Ang Pagpupulong

1365 Words
Nagsitayuan ang lahat ng mga nakapalibot sa pahabang mesa. Naroon ang buong Edcei Pasde, kasama ang mga tagapayo ng Hari. Maliban sa kanila ay wala nang ibang pinayagang dumalo sa pagpupulong. “Kamahalan!” sabay-sabay na pagbibigay-galang ng mga naroon.  Dinig niya ang pagsara ng bakal na pinto pati na ang pagbaba ng mga kurtina sa malalawak na bintana. Dalawa sa nakasunod sa hari ay nagpakawala ng mahika sa hangin upang maiwasang may makarinig ng ano mang pag-uusapan nila ngayon. Pagkatapos at tahimik silang pumuwesto sa likuran ng trono. Nakasunod siya sa likuran ng ama. Agad niyang nakita ang isang bakanteng upuan na sadyang inilaan sa kanya. Sa tapat ng trono ng hari nakapuwesto ang mahabang mesa.  “Maupo kayo.” Parang iisang taong nagsiupo ang mga tao. Tahimik na naghintay si Quiero na mag-umpisa ang pagpupulong. “Ano ang sitwasyon sa paghahanap sa nawawalang tagasilbi?” tanong ni Haring Lemurion. Isang miyembre ng Edcei Pasde and sumagot. Kilala niya ito bilang si Tres. Walang malinaw na impormasyon kung kailan nagsimula ang Edcei Pasde. Ang alam niya, mas matanda pa sa kaharian ng Iv ang kasaysayan ng grupo. Para bang sumulpot lang sila mula kung saan at naging personal na tagabantay at tagapaslang ng hari. At gaya ng mga nauna, kilala ang bawat miyembro sa bilang nila sa samahan. Wala silang pangalan o apelyidong puwedeng gamitin para matunton kung saang angkan sila nanggaling.  “Patuloy ang pagsunod ng mga tauhan natin sa bakas ng iniwan ng babae, Kamahalan.” “Ilang grupo ang lumabas ng kastilyo para tugusin ang tagasilbi?” “Limang grupo po, Kamahalan.” Nangalumbaba ang hari.  “Hindi sapat. Kailangang maibalik sa kastilyo ang tagasilbi sa loob ng isang oras. Kaya ko kayo ipinatawag dito ay para mapabilis ang paghahanap. Prinsipe Quiero…” “Ama?” “Pangunahan mo ang pagtugis sa tagasilbi. Pakilusin ang buong Edcei Pasde,” utos ng hari. Natigilan siya kasabay ng nabiglang pagsinghap ng mga tagapayo ng Hari. Wala namang kakilos-kilos ang mga miyembro ng Edcei Pasde. Nanatili silang diretso ang tingin sa harap, walang emosyong mababakas sa mga mukha. Pakikilusin ang buong lakas ng Edcei Pasde? Ni minsan ay hindi pa nangyayari ‘yon. Ang huling pagkakataong kumilos ang buong lakas ng Edcei Pasde ay noong huling digmaang naganap sa Plera, nang gabing malipol ang mga Daoin. Ganoon na lang ba kahalagang mahuli ang tagasilbi para mag-utos nang ganoon ang kanyang ama? “K-Kamahalan…hindi po ba sobra naman po yata ‘yon? Edcei Pasde ang nakatalaga para pangalagaan ang kaligtasan n’yo. Oo at wala namang banta sa buhay ninyo sa ngayon pero hindi tayo nakakasigurong walang nakapasok na espiya sa Iv,” kontra ng isang tagapayo sa hari. Isang masamang tingin ang ibinato ng hari sa nagsalita. “Hindi kayo nandito para kontrahin ang mga utos ko. Hindi ko hinihingi ang opinyon ninuman tungkol sa usaping ito! Nandito kayo para makinig at gawin ang mga iuutos ko.” Bago yumuko at bumulong ng paumanhinan ang tagapayo ay nagtama ang mga mata nila ni Quiero.  “Sa loob ng isang oras, inaasahan kong nasa harapan ko na ang tumakas na tagasilbi,” deklara ng hari. “Naiintindihan mo ba ako, Prinsipe Quiero?” Humugot siya ng malalim na paghinga bago sumagot. “Opo, Ama.” “Mabuti. Kumilos na kayo ngayon din.” Sabay-sabay silang yumukod sa hari bilang pagsunod. Walang salitang nagsitayuan ang lahat ng miyembro ng Edcei Pasde. Walo ang sumunod sa kanya palabas ng bulwagan.  “Prinsipe Quiero,” muling tawag ng hari. Dumagundong ang boses nito sa loob ng bulwagan. Nilingon niya ang ama. “May ipag-uutos pa po ba kayo, Ama?” “Isama mo sina Otso at Seis,” tukoy ng hari sa dalawang lalaking tahimik na nakaantabay sa likod ng trono.  “Pero Ama, hindi kayo maaaring maiwang mag-isa,” protesta niya.  “Minamaliit mo ba ang kakayahan kong protektahan ang sarili, Quiero?” “H-Hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin, Ama. Mahalagang mahanap ang nawawalang tagasilbi ngunit mahalaga ring masiguro natin na walang mangyayaring masama sa inyo. Lahat kami ay lalabas ng kastilyo, maiiwan kayong mag-isa,” aniya. “Hindi ko na uulitin pa ang nasabi ko na. Humayo na kayo.”  Sumandal ang hari sa kinauupuan nito saka pumikit. Kabisado na ni Quiero ang ama. Senyales na ‘yon na wala nang silbi ang makipagtalo o umapela kay Lemurion.  Wala siyang nagawa kundi sumunod. Tinanguan niya ang nakasunod sa kanya at tuloy-tuloy na silang lumabas ng bulwagan. Sa hardin sila humatong. Parang nananadyang natagpuan niya ang sariling nakatingala sa bintana ng silid niya. Doon pala siya dinala ng sariling mga paa. Alam niyang nasa loob lang si Cara. Ramdam niya ang kagustuhan tawagin ang dalaga pero para saan? Wala namang maitutulong ang babae sa misyon niya. Babalik din naman siya para alalayan ito sa seremonyang gagawin pagdating ng gabi. Nailing siya. Sa ngayon, ang kailangan niyang pagtuunan ng buong pansin ay ang misyong ibinigay ng ama. Saka na niya iisipin ang mga bagay na wala siyang karapatang isipin kung tutuusin. Sa isang kumpas ng kamay niya ay binalot sila ng malaking bula. Paniniguro lang ‘yon na walang makakarinig sa kanilang pag-uusapan. “Hatiin n’yo ang mga sarili ninyo sa tatlong pangkat. Ang matitirang isa ay sasama sa akin,” utos ni Quiero. Mayamaya pa ay kanya-kanyang grupo na ang mga miyembre ng Edcei Pasde. Si Uno ang natirang walang kagrupo kung kaya’t sila ang magiging magkasama. Napatango si Quiero. May kanya-kanyang kakayahan ang mga miyembro ng Edcei Pasde. At ang napunta sa kanya ay pinakabata pero hindi pahuhuli sa bilis at talino sa mga kasama nito. Yumuko si Quiero. Sa isang iglap ay lumitaw ang isang mapa sa hangin, nakapuwesto sa pagitan nilang lahat.  “Dito tayo magsisimula…” Itinuro niya ang isang bahagi ng mapa na sumisimbolo ng bahaging magubat sa kaharian ng Iv. ****** Bored na bored na siya. Maliwanag pa nang umalis si Quiero. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang lalaki. Hindi rin siya pinapayagang lumabas ng bantay niya sa labas ng pinto. Kabilin-bilinan daw ng hari na ‘wag siyang palalabasin.  Hindi siya naniniwala. Nang magdeklara siyang kailangan niyang lumabas para kausapin ang hari ay nagulat na lang si Cara nang sadyain siya mismo ni Haring Lemurion. “Hindi pa nahuhuli ang tagasilbing nakatakas, Prinsesa Cara. Hangga’t hindi natin alam ang motibo niya ay hindi ka maaaring lumabas. Hindi ko isusugal ang buhay ng nag-iisang anak ng kaibigan kong si Fria,” sabi sa kanya ng hari. Napabuga na lang siya ng hangin.  “Bagot na bagot na po ako dito. Aba eh kabisado ko na yata kung iilan na lang ang hibla ng buhok na natitira sa ulo ko.” Napangiti ang hari. Hindi siya nito sinagot pero saglit itong lumingon sa isang Yono’Que na nakaantabay sa kanila sa isang sulok. Dalawa ang naroon, parehong babaeng naglalaro sa edad sixteen at seventeen. If there’s one thing notable around here, the servants are all young. Maliban na lang sa manggagamot at mga sundalo na nagmula sa iba’t ibang age groups. Tuloy napapaisip siya kung ano ang papel ng mga taong lagpas sa beinte ang edad.  One servant came back with stacks of books on his arms. Napatingin siya sa hari, nagtatanong ang mga mata. “Habang naghihintay ka sa pagbabalik ni Prinsipe Quiero ay makakatulong ito para mabawasan ang pagkabagot na nararamdaman mo. Marami pang inaasikaso ang prinsipe para sa seremonyang gaganapin sa pagsapit ng ika-siyang ng gabi.” “Maintindihan ko naman ho kaya ang mga nakasulat diyan?” Nagdududang tinitigan niya ang makakapal na volumes.  “Halika.” Umunat ang dalawng braso ng hari papunta sa kanya. Alarmed, she stepped back with wide eyes. What the eff is the king trying to do, hug her? Ayaw niya. “A-Ano pong gagawin n’yo?”  “Wala akong gagawing masama. Ilapit mo lang ang ulo mo sa mga kamay ko. Isa kang Pleran. Naniniwala akong nabaon lamang sa limot o kaya ay takot sa mga naranasan mo ang kaalaman mo tungkol sa wikang una mong kinagisnan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD