Ang Babala ng Yono'Que

1586 Words
Bihis na si Lizbeth nang lumabas sila ni Mithos sa pribadong paliguan. To her relief, hindi weird ang damit na pinasuot sa kanya ng Yono’Que. Kung tutuusin halos walang pinagkaiba sa suot ng Yono’Que ang suot niya ngayon maliban na lang sa may pang-itaas siya. Kumportable ang pang-ibabang suot niya dahil malambot ang tela. And pang-itaas niya ay parang Japanese kimono na umabot hanggang balakang niya at secured ng tali. Maiksi rin ang manggas. Si Mithos na rin ang nagtali ng buhok niya. Kung ito ang masusunod, gusto nitong adornohan ng palamuti pero tumanggi siya. Nakuntento ang Yono’Que sa simpleng ponytail. Sumunod siya kay Mithos palabas sa lugar, keeping a close distance. Hindi niya gusto ang tingin ng ibang Yono’Que sa kanya. Kung naiba lang ang sitwasyon, malamang na-flatter na siya sa atensyon. Ikaw ba naman ang pakatitigan ng mga lalaking puro pandesal ang tiyan. At may isa siyang napapansin sa mga Yono’Que; walang pangit sa kanila. “M-Mithos.” Lumingon sa kanya ang Yono’Que pero hindi bumagal ang mga hakbang. “Ano ‘yon?” “Bakit lahat kayo gwapo?” Natawa ang Yono’Que. “Kakaiba ka rin ano? Inaasahan kong nanginginig ka sa takot gaya noong una kang dumating dito. Pero parang walang nagawa ang ilang araw mong pagkakakulong. Mga hitsura naming mga Yono’Que ang napansin mo.” “Why? Is it a crime? I just can’t ignore it, this place is plain crazy. Bagsakan yata ‘to ng mga gwapo.” “Isa ‘yon sa hinahanap na katangian para maging Yono’Que. Kung nagkataong wala akong hitsura, magiging ordinaryong tagasilbi lamang ako sa kaharian.” “Ganoon? So you’re like an elite type of servants?” Tumango si Mithos. “Dahil hindi ordinaryong nilalang ang pinagsisilbihan namin. Kami ang direktang nagsisilbi sa Hari at Reyna ng kaharian at kanilang mga anak. Lahat ng pangangailangan nila ay kami ang nag-aasikaso.” Hindi na niya nasundan ang pagtatanong. Papalapit sa direksyon nila ang kumpol ng mga Yono’Que na humahangos. “Hanapin ninyo! Nasa paligid lang siya!” anang Yono’Que na nangunguna sa grupo. Hinatak siya ni Mithos para maiwasang mabangga ng mga ito. Takang napatingin siya sa kasama. Seryoso ang mukha nito pero halatang nagpipigil ng ngiti. Nang makalampas sa kanila ang grupo ay pinakawalan nito ang tinitimping pagtawa. “Ano’ng nangyayari?” tanong ni Lizbeth. “Malamang nawawala na naman ang prinsipe. Kahit ano’ng bantay nila kay Prinsipe Yael ay lagi naman silang natatakasan.” “Anak ng Hari at Reyna?” Umiling si Mithos. “Pamangkin ng Hari, anak ng yumaong kapatid nitong si Prinsesa Grae’An at Heneral Vikahr. Nasawi sa huling digmaan sa Plera ang mga magulang niya kaya naiwan siya sa pangangalaga ng Hari.” “I see.” “Hindi ko alam na libangan mo na rin palang ikuwento ang buhay ko sa iba, Talgaznur.” Sabay silang natigil ni Mithos sa paglalakad. Mula sa itaas ay prenteng nakaupo ang isang lalaki sa beam ng bubong. Nakakubli ito sa isang rebulto ng hayop na mukhang pusa ang ulo pero ang katawan ay ibon. Naglambitin muna ito bago tumalon pababa sa harap nilang dalawa. He moved with feline grace, naisip ni Liz. “Magandang umaga, Prinsipe Yael.” Yumukod bilang pagbati si Mithos. HIndi alam ni Lizbeth kung gagayahin ba ang lalaki o ano. Nanatili siyang nakatanga. “Magandang umaga rin, Talgaznur,” ganting bati nito na kay Lizbeth nakatutok ang itim na mga mata sa dalaga. Nang kumurap si Lizbeth ay nagulat siya. His eyes were swirling black and blue. “You have the weirdest eyes ever,” hindi mapigilang komento niya. Kumunot ang noo ng prinsipe. Narinig na niya ang wikang ‘yon mula sa bihag na kasama nila ni Quiero sa gubat. “Ano’ng wika ‘yan?” “English.” “Eng..eng..lis?” “English, with the ssshh sound at the end. You know, that thing you do to make someone shut up?” “Mortal ka kung ganoon,” deklara ng prinsipe. Sina Mithos at Lizbeth naman ngayon ang napuno ng pagtataka. “Mukhang hindi ito ang unang pagkakataong narinig mo ang salita ng mga mortal, Prinsipe Yael?” nagdududang tanong ni Mithos. “H-Ha? Ano…narinig kong usap-usapan sa bayan. Alam mo namang madalas akong pumuslit palabas di ‘ba? May mga taga-kuwentong dumadayo, sa kanila ko narinig ang tungkol sa mga mortal at wika nila. Kakaiba daw. Hehe.” “Okay,” ani Lizbeth. “Saan kayo pupunta?” pag-iiba ng prinsipe ng usapan. “Sa bulwagan ng Reyna.” “Ano’ng pakay ng Reyna sa mortal?” “Hindi ko alam, kamahalan. Napag-utusan lamang po ako.” “Ang tamang tanong siguro, bakit niyo ako kinaladkad dito?” taas ang kilay na tanong ni Liz. Kunwari wala siyang alam, paninindigan niya ‘yon. Tutal mamamatay din naman siya ‘pag nalaman ng mga ‘to na hindi siya ang pakay nila. “Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi bukal sa kalooban mo ang pagparito?” tanong ng prinsipe. “Do I look like I’m excited to be here? I was just resting at home ‘coz I’m sick when some scary-looking guys went into my room. Kinaladkad nila ako papunta sa isang bilog thingy that glows in blue,” anang dalaga. Pagkaalala sa mga magulang ay hindi niya maiwasang mamasa ang mga mata. “I don’t even know what they did to my parents, or if they’re still alive or not.” Biglang naging asiwa si Mithos. “Ah, mauna na kami kamahalan. Tara na, Lizbeth.” “Sandali lang,” pigil ni Yael. “May alam ka ba tungkol dito, Talgaznur?” Umiling ang Yono’Que, tikom ang bibig. Hawak nito sa braso si Lizbeth, kulang na lang itakbo siya nito. Mailap ang mga mata ng Yono’Que kaya lalong hindi nakumbinsi ang prinsipe. “Magsabi kang totoo, Talgaznur.” Napasinghap si Lizbeth nang tuluyang mawala ang itim sa mata ni Yael. Ngayon ay kulay bughaw na ito, matiim ang tingin sa Yono’Que. “Patawad kamahalan, ngunit wala akong alam. Pawang bulong-bulungan lamang ang tangi kong narinig nang dumating ang mortal sa kaharian limang araw na ang nakalipas.” “Ano’ng bulong-bulungan?” Nagpalinga-linga ang Yono’Que. Ayaw pa ring magsalita. Napabuntung-hininga na lamang ang prinsipe. Kapagkuwa’y pumitik ito sa hangin at ikinumpas ang kamay paikot ng dalawang beses. Nanlaki ang mga mata ni Lizbeh nang mula kung saan ay may tubig na bumalot sa kanilang tatlo. Para silang nakakahon, tubig ang nagsisilbing dingding at kisame. Nawala ang lahat ng tunog sa paligid. “Ngayon, lahat ng sasabihin mo ay hindi makakalabas dito. Magsalita ka, Talgaznur.” “Mga kasapi ng sandatahang hukbo ng Zul ang nagdala sa kanya dito, limang araw na ang nakakalipas. Isa ako sa naatasang mag-asikaso sa kanya. Bihag siya ngunit hindi tinratong bihag. Maayos ang kulungan, may pagkain at tubig. Wala rin siyang tali sa kamay at paa.” “Psh! But I was blind,” singit ni Lizbeth. Sinubukan niyang tusukin ng hintuturo ang bumabalot sa kanila. Matigas, parang adobe. “Para lamang makasigurong hindi ka makakatakas,” pakli ni Mithos. “Hindi ko maintindihan. Sa kuwento niya, dinukot siya sa mundo nila. Bakit? Sino ang nag-utos?” “Hindi ko alam, kamahalan. Ngunit isa lang ang alam ko, personal na mga kawal ng Reyna ang inatasang dukutin siiya.” “Ang Reyna ang may pakana?” halos bulong na lang ang boses ni Yael. “Walang may kapangyarihang pakilusin ang mga kawal maliban sa kanya at sa Hari, kamahalan.” Mukha lang siyang hindi interesado pero nakasahod ang pandinig ni Lizbeth. The Queen wants her step sister, malinaw na ‘yon. Pero ang dahilan kung bakit ay malabo pa rin. Iisa lang ang paraan para malaman. “Well, let’s go and meet the Queen. That’s the only way to find out,” aniya sa dalawang lalaki. “Kung maaari sana kamahalan ay ‘wag ninyong ipaalam na nakita na ninyo si Lizbeth. May utos na itago sa inyo ang bihag hangga’t hindi siya naihaharap sa reyna.” “Sige, pero gusto kong mag-espiya ka para sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang binabalak ng asawa ng Hari,” ani Yael. “Makakaasa po kayo.” “Sige na, makakaalis na kayo. Hindi tayo nagtagpo, wala rin akong alam.” Muling kumumpas si Yael ng dalawang beses. Nawala ang kahon ng tubig na bumabalot sa kanila. Dinig na ni Lizbeth ang huni ng mga ibon. “Sa muling pagkikita, mortal.” Kinindatan siya ni Yael. To her horror, namula siya na ikinangiti ng binata. Tatawa-tawang tinalon nito ang bintana malapit sa kinatatayuan nila. “Flirt,” usal ni Lizbeth nang mawala ang prinsipe sa paningin niya. She was mortified how easy it was for her to get affected. “Hawakan mong mabuti,” ani Mithos. “H-ha? Ang alin?” “Puso mo. Hawakan mong mabuti.” “What nonsense are you saying?” Pakiramdam niya lalo siyang namula. Nagkibit-balikat si Mithos. “Sinasabi ko lang. Mahirap mahalin ang kagaya ni Prinsipe Yael. Nakamamatay. Hindi ikaw ang unang magpapaalam sa buhay mo kung sakali.” Makahulugang ngumiti ang Yono’Que saka siya tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD