bc

Cara

book_age16+
106
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
royalty/noble
bxg
another world
like
intro-logo
Blurb

Forced to leave her homeland ravaged by war, Cara Muerte lived in the human world with her foster father. Her mother's last words were firm; she should never return no matter what happens.

They lived a life where switching places, transferring schools and home schooling were the norm. She didn't really mind having no friends. Her stepsister, though annoying as hell, is enough.

But just when she thought she'd just breeze through high school with no problems, Cadmus was attacked and fell ill. He was injured with Pleran steel, a kind of alloy that eats the victim's life force.

She has to go back to Plera for no human can ever heal Cadmus. But her father forbid her, doing so is a clear suicide. Because as per Pleran Law, any Pleran who crosses to the human plane has a definite bounty in their heads.

And falling in the hands of a Pleran prince is not the homecoming she imagined.

chap-preview
Free preview
Pamamaalam
"Cara! Cara! Bumangon ka anak!" "Ina?" Pupungas-pungas siyang bumangon. Bumulaga sa kanya ang nag-aalalang mukha ng ina. Pabalik-balik ang mga utusan sa loob ng kuwarto niya. Mabilis ang mga kilos na pinagsuot siya ng ina ng dagdag pang damit. "Makinig kang mabuti," anitong panay ang ginawang paglunok. "Kailangan nating magkalayo. Sasama ka kay Ginoong Cadmus, lalayo kayo sa lugar na ito. Simula ngayon, gusto kong ituring mo siyang ama." "Po? Saan po kami pupunta?" litong tanong niya. Hindi lubusang maintindihan ng walong taong gulang na isip niya ang sinasabi ng ina. "Delikado para sa'yo ang manatili dito anak, kaya kailangan mong umalis." "Ayoko po, Ina! Hindi po kita iiwan!" Bigla siyang nakaramdam ng takot sa pag-iisip na magkakahiwalay sila ng ina. Paano siya matutulog? Hindi siya nakakatulog na hindi katabi ang ina. "Kailangan mong mabuhay." Tumulo ang mga luha ng Reyna. Mahigpit na niyakap nito ang kaisa-isang anak. Nagulat silang lahat nang umalingawngaw ang isang pagsabog sa di kalayuan. Humigpit ang pagkakahawak ng kanyang ina kanya saka ito bumaling kay Ginoong Cadmus. "Tumakas na kayo! Kahit na anong mangyari, huwag kayong babalik!" Nagpupumiglas siya nang hawakan siya ni Ginoong Cadmus. Parang nagbago ang isip ng ina niya dahil pinigilan nito ang lalaki sa braso. Pero hindi para bawiin siya sa pagkakahawak ng lalaki, kundi para sa isang mahika. Ipinasuot sa kanya ng ina ang isang kuwintas. Pagkatapos siya nitong yakaping muli at halikan sa pisngi ay ikinumpas ng Reyna ang kamay nito sa hangin. "Ikubli anak ng Dao, kalaban ay iligaw, Linlangin ang mata, nagtatangkang masama. Makapangyarihang hangin, Nawa'y pagbigyan puso ng isang ina." Kasabay ng pagtatapos ng pag-usal ni Reyna Fria ay ang pagliwanag ng paligid. Nang magmulat si Cara ng mga mata ay nasa gubat na sila ni Ginoong Cadmus, sa likod ng palasyo. Isang malakas na pagsabog uli ang puminit sa kadiliman ng gabi. Sinundan 'yon ng napakalaking apoy. Mabilis ang pagkalat nito. "Inaaaaaa!" iyak niya sa kawalang magawa.  Unti-unting nilalamon ng apoy ang buong lupain ng Dao. ***** Tiim-bagang na inakay ni Cadmus ang paslit. Sa bawat hakbang na ginagawa nilang pareho ay pabigat nang pabigat ang pakiramdam niya sa dibdib. Ngunit wala siyang magagawa kundi ang sundin ang huling pakiusap ng kaibigang si Fria; ilayo sa Plera ang nag-iisa nitong anak at huling dugong-bughaw ng angkan ng Dao. Isang oras na silang naglalakbay na walang kibuan nang walang anu-ano'y tumigil ang bata. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Ano 'yon, Prinsesa Cara?" Walang imik na umangat ang kamay ng bata at may itinuro sa dilim.  "May paparating." Sa narinig ay agad niyang hinaklit ang bata upang magtago sa likod ng masukal na mga halamang-gubat. Hindi siya isang mandirigma. Wala sa pakikipaglaban ang kanyang angking lakas at galing. Isa siyang pantas na maghapong nagkukulong sa kanyang silid sa Nodz Yaza, kapiling ang makakapal na libro.  "Ginoong Cadmus---" "Shhh...huwag kang maingay." Papalapit nang papalapit ang mga yabag. Takot siyang silipin kung sino ang mga paparating. Baka mahuli siya at tuluyan na niyang hindi maitakas mula sa Plera si Cara. "Ginoong Cadmus," ulit ng bata. "Hindi kalaban ang paparating." Natigilan ang lalaki. "Hindi?" Umiling ang bata. "Kaibigan ng Inang Reyna ang mga paparating." Mga. Ibig sabihin ay hindi lang isa. May mga agam-agam si Cadmus. Hindi siya sigurado kung makikinig ba siya kay Cara o ano. Isang bata lamang ito. Paano kung nagkamali si Cara at kalaban pala ang mga 'yon? Ganoon pa man, hindi niya maikakailang hindi ordianaryong bata si Cara. Anak ito ng isa sa pinakamakapangyarihang nilalang sa balat ng Plera. Bagamat isa pa itong musmos, nananalaytay sa mga kaugatan ng bata ang parehong kapangyarihan. "Natitiyak mo ba?" muling tanong niya kay Cara. Tumango ang bata. "Tinuruan ako ng Inang Reyna kung paano tandaan at tukuyin ang bawat awra ng mga Pleran na nakakasalamuha ko. Hindi sila kalaban, Ginoong Cadmus." "Kung ganoon, sino ang mga paparating?" Saglit na natigilan si Cara. Yumuko ito at bumulong-bulong na hindi naman maunawaan ni Cadmus. Ano ba ang alam niya? Isa siyang pantas. Ang salamangkang alam niya ay limitado at pawang mga simple lamang. Ngayon siya nagsisisi kung bakit hindi siya nakinig sa ama na sanayin ang sarili sa salamangka. Ngunit huli na para magsisi.  Mayamaya ay tumango-tango uli si Cara. "Ang punong manggagamot ng Oan at Hari ng Nim, sina Binibining Aletha at Ginoong Horgrem." Nakahinga nang maluwag si Cadmus. Maingat niyang binuhat ang bata at saka lumabas mula sa pinagtataguan. Tamang-tama namang tumapat na sa pinagtataguan nila ang dalawang Pleran. Kung kaya nagulat ang mga bagong dating kasabay ng pagbunot ng espada ni Horgrem para dumepensa. "Horgrem, Aletha! Ako ito, si Cadmus!" agad na sabi ng Nodz Yazan. Hinawi niya ang takip sa ulo para malantad sa mga bagong dating ang mukha. "Kasama ko ang anak ni Fria." "Cadmus! Salamat sa mga bituin at ligtas kayo!" sambit ni Aletha. "Ano'ng nangyari? Bakit kayo lang? Nasaan si Fria?" Saglit na hindi nakakibo si Cadmus. Sa halip ay umiling na lamang ang pantas.  "Kilala n'yo si Fria. Bago ang lahat, isa siyang reyna at pinuno ng Dao. Hinding-hindi niya iiwanan ang kanyang mga nasasakupan. Mamamatay siyang kasama ang buong angkan ng mga DaoinPumapangalawa lamang ang kanyang pagiging ina." Sa narinig ay napayakap si Cara sa pantas. Tahimik na lumuha ang bata, kagat ang mga labi para pigilan ang nagbabantang hagulgol.  "Kailangan naming lumayo para masigurong ligtas si Prinsesa Cara," dagdag pa ni Cadmus. "Pupunta kayo sa mundo ng mga mortal," hula ni Horgrem. "Iyon ang pakiusap ni Fria." "Ngunit...isang malaking krimen ang pagpunta sa mundo ng mga mortal nang walang pahintulot," ani Aletha. "Paano kung---" "Kaya nga hindi na kami babalik ng Plera, Aletha. Gusto ni Fria na doon na manatili ang kanyang anak." "Paano ang Dao?" si Horgrem. "Sa kasalukuyan ay masasabi kong wala na ang Dao. At si Prinsesa Cara na lamang ang maaaring natitirang buhay mula sa angkan ng mga Daoin." "Mga hayup sila!" Maigting na sambit ni Horgrem. "Nang dahil lang sa propesiya, binura nila ang mga Daion sa balat ng Plera. Mga gahaman sa kapangyarihan!" Magsasalita na rin sana si Aletha nang makarinig sila ng mga boses. Natigilan silang apat, kasabay ng panlalaki ng kanilang mga mata. "Umalis na kayo! Kami na ang bahala ni Aletah dito!" taboy ni Horgrem na muling inilabas ang espada. "Kunin mo ito," sabi ni Aletha saka may inilagay sa palad ni Cadmus. Dalawang bolang kristal na kasing laki lamang ng kamao ng isang bagong silang na sanggol ang nasa mga palad ni Cadmus. Dalawa 'yon at parehong kulay d**o. "Ano'ng gagawin ko dito? Hindi ko na ito maaaring gamitin." "Hindi natin masasabing hindi mo kakailanganin ang tulong ko sa hinaharap. Ang mga kristal na 'yan ay may basbas ng aking kapangyarihan. Maaari mo akong padalhan ng mensahe gamit ang mga 'yan para siguradong makakarating. Sige na, umalis na kayo!" Itinulak siya ni Aletha. Ngunit hindi siya bumitaw sa kamay ng babae. Parang napako ang mga paa niya sa kinatatayuan nang mapansin ang pagkislap sa berdeng mga mata ni Aletha. "A-Aletha..." Umiling si Aletha.  "Ipinapanalangin kong ito na ang huli nating pagkikita, Cadmus. Dahil mangangahulugan 'yon na ligtas kayo ni Cara. Naway hindi mo magamit ang mga kristal. Paalam at salamat sa mga magagandang alaala." Ngumti si Aletha sa kabila ng mga luha nito. At sa pagbitaw ng mga kamay nila sa isa't isa, tuluyang nanlabo ang mga mata ni Cadmus.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.4K
bc

YOU'RE MINE

read
901.4K
bc

SILENCE

read
386.7K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
188.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook