Episode 5 Dominic `Dona‘ Nambria’s POV “Mag o-order na ako ng pagkain natin para makapananghalian na tayo,” sambit ni Paul habang hawak niya ang cellphone niya. Nasa loob ako ng kwarto na tutulugan ko at inaayos ko ang mga gamit ko habang siya naman ay nakaupo sa maliit na sofa na nakalagay malapit sa kama. “Order? Pwede namang magluto na lang para makatipid,” sambit ko at naglakad palapit sa kama. Naupo ako sa kanto ng kama na nakaharap sa kanya. Nakabukaka ang hita niya at nakasandal siya sa maliit na sofa. Hawak niya ang cellphone niya at ang gwapo niya tignan. Gwapo? Talaga ba, Dona? Kailan ka pa natutong tumingin sa gwapo? Aral muna bago lalaki. “Bakit naman ako magtitipid kung madami akong pera?” Nakataas ang kilay niya at ibinaba ang cellphone niya. Akala ko ibang-iba na siy