Napamura si Cara nang wala sa oras. Basta na lang humulagpos sa bibig ng dalaga ang magkakasunod na malulutong na salita. Pati yata puso niya ay nanginig. Sa nakikitang dugo sa katawan ng Prinsipe, para siyang hinugot pabalik sa araw na natagpuan niyang nakahandusay ang ama at ang walang malay na si Alyson. She called out in panic, hoping the Yono’Ques outside haven’t left. And so when one of the Yono’Que’s came in, her body sagged in relief.
“Bilis! Tawagin n’yo ang manggagamot! The Prince is injured!”
Hindi rin naman nagtagal bago sumunod sa utos niya ang Yono’Que. Kagaya ni Cara, halos tarantang tumakbo palabas ng kuwarto ang inutusan niya. Ilang sandali pa ay narinig na ng dalaga ang mabibilis na mga hakbang ng paa sa labas. Hangos na pumasok ang mangagamot para tingnan si Quiero. It only took the healer a full ten minutes when he declared that the Prince will be alright. Kahit medyo may kalaliman ang sugat sa gilid ng leeg ng prinsipe, hindi naman ‘yon sapat para manganib ang buhay.
“Sigurado po kayo? That wound looked suspiciously near his jugular vein.”
Hindi pa rin kumbinsido si Cara. Halos nakanganga ang sugat sa leeg ni Quiero sa paningin niya. The way the gash gaped at her earlier still gives her the shivers.
“Malapit nga ang sugat niya sa importanteng ugat sa leeg. Pero naiwasan naman nito ang nasabing ugat ng dalawang limtrel.”
“Limtrel?”
“Iyan ang tawag namin dito sa Plera para sa sukatin ang haba o kapal, Kamahalan,” matiyagang paliwanag ng manggagamot sa dalaga. “Kapag masyadong maliit o manipis, ‘yan ang sukat.”
“At gaano kaliit o kalaki ang isang limtrel?”
Humugot ang manggagamot ng isang gintong sinulid mula sa basket na naglalaman ng mga kagamitan nito. Gawa sa makinis na kahoy ang basket, katumbas ng medical kit sa mundo ng mga tao. Ang gintong sinulid din ang parehong materyal na ginamit ng mangagamot para tahiin ang sugat ng Prinsipe.
“Ang isang limtrel ay ganito lang kanipis, Kamahalan.”
Shit. Quiero had just a brush with Death. Napalunok ang dalaga, pilit na inaalis sa isip ang mga posibilidad na nagsusulputan doon na lalong nagpapakabog sa dibdib niya. Magtatanong pa sana uli siya nang may kumatok sa nakabukas na pinto.
“Pasok.”
Bumalik ang Yono’Que na umalalay sa kanya kanina. The woman bowed her waist in obeisance before stating her business.
“Ipinag-uutos ng Hari na kailangan n’yo nang magpunta sa seremonya, Kamahalan.”
“Ngayon na? Agad-agad?”
“Opo, Kamahalan.”
“Pero hindi pa nagkakamalay ang Prinsipe,” katuwiran niya.
“Sabihin mo sa Hari na darating ang Prinsesa sa takdang oras na itinalaga para sa seremonya.”
Isang boses ang sumagot at nagbigay kaagad ng utos sa Yono’Que. Bagamat mahina ay hindi maipagkakailang matatag ang boses na ‘yon. Cara’s head turned and their eyes met. Hindi siya makapaniwalang ang nilalang na kanina ay walang malay ay nag-uutos na ngayon na parang walang nangyari.
If not for the stitches on the side of his neck, Cara could fool herself and pretend that her initial panic and worry did not happen. Ang Quiero na tinitingnan niya ngayon, kahit maputla ay hindi mo iisiping nakipagpatintero kay Kamatayan kanina lang.
“Opo, Kamahalan.” The Yono’Que retreated as fast as she came. Umalis na rin ang mangagamot.
Naiwang hindi kumikilos si Cara. Paulit-ulit niyang sinisipat ang mukha ni Quiero, naghahanap ng indikasyon na pinepeke lang ng prinsipe ang totoong kalagayan nito. Sigurado siyang nagpapanggap lang ito. If there is one thing she understands about the Prince, it is the fact that he is one hell of a stubborn guy.
“Pumasa ba ako?” tanong ng prinsipe na hindi man lang nakikitaan ng kahit na anong emosyon. If not for the teasing tone in his voice, Cara would think he’s serious.
She frowned. It is blatant that the Prince is trying to make light of what happened. Ganoon pa man, hindi niya puwedeng balewalain na naiinis siya sa ipinapakita ng lalaki. Ganoon lang ba ‘yon? Wala lang para dito ang buhay nito? Nataranta pa siya kanina.
“You’re injured. You should be resting,” sermon niya.
“Maayos na ako, walang dapat ipag-alala.”
Quiero rolled his shoulders outward and bent his neck sideways. ‘Yong kaparehong bahagi ng leeg ng lalaki na may sugat ang iginalaw nito. Muntik nang mapasigaw si Cara kung hindi lang niya agad na napigilan ang sarili.
“Be careful of your wound!”
Nilapitan niya si Quiero, balak na pigilan ang lalaki na saktan ang sarili. Sa ginagawa nito ay hindi malayong bumuka ang sugat nito sa leeg, eh. She caught his chin and grasped it firmly to prevent him from doing more stupid things. Pero ngumiti lang sa kanya ang hinayupak! His eyes bored into her worried face.
“Ano ba ang ginagawa mo?” tanong ng binata, umaabot sa mga mata ang ngiting ipinamalas nito.
She threw him another annoyed look.
“Pinipigilan kang patayin ang sarili mo,” sikmat ni Cara.
“Hindi ako ganoon kadaling patayin, Prinsesa. Bitaw na. Nakalimutan mo na yatang ipinapatawag ka na ng Amang Hari sa seremonya ng paggising.” Kumilos ang lalaki, inalis ang pagkakatakip ng kumot sa mga binti nito.
“Seryoso ka ba diyan? Pasyente ka, dapat nagpapahinga ka. I’ll find my way to that f*****g ceremonial circle. This f*****g castle teems with servants I can ask directions from. Hindi mahirap ‘yon.”
Imbes na makinig, hinuli ni Quiero ang kamay niya.
“Mabuti na ang kalagayan ko. Baka kailanganin mo ako sa seremonya.”
“No. I’m sure your father made sure everything’s ready and has made preparations for all types of unexpected scenarios. Dito ka lang.”
“Mas kilala ko ang sarili kong katawan. Nakabawi na ako, galos lang ito.”
“Galos?” Cara screeched. Pakiramdam ng dalaga ay umakyat lahat ng supply ng dugo niya sa ulo. What is this stupid Prince thinking? “You came in here looking like you’ve already signed your life over to Death. Tapos ngayon sasabihin mong galos lang?”
She tried freeing herself from his grip to no avail. Her strength compared to a full-bloodied and powerful royalty of Plera seemed like a joke.
“Bitiwan mo nga ako! Hindi na ako natutuwa sa ‘yo, baka akala mo.”
“Hindi.” His eyes searched her face, noting the drawn brows and the thin line her mouth made. “Nag-aalala ka para sa akin,” deklara ni Quiero.
Cara’s eyes flashed fire.
“Of course, I am! Who wouldn’t be? Umalis ka nang tirik na tirik pa ang araw, in excellent health. Pagkatapos, darating ka dito na naliligo sa sarili mong dugo. ‘Wag na nating idagdag ang katotohanang nawalan ka ng malay. You f*****g fainted at my feet!”
Quiero chuckled.
“Na hindi naman kailangan. Walang dapat ipag-alala dahil aksidente lang naman ‘yon.”
And his carelessness. It nearly cost him his neck. Kung hindi siya nakailag sa oras, gugulong ang ulo niya pababa sa burol kung saan natagpuan nilang naghihintay ang espiya. Dahil alam ng babae na hindi nito matatakasan ang mga tumutugis na kawal ng Iv, naghanda ito para tambangan sila. It’s a pity that they lost the spy by taking her life through self-poisoning.
At siyento por sientong sigurado si Quiero na ang lasong ‘yon ay kagaya rin ng lason na kumitil sa buhay ng mga bantay sa kulungan. Sobrang malaki ang posibilidad na gagamitin din ‘yon ng mga kaaway laban kay Cara kung hindi lang aksidenteng humulagpos ang kapangyarihan nito. Sa kabuuan, maituturing na suwerte ang nangyaring pagtakas ng kapangyarihan ng prinsesa.
“Kahit na ang totoo ay kinikilig ako sa katotohanang nag-aalala ka para sa akin, mas mabuti pang itigil mo na ‘yan. Tigilan mo na ang pag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay na posibleng nangyari dahil hindi makakatulong. Pagtuunan mo nang pansin ang seremonya ng paggising. Sa ngayon, ‘yon ang pinakaimportante sa lahat. Ang iba pa ay hindi na kailangan.”
Sa panggigilalas ng dalaga, nag-init ang mga pisngi niya. It was not just his words, damn it! Kayang-kaya niyang dedmahin ang mga salitang binitiwan ng lalaki. But not his eyes! Those freaking purple-rimmed iris of his is making strange things to her on the inside. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin, hindi malaman kung saan ibabaling ang mga mata. Sa huli ay nagpasya siyang doon sa baba ni Quiero itutok ang pansin. It’s safer, she thought.
“I-If you insist on accompanying me to the ceremony, then we better get moving.”
Lumuwag ang pagkakahawak ng binata sa kamay ni Cara. Agad siyang umatras, medyo desperado nang maglagay ng distansya sa pagitan nilang dalawa. Pero sa ginawa niyang pag-atras, bumangga ang likod ng tuhod niya sa naroong upuan na nakalimutan niyang nandoon pala. With a small cry of surprise and concern, her hands mindlessly flew in the air to grab something to hold on to.
“Huli ka,” Quiero whispered in her ear.
Cara opened her eyes. Hindi niya maalalang ipinikit niya ‘yon. Ang alam lang niya ay sigurado na ang pagbagsak niya at mababagok ang ulo sa matigas na sahig. Pero nasalo siya ng Prinsipe bago pa mangyari ang lahat ng ‘yon. At ‘yong effort niyang malayo sa lalaki? Wala na, lahat nabalewala. The Prince has one powerful arm draped around her waist. His other hand was splayed wide on the other side of her hip.
“T-Thanks,” Cara breathed out. Naghahatid ng lamig sa gulugod niya ang katotohanang sobrang lapit lang ng mukha ni Quiero sa kanya.
Sinasabi niya sa sariling dapat niyang itulak ang lalaki palayo. Pero may sariling plano ang katawan niya. Nanatili siyang nakadikit sa prinsipe habang paiksi nang paiksi ang mababaw niyang paghinga. She can feel the other’s breath fanning her face as they watched each other through half-lidded eyes.
Cara wasn’t entirely sure how long they were staring at each other. Ni walang salitang namagitan sa kanilang dalawa. Habang tumatagal na magkahinang ang mga mata nila, kumakapal naman ang tensyon. Sobrang kapal na halos nakikita na ni Cara ang hugis at kulay. Nanatili silang hindi kumikilos na para bang nag-aabang kung sino ang unang gagawa ng hakbang.
And then the world around her exploded. Natagpuan niya ang sariling ikinalang ang mga braso sa leeg ng binata. Quiero bent his head towards her. Malabo sa kanya kung sino ang unang gumalaw. It’s possible that it was her, or him, or both. Sa pagkakataong iyon, hindi na mahalaga kung sino.
Their lips met and Cara burned. As Quiero slanted his lips against hers, her arms tightened around his neck, her fingers digging into the softness of his black hair. He tasted of blood, mixed with smoke with something mint. Hindi nakaka-turn off. Instead, she pressed her body closer. Cara inhaled his scent, realizing she’s greedy for more as their tongues clashed.
Mahinang kinagat ni Quiero ang pang-ibabang labi ng dalaga. She gasped, surprised by her reaction. She thought she heard him chuckle against the skin of her chin. Napangiti siya sabay hampas sa likod ni Quiero. But her smile faded as his lips trailed an invisible path down her neck.
“Q-Quiero…”
Hindi siya sigurado kung para saan ‘yon. Parang gusto niya pero may maliit na bahagi niya ang nakakaramdam ng kaunting takot. Scared of what? Cara doesn’t know. Half of her is screaming with the need for him, and half is quaking in her imaginary boots. Narinig niyang mahianng natawa ang binata bago nito iniwan ang isang magaang na halik sa leeg niya.
“Tara na nga. Bago pa ako mapugutan ng ulo ng ama ko ‘pag di ako nakapagpigil at lamunin na kita nang buo.”
Cara chuckled.