Bloodied Prince

1517 Words
Nagdududang tinitigan niya ang hari. His smile never faltered, trying to make her at ease. Mayamaya pa ay kumilos siya bagamat mabagal. May pag-aalinlangan pa ring kumakapit sa bawat kalamnan niya. “Sigurado ho kayo?” Nagkibit-balikat ang hari. “Walang mawawala kung susubukan natin. Hindi ka naman maaano kahit hindi tayo magtagumpay. Ang gagawin ko lang ay gisingin ang bahagi ng utak mo na nakalimot sa wikang Pleran.” “O-Okay.” She did as she was told. Muntik na siyang mapaatras nang dumikit ang mga daliri ng hari sa sentido niya. She felt the man’s fingers moved in circles while chanting something she couldn’t understand. Parang may malamig na hanging nanuot sa ulo ni Cara. Napapikit siya. It reminded her of her favorite mint shampoo. Hindi nagtagal ay bumitiw rin ang hari. Napadialt siya nang mahina siyang tapikin ng hari sa noo. “Maaari mo nang subukan kung nagtagumpay tayo,” anito. “Right. Give me that.” Walang kibong inabot sa kanya ng Yono’Que ang isang makapal na libro. It was bound leather, with delicate stitched spine. Kulay lupa ‘yon at kasing kapal ng braso niya. Kasaysayan ng Plera. “Holy shitzu! I can read!” tuwang bulalas niya nang maintindihan ang nakasulat sa pabalat ng libro. Tumango si Lemurion. “Makakatulong din ang mga librong ‘yan para maintindihan mo ang buhay sa Plera. Dahil nandito ka na, magiging bahagi na rin ng araw-araw mong pamumuhay ang mga bagay na nariyan sa mga librong ‘yan,” dagdag pa ng hari. “Naiintindihan ko po.” “Sige, maiwan na kita.” “Maraming salamat po.” Hindi niya nakalimutang magpasalamat. “Walang anuman. Kung may maitutulong pa ako ay ‘wag kang mag-aatubiling magpasabi.” Before she know it, she got engrossed with reading. Ni hindi na niya namalayang hindi pala siya kumain kung hindi ipinaalala sa kanya ng nakatanghod na Yono’Que. Pero kahit na kumakain ay hindi niya mabitiwan ang pagbabasa.  Paano kasi, nasa bahagi na siya kung saan napapadalas ang pagbanggit sa mga Daoin. Curious as she was, she couldn’t seem to put the thick volume down.  “Kamahalan, oras na po.” “Huh?” nag-angat siya ng tingin mula sa binabasa. “Oras na ng alin?” Noon lang niya napansin ang magkatabing Yono’Que na may kanya-kanyang bitbit sa mga kamay. “Oras na po para maghanda kayo para sa seremonya.” Napatingin siya sa labas ng bintana. Maayos na ang basag na salamin sa mga ‘yon. At dahil sa liwanag ng kuwarto ni Quiero, hindi man lang niya napansing madilim na pala sa labas. Napabalikwas siya ng bangon. “Ano’ng oras na ba?” “Mag-iika anim na po na gabi, Kamahalan,” sagot ng tinanong niya. “Hindi pa ba bumabalik ang Prinsipe?” Umiling ang dalawang Yono’Que. “Hindi po namin alam, Kamahalan. Hindi ko sakop ng trabaho namin ang alamin ang mga bagay na ‘yan, paumanhin po.” “Bummer,” bulong niya. “Sige, akina ‘yang mga ‘yan. You can leave.” “Pero utos po ng hari na tulungan kayong magbihis.” Tinaasan niya ng kilay ang dalawa. “Please. I can dress myself fine. Hindi ko kailangan ng katulong para magbihis. Isa pa, naaasiwa ako ‘pag may ibang taong nakatanghod sa akin.” “P-Pero—” “Ako na ang bahalang magpaliwanag sa hari. Ano naman ‘yan?” ngumuso siya sa hawak ng isang Yono’Que. “Mga pintura po na inilalagay sa mukha. Ito ang ginagamit ng mga kababaihan sa kaharian sa pagpapaganda.” Ah, their own version of make up. I can do make up. “Akina rin ‘yan,” aniya. The Yono’Que was reluctant. Pero wala na rin naman silang nagawa nang hablutin niya mula sa mga kamay ng mga ito ang damit at make up. Sapilitan niyang itinaboy ang dalawa hanggang sa maisara niya ang pinto. She heaved a sigh of relief and proceeded to check the dress. Inangat niya ang damit. Kulay puti ‘yon, gawa sa malambot na telang may kakaibang kinang sa tuwing natatapat ito sa liwanag. It shimmered as she turned the dress this way and that. It’s too flashy for my taste. Pero wala siyang pagpipilian. Ayon sa dalawang Yono’Que ay iyon ang ginagamit ng mga Pleran para sa seremonya ng paggising. Iyon lang ang tanging materyal na kayang tumagal sa kahit na anong kapangyarihang maaaring magising. Ayaw naman niyang mahubaran sa gitna ng maraming mga mata kung sakali kaya oo na lang siya. Hindi siya mahilig sa dress. Pero kaya naman niyang magsuot nang ganoon. Pasalamat na rin siya dahil ang kapareha ng damit ay hindi heels. She can never tolerate those devices of torture. Isang simpleng sandals ang kasama ng damit na ibinigay ng Yono’Que. It looked like those sandals ancient Greeks wore. The dress has short sleeves riding up her arms whenever she lifts them. Malambot ang bagsak ng tela sa katawan niya. Umabot hanggang kalagitnaan ng tuhod niya ang laylayan ng damit. The cut was just straight from shoulder to waist, with holes for her arms and neck. Pero ang kasimplehan ng damit ay binawi ng kasama nitong sinturon. It was an inch thick, made of soft black leather with inlaid purple jewels spaced evenly all throughout. Purple and black must be the kingdom’s colors. Cara nodded in satisfaction when she settled the belt riding low on her hips. Nagkaroon na ngayon ng hugis ang damit, sumunod sa hubog ng balakang at baywang niya. And the moment the belt came in place, kusang nagbago ang tabas ng damit. Para bang yumakap ito sa katawan niya sa paraang hindi naman masikip o masyadong maluwag.  So damned dress is indeed magical. Cool. Pagkatapos niyang isuot ang sandals ay umupo siya sa tapat ng salamin. Nakahanay sa harap nito ang iba’t ibang kulay ng mga pinturang nakapaloob sa maliliit na palayok na kulay puti. The vessels were cool to the touch. Kung hindi siya nagkakamali ay parang gawa sa white ceramic o kaya ay ivory ang mga sisidlan. A touch of gold were laced at mouth of each container. She counted twenty containers. Iba’t iba ang laman. Hindi niya alam kung alin doon ang mga kailangan niya. Kaya nag-eskperimento muna siya sa simula. To her surprise, she started to have fun trying each colors on the skin at the back of her hand. Makalipas ng sampung minuto ay alam na niya kung alin ang para sa pisngi, sa mata at sa mga labi. Pero bago niya inumpisahan ang lahat ay inayos na muna niya ang buhok. Wala siyang alam sa fancy hair dos. Nakontento siya sa simpleng pagtirintas ng mahabang buhok. Then she got working on her face. She loves minimalistic make up. And since early on she knew her best features are her eyes, she emphasized it by using Plera’s version of kohl liner. Wala siyang inilagay sa pisngi kahit may available naman para maging blush on. It would defeat her purpose. On her lips, she chose a tint that’s almost akin to nude pink. ‘Yong hindi siya mukhang maputla. Sinadya niyang maging magaan lang ang dating ng kulay ng mga labi para hindi maagaw ang atensyon sa mga mata niya.  Napangiti siya sa sarili nang matapos. She achieved her look. Hindi siya mukhang mahina. The dark lines she drew on her eyes gave her an edgy look, something she intended to achieve. Nang makontento ay iniligpit niya ang mga ginamit. A knock came. “Kamahalan, tapos na ho ba kayo?” boses ng Yono’Que. “Oo. Pwede na kayong pumasok,” aniyang hindi lumilingon sa pinto. Abala ang mga kamay niya sa pagliligpit ng mga kalat sa tapat ng salamin. Ramdam niyang may pumasok. Ganoon pa man ay inakala niyang ang mga Yono’Que na ‘yon. Hindi niya nilingon ang pumasok, itinuloy niya ang ginagawa. “Ano’ng oras na ba? Tingin ko naman hindi ako masyadong matagal sa pag-aayos. Bakit kaya wala pa si Quiero? He’s been out for too long,” aniyang parang sarili ang kinakausap. “Cara…” She froze. Pag-angat niya ng tingin ay nagsalubong ang mga mata nila ng Prinsipe sa salamin. Tuluyang tumambad sa kanya ang anyo ng lalaki. Napasinghap ang dalaga, sabay marahas na napalingon sa likod. “A-Anong nangyari sa ‘yo?” Hangos na nilapitan niya si Quiero.  She grabbed his arm. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang maramdaman ang malagkit na bagay sa kamay.  Blood! Pinakatitigan niya ang lalaki. Cakes of dried mud and blood clung to his hair, his eyelashes and clothes. An ugly gash about one to two inches stood out against the smooth skin on the side of his neck. Nangingitim ang paligid ng sugat.  The prince gave her a weak smile before his knees folded towards the floor.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD