba, magluto, maghugas ng pinggan, lahat ng gawaing bahay alam ko—” “Bakit mo naman sinasabi sa akin ‘yan?” tanong niya. “Ah k-kasi w-wala akong pambayad sayo. Gusto ko sana na makabayad sayo kahit papaano. Huwag kang mag-alala kasi magaling akong maglinis ng bahay,” sambit ko. “Hindi ko naman kailangan ng taga linis ng bahay. Araw-araw na may pumupunta sa penthouse ko para maglinis,” aniya at sumandal sa salamin ng elevator. Ako naman ay nakatayo lang sa gitna ng elevator dahil natatakot ako na gumitna. Baka mamaya kapag sumandal ako sa pader ng elevator, biglang mabasag ang pader at mahulog pa ako. “Anong pwede kong gawin para naman makabayad ako sayo kahit pa paano. Nakakahiya naman kasi na tumira ako sa bahay mo ng libre lang,” sambit ko. Sa mundo ngayon wala ng libre, lahat ay makapalit. “Wala naman akong hinihingi na bayad. Gusto ko lang talaga na matulungan ka,” nakangiting sambit niya. Diyos ko! Ito na ba ang swerte na pinadala niyo sa akin? Kasi kung ito na ‘yun, maraming salamat. Ang lalaking ‘to na mukhang anghel ay parang anghel na talaga dahil sa kabaitan niya. “Huwag kang mag-alala. Aalis rin ako agad sa penthouse mo kapag nakahanap na ako ng murang matitirhan ko,” nakangiting sambit ko. Wala naman kasi akong balak na tumira sa bahay niya kaya lang wala na talaga kong pwedeng matuluyan. Wala naman akong kamag-anak dito at wala rin naman akong kaibigan na pwede kong puntahan. Ayoko rin naman na maging pabigat sa kanya. “Hindi mo naman kailangan umalis agad. Huwag mong madaliin ang paghahanap mo ng bagong matitirhan. Pwede ka naman mag stay sa penthouse ko kahit kailan ko gusto.” Bumukas ang elevator ng makarating kami sa pinakamataas na palapag. Nauna siyang lumabas at sumunod naman ako sa kanya. Isang pintuan lang ang mayroon sa pasilyo dito at ‘yun ang nilapitan namin ni Paul. May lumabas na kung anong bagay na umiilaw at tinapat ni Paul ang daliri niya doon. Namangha ako ng biglang bumukas ang pintuan. “Welcome home, Paul,” sambit ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong magsalita ang pintuan. Literal na nagsalita pero wala namang bibig ang pinto! “N-nagsasalita,” manghang sambit ko. Napatawa si Paul sa naging reaksyon ko at pumasok na sa loob ng penthouse niya. Hinubad ko muna ang sapatos niya na suot ko at pumasok na rin sa loob. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang malaking penthouse ni Paul. Punong-puno ito ng mga iba’t ibang klase ng gamit na alam kong mamahalin. May mga paintings rin siya na nakasabit sa pader. Nasa bungad pa lang kami ng bahay niya pero malaki na. Paano pa kaya kung nilibot ko na ang kabuuan nito. “A-ang laki pala,” nahihiyang sambit ko. Hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang penthouse na sinasabi niya. Ang penthouse kasi na iniisip ko ay simpleng bahay lang at hindi ganito kalaki. “Pwede kang mamili ng kwarto na gusto mong gamitin. Feel at home, Nambria. Isipin mo na lang na pag-aari mo ang buong penthouse. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo at walang susuway sayo dito,” sambit niya at binaba ang karton sa maliit na lamesa. “Eh ikaw? Saan ka?” tanong ko sa kanya. “Sa condo na lang muna ako baka kasi hindi ka maging komportable kung makakasama mo ako sa iisang bahay.” “Ok lang sa akin,” mabilis na sagot ko. Napangiti naman siya at pinamulsa ang dalawang kamay niya sa pantalon niya. Agad naman akong napailing dahil baka iba ang nasa isip niya na ibig sabihin ko. “A-ah ang ibig kong sabihin, ok lang na dito ka matulog tapos magkaiba tayo ng kwarto. Iyo naman ang penthouse na ‘to,” naiilang na sambit ko. “Bakit ka nagpapaliwanag, Nambria?” mahinang sambit niya at napangisi pa. “A-ah baka kasi isipin mo na katulad ako ng ibang babae diyan. Matino akong babae at hindi ako yung pa ano— basta!” Hindi ko ma-explain ang dapat kong sabihin dahil sa ngisi niya sa labi. Grabe naman kasi ang lalaking ‘to. Ang sabi ko pag-aaral lang ang aatupagid ko at hindi ang mga lalaki pero mukhang makakalimutan ko ang pangako ko sa sarili ko. “Simula nang magkita tayo at magka-usap hindi naman kita pinag-isipin ng kahit na anong masama,” nakangiting sambit niya at naglakad palapit sa akin. Huminto siya sa tapat ko at napatingala ako dahil sa taglay niyang tangkad. Sana ganito na lang lahat ng mayayaman sa mundo natin. Hindi ka pinag-iisipan ng masama at matulungin. Kung ganito lang lahat ng mayayaman sa Pilipinas baka umunlad na ang bansa natin. "Talaga bang hindi mo ako pinag-isipan ng masama?" mahinang tanong ko. Hindi ko na rin naman kailangan na lakasan ang boses ko dahil magkalapit lang kami. "Oo, Nambria. Unang tingin... Unang tingin ko pa lang sayo, alam ko na agad na hindi ikaw ang tipo ng tao na kayang gumawa nang masama sa kapwa niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD