Naalimpungatan si Cara. Ramdam ng dila niya ang nanunuyong mga labi. Sobrang ginaw sa silid, lalo na at nakabukas ang bintana. Halos wala siyang makita. Naninigas din ang mga kalamnan niya sa mga balikat, daliri at likod. Hula niya ay wala siyang kakilos-kilos sa pagkakahiga. Sa bawat pag-ihip ng hangin ay humahampas sa mukha niya ang malambot at madulas na kurtina.
“Q-Quiero?” basag ang boses na tawag niya sa binata. Ewan niya kung bakit ang Prinsipe ng Iv agad ang hinanap niya.
Mula sa kung saan ay umabot sa pandinig ni Cara ang alulong ng mga hayop. Agad na nagsitayuan ang balahibo niya sa katawan. Kasabay noon ay ang muling pag-ihip ng malamig na hangin galing sa bintana. Hindi nag-iisip na tumalon pababa si Cara. Sa pagmamadali ay nakalimutan niyang wala siyang makita.
Lumikha ng ingay ang pagbagsak niya sa sahig. Hindi niya sigurado kung silya ba o maliit na mesa ang natisod niya. Agad ang pagkalat ng sakit sa bandang balakang ng dalaga, makirot rin ang dulo ng hinlalaki niya sa kaliwang paa. Nagyeyelo pa sa lamig ang sahig na kinabagsakan niya.
Biglang bumukas ang pinto. Hindi niya maaninag kung sino ang pumasok kaya tumakas ang isang tili mula sa lalamunan ng dalaga. Bago pa niya masundan ng isa pang tili ay may magaspang na kamay na pumigil sa bibig niya.
“Sshh...ako lang ‘to,” anang pamilyar na boses.
“Q-Quiero?” nanginginig na tanong niya, handa nang umiyak ang boses.
“Ako nga. Saan ka ba pupunta? Halos dalawang oras ka pa lang na natutulog. Mahaba pa ang gabi,” parang walang narinig na usisa nito.
“N-Nagising ako...m-maginaw,” sabi ng dalaga. Nagsimula nang manginig ang baba niya pati ang buong katawan. Ang kamay niyang nakahawak sa nasaktang bahagi ng katawan ay hindi mapirmi sa kahit anong pigil niya.
Narinig niya ang mahinang pagmumura ng prinsipe. Kasunod nood ay ang pagbalot ng malamlam na kulay-ubeng liwanag sa paligid. Naglalagablab na ang apuyan sa silid. Iniwan siya saglit ni Quiero para isara ang bintana. Pagkatapos ay binuhat siya nito at iniupo sa higaan.
“Pasensya ka na. Nakalimutan kong hindi ka sanay sa temperatura sa Iv.”
“N-Nasaan ba ako? Kaninong silid ‘to?” Kabaliktaran ng unang silid na pinagdalhan sa kanya ni Asler ang kinalalagyan niya ngayon.
Walang palamuti ang kulay berdeng dingding, maliban sa isang malaking painting na nakasabit sa taas ng apuyan. Aapat lang din ang bintanang kristal na nasasabitan ng kurtinang kumikinang sa liwanag. Mapusyaw na berde ang kulay at mukhang seda pero kumikislap ang bawat hibla.
Abot hanggang kisame ang taas ng naglalakihang kabinet na hitik sa makakapal na uri ng libro. May malaking mesa malapit sa bintana sa kaliwa niya, puno ng maraming papel. Sa isang sulok ay may sabitan ng kapa, sumbrero at damit. Katabi nito ang pamilyar na baluti. Sigurado siyang kay Quiero ‘yon.
“Akin. Ito lang tanging silid sa kastilyo na hindi magarbo,” kumpirma ng binata.
“I thought a prince’s room would be extravagant.” Bahagyang nabawasan ang panginginig niya pero hindi pa tuluyang nawawala. Muling kumirot ng hinlalaki ni Cara sa paa, bagay na nagpangiwi sa kanya. Wala sa loob na napahawak siya doon.
Kumunot ang noo ni Quiero nang sundan ng tingin ang kamay niya. “May sugat ka. Kailangang magamot ‘yan,” anitong akmang tatayo pero agad ring napaupo nang pigilan ni Cara.
“Huwag mo akong iiwang mag-isa dito.”
“Tatawag lang ako ng manggagamot, hindi ako aalis.”
Makalipas ng ilang sandali ay nagamot na ang nasaktang daliri ni Cara. Binigyan na rin siya ng gamot para sa balakang niyang kumikirot. Bukas daw ay wala na lahat ng iniinda niya.
“Uminom ka na rin ng pangontra sa ginaw, Prinsesa. Ngunit dahil hindi ka likas na taga Iv, panandalian lamang ang epekto ng gamot. Isang oras ang pinakamatagal. Ipinapayo kong panatilihin ang apoy sa apuyan,” anang manggagamot. Lumipat kay Quiero ang tingin nito, parang may kung anong ipinapahiwatig.
“Maraming salamat.” Bumaling siya kay Quiero. “Hihingi sana ako ng dagdag na kumot. This isn’t enough.”
Bumuntong-hininga si Quiero. “Pakisabi sa mga taga-pangasiwa ng kastilyo na maghatid ng dagdag na kumot sa silid ko.”
Yumukod ang manggagamot. “Masusunod, kamahalan. Aalis na po ako.” Muli itong sumulyap kay Quiero, parang nagdadalawang-isip. Pero sa huli ay hindi nakatiis. “Mas makakabuting tabihan ninyo ang Prinsesa sa pagtulog, Prinsipe Quiero. Hindi siya maaaring uminom muli ng gamot pangontra sa ginaw, isang beses lang dapat dahil lalasunin nito ang daluyan ng dugo.”
Mulagat na napatingin si Cara sa manggagamot. “Are you kidding me?” Itinuro pa ng dalaga si Quiero.
“Are you suggesting we share a bed?”
“Patawad, Prinsesa. Pansamantala lang naman hangga’t hindi pa namin naaayos ang kaukulang sukat ng mga sangkap ng gamot na ayon sa kailangan ng iyong katawan. Sa mga Ivashan lamang angkop ang gamot na ito.”
“Inaasahan kong bukas bago magtakip-silim ay tapos na,” utos ni Quiero. “Hindi ako sanay matulog na may katabi.”
“Lalo naman ako!” si Cara. ‘Tsura lang nito!
Nang makaalis ang manggamot ay pasalampak na napaupo si Cara sa higaan. Si Quiero naman ay nakatayo sa gilid ng apuyan, tagos ang tingin sa nagsasayaw na apoy.
“Wait. Did he just call me princess?”
Lumingon sa kanya si Quiero. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Kita niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito at paglunok bago nag-iwas ng tingin.
“What?” pakli ni Cara.
“Tingnan mo nga ‘yang sarili mo. Di ko alam kung sadyang bobo ka o tanga lang minsan.” May sapi na naman ng kasungitan ang prinsipe.
“What’s the prob--oh my god!” Sindak na naitakip niya sa sarili ang kumot. Her twin peaks were like soldiers in attention. Nag-inarte na naman ang glamour niya. “Don’t look, damn it!”
Umismid si Quiero. “Mayroon ba akong makikita sa’yo?”
“Aba’t! Ikaw na nga ‘tong nakalibre ng show, may gana ka pang magreklamo?”
“Kahit ipangadlakan mo ‘yan, hindi ako interesado.”
Namula si Cara sa sinabi ng binata. Para na ring nangangahulugan ‘yon na wala siyang appeal. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinsulto.
“Hoy! Nakakarami ka na--”
“Nandito na po ang kumot, kamahalan.” Boses mula sa likod ng nakasarang pinto ang pumigil sa bibig ni Cara na rumatsada.
“Maaari kang pumasok,” ani Quiero na hindi umaalis sa pagkakatayo. “Iwan mo na lang diyan at pagkatapos ay maaari ka nang magpahinga.” Itinuro nito ang higaan.
Pahablot na kinuha ni Cara ang kumot nang makaalis ang utusan. Masama ang tinging ibinigay niya sa binata nang muli itong tumingin sa kanya. Nang magsimulang humakbang si Quiero ay naalarma siya.
“Hep! Saan ka pupunta?”
Imbes na sumagot ay hindi siya pinansin ng binata. Sa halip, naupo ito sa silyang natisod niya kanina at nag-umpisang magtanggal ng sapin sa paa. Sinunod nito ang pang-itaas na damit sa gulat ni Cara. Nanuyo ang lalamunan niya nang walang anumang itapon ni Quiero ang damit sa kung saan.
“T-teka, b-bakit ka naghuhubad!”
Muli, walang sagot mula sa Prinsipe. Hindi tuloy niya alam kung saan titingin. Quiero’s skin is gloriously tanned, pale scars crisscrossing his whole torso. Mas maraming pilat sa likod ang lalaki.
Napatili na lang siya nang magsimulang itulak ni Quiero ang higaan palapit sa apuyan. Pagkatapos ay pabagsak itong nahiga sa tabi ni Cara. Ang dalaga ang nasa bahagi ng higaan na malapit sa apoy.
“Matulog na tayo. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano dyan. Kailangan mo ang singaw ng init na nanggagaling sa katawan ko para panatilihin kang buhay hanggang sa pagsikat ng araw,” anito sabay talikod ng higa sa kanya.
Naiwan siyang nakatanga, balot pa rin sa kumot. “I d-dont need it. S-salamat na lang.” Kandabuhol na naman ang dila niya. Parang gusto niyang lumubog sa pagkakaupo, magpalamon sa kumot at huwag nang magising kinabukasan.
“Hindi mo kailangang dumikit sa akin. Kaya nga may kumot. Ayaw ko ring madikit sa’yo.”
“Well, the feeling is definitely mutual!” Sa laki ng higaan ay kasya ang apat na tao. Kaso sa tangkad ni Quiero, mukhang naging pandalawahan na lang.
Nakipagdebate pa siya sa sarili kung ano ang gagawin. Pero sa huli ay nanalo ang common sense. Wala siyang nagawa kundi ang mahiga na rin, balot ng kumot ang buong katawan.
**********
Hindi na niya alam kung ilang oras na ang naitulog niya nang muling magising. Sa pagkakataong ito ay hindi siya naalimpungatan dahil sa ginaw kundi sa ungol na galing sa katabi. Marahas siyang napabaling kay Quiero na ngayon ay nakaharap sa gawi niya. Butil-butil ang pawis sa noo ng prinsipe, kunot ang noo na parang may iniindang masakit.
Nangahas siyang gisingin ang lalaki. Hinawakan niya ito sa braso. “Quiero?”
Muli itong umungol, umiiling-iling. “Ayoko. Ayoko pa,” sambit nito, pikit pa rin ang mga mata.
Sinubukan niyang tapikin ang pisngi nito pero tuloy pa rin ang pag-ungol ng binata. Sa muling pagbaling nito sa direksyon niya ay hinuli nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. Nagulat si Cara sa ikinilos nito pero nanatili ang lalaking nakapikit.
“Quiero?” bulong niya.
Unti-unting dumilat ang prinsipe. Kulay ube ang dating itim na bahagi ng mga mata nito. Kumibot-kibot ang labi nito, may sinasabing hindi niya maintindihan. Against her better judgement, she leaned to hear him better.
“Natatakot ako. Ayoko pang mamatay,” dinig niyang sambit ni Quiero.
Hindi niya sigurado kung gising na ito o nananaginip pa rin. Kaya sinubukan niyang bawiin ang kamay pero hindi siya nito pinayagan. Lalo pang humigpit ang hawak ng binata sa kamay niya. Hindi na rin niya mapigilan ang pag-alpas ng simpatiya sa dibdib sa nakikitang anyo ng binata.
She had her own nightmares that kept her awake at night too. Pupusta siyang sa tuwing binabangungot ang binata, walang nilalang ang nagtangkang pagaanin ang loob nito. She had her family whenever she was plagued by her nightmares, but Quiero had no one.
“Come here,” aniyang inunat ang isang braso.
Nang lumipat ang ulo ni Quiero sa braso niya ay nilukob siya ng kaaya-ayang init. Isang kuntentong paghinga ang narinig niya mula kay Quiero. Hindi pa rin bumibitiw ang binata sa kamay niya habang napunta sa baywang niya ang isang braso nito.
Kung iisipin, sa iksi ng panahong nagkakilala sila ay maraming nagawa para sa kanya ang prinsipe. Lending him her arm to be his pillow is just a small thing compared to what he did for her.
“Bukas na tayo magtalo. Sleep tight prince, I’ll chase your nightmares away,” bulong niya sa buhok ng binata.