Found By The Enemy

1239 Words
Hindi na matandaan ni Cara kung saang bahagi ng Pilipinas sila noon unang tumira. Pero isa lang ang sigurado, hindi 'yon isang lungsod. Hindi rin niya sigurado kung gaano kalawak ang koneksyon ng ama sa mundo ng mga tao. Ang alam lang niya, her father is one of the most sought-after Psychologist in the US. Hindi ito madalas magpaunlak sa mga lecture. Kung mangyari man, lagi itong pribado at piling mga tao lang. As much as Chris wanted to keep a low profile, hindi maitatago ang angking galing at talino nito. Iyon ang madalas na tinutukso ni Alyson sa asawa. Masyado raw kasi nitong ginagalingan ang trabaho kung kaya laging makatawag-pansin. Sa tingin ni Cara, it was his pride. Hindi masikmura ni Chris na hindi ibigay ang buong kakayahan sa kahit na anong bagay. Hindi na rin muna sila ini-enroll ng mag-asawa sa regular na eskuwelahan. Home schooled sila ni Lizbeth sa ngayon. Sa kabila ng nagbabantang panganib, hindi natigil sa pagpa-practice si Cara. Lalo pang naging mahigpit si Chris sa training niya. Lahat ng pagkakataon ay sinusulit. "Eyes on the opponent Carl!" paalala sa kanya ni Chris. Pwede nang pigain ang t-shirt ni Cara. Halos tatlong oras silang nagpa-practice sa hand-to-hand combat. Mula noong umalis sila ng Plera ay ini-enroll na siya ni Chris sa iba't-ibang uri martial arts. "Sorry." Chris' leg swept under. Napamura siya sa isip. Bawal ang malingat hangga't nasa fighting mat siya. Bumaliktad ang kisame sa paningin ni Cara. Natagpuan na lang niya ang sariling nakahiga sa sahig. Nanakit ang likod niya sa naging pagbagsak. Mukha ng ama ang sumunod niyang nakita sa ibabaw niya. "You fight like a girl." Tinapunan siya nito ng tuwalya sa mukha. "I am a girl!" angal niya.  Binigyan siya ng kutos ni Chris. "Not when Fria's glamor is in place. As far as the world is concerned, lalaki ka. Mananatili kang lalaki hangga't protektado ka pa ng magic ni Fria." "Can't wait for the expiration date," bulong ni Cara. Walang sagot mula kay Chris. Maya-maya ay napaunat ito nang bumukas ang pinto at inuluwa si Alyson. Gym clothes din ang suot ng babae. Hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay. "Magpa-practice ka rin, Tita?" "Sabi ng Daddy mo kailangan daw niya ang tulong ko sa training mo." Mortal ang madrasta niya, ano'ng maitutulong nito sa pagsasanay sa isang Pleran? "Ano'ng klaseng practice?" Alyson smiled. Naglagutukan ang mga daliri nito sa kamay. Bad-ass. "Wrestling." "Wha—" "Come one, try me." Pumuwesto si Alyson sa gitna ng mat. She beckoned at Cara. "Don't hold back." Tumingin siya sa ama pero tango lang ang isinagot ni Chris. "Alright." Tiwala siyang nariyan ang ama para siguruhing hindi mapapahamak si Alyson sa mga kamay niya. Kaya sinunod niya ang sinabi ng madrasta na huwag siyang magpipigil. Hindi normal ang lakas niya kaya nag-aalangan pa siya sa una pero nang hindi niya maitulak si Alyson ay nagkaroon siya ng pagdududa. Ano ang itinatagong misteryo ng kanyang madrasta? Ganoon na lang ang gulat niya nang biglang baliin ni Alyson ang kaliwang braso niya. Alyson managed to lock her arm behind and gripped her neck with her legs. Kahit anong gawin niyang pasag ay walang nangyayari. Masyadong malakas si Alyson para sa kanya. Sa huli, nagbigay siya ng signal na sumusuko na siya. Lumutang sa hangin ang tawa ng mag-asawa. "What was that? Magic?" aniya. Umiling ang mag-asawa. "Ano?" "Sa mundo ng Plera, anong angkan ang may superior strength?" tanong ni Chris. "People from the land of Nim. Nimians." "Tama." "Don't tell me——" "Half blood. Part Human, part Nimian," kumpirma ni Alyson. "Mortal ang naging asawa ng nanay ko. Dito na sila na namuhay at bumuo ng pamilya. Ang mga Pleran na umibig o nag-asawa ng mortal ay pinagbabawalang bumalik ng Plera habang-buhay. Kamatayan ang parusa sa sino mang magtangkang bumalik. We half bloods are born without magic pero nakukuha namin ang ibang katangian ng magulang na Pleran. In my case, my mother's strength." "Kaya pala." "We need you to be strong in any way possible, Carl. Pagtuntong mo ng seventeen, you're a free game. Posibleng may na-recruit rin ang kaaway na mga half-bloods na kagaya ko para mahuli ka. Cadmus is getting old, alam nating hindi siya mandirigma." Sinulyapan niya ang lalaking nagsilbing magulang niya sa loob ng siyam na taon. Ang isiping mawala si Cadmus o Chris ay hindi katanggap-tanggap sa kanya. Nawala na sa kanya ang ina, hindi siya makakapayag na pati ang pamilyang kinagisnan niya ay mawala rin. Tumayo siya. "Let's do it again Tita." ********** Isang linggo bago ang birthday niya ay nagpaalam siya kay Chris at Alyson na pupunta ng mall. Hindi niya isinama si Lizbeth dahil may trangkaso ito. Gusto niyang bumili ng regalo para sa pamilya niya kahit siya ang magbi-birthday. Ngayong malinaw na malinaw sa kanya ang banta sa kaligtasan, na-realize niya ang kahalagahan ng pamilya. Nang matapos ang training nila ni Alyson ay hindi maalis-alis sa isipan niya ang posibleng mangyari kung matagpuan sila ng kaaway. Hindi siya pinatulog ng pangambang 'yon. The saleslady who assisted her at ladies' section mall kept shooting suggestive glances. Nagpatulong kasi siya sa paghahanap ng paboritong shade ng lipstick ni Liz at moisturizer brand na ginagamit ni Alyson. "Ang suwerte ng girlfriend n'yo Sir." Kay lapad ng ngiti ng saleslady nang iabot nito sa kanya ang pinamili. Napakamot siya sa batok. "Regalo ko sa stepmom at stepsister ko 'to." Mas lalong kinilig ang babae. Lihim siyang natawa sa nakikitang reaksyon ng kaharap. No wonder tawang-tawa si Lizbeth sa tuwing nakaka-engkuwentro sila ng ganito. Men's section ang sunod niyang pinuntahan. Binili niya ng mga panyo ang ama at pinalagyan ng initials nito. Madalas maiwala ng ama ang mga panyo nito. Kaya regular din ang ginagawang pagbili ni Alyson ng mga panyo para palitan. God knows kung gaano na kadaming panyo ang naiwala ni Chris Muerte. Nawili siya sa kakaikot kung kaya hindi na niya namalayan ang oras. Papadilim na nang lumabas siya sa mall. Nagpasya siyang tawagan ang madrasta at itanong kung magluluto ba ito ng hapunan o magti-take out na lang siya. Walang sumasagot sa tawag niya. Sinubukan niya si Lizbeth pero ganoon din. Maging si Chris ay hindi rin sinasagot ang cellphone. Masama na ang kutob niya pero pilit siyang kumalma. Panghuli niyang sinubukan ang landline sa bahay. Ganoon na lang ang takot na bumalot sa kanya nang wala ring sumagot. The longest two hours of her life was the taxi ride back home. Hindi na niya kinuha ang sukli sa driver sa pagmamadali. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag nang madatnang maliwanag ang bahay. Ganoon pa man, hindi siya naging kampante. Maingat siyang pumasok. Tahimik sa loob ng bahay. Wala siyang nadatnan sa sala kung kaya dumiretso siya sa lanai kung saan madalas na naroon ang ama at madrasta. Pakiramdam niya ay lumobo ang ulo niya sa nadatnan. Nakasubsob si Chris sa mesa na yari sa salamin, hindi gumagalaw. Punit ang duguang damit nito. An ugly, oozing red gash was on Chris' back. Si Alyson naman ay nasa sahig at wala ring malay. Marami itong pasa sa braso at iba pang bahagi ng katawan. Nakalimutan na niya ang mga pinamili at tinakbo ang ama. "Dad? Dad!" Mahinang ungol ang isinagot nito, nakapikit ang mata at parang hirap huminga. "L-liz. T-they t-took..L-liz." Iyon lang ang nasabi nito bago tuluyang nawalan ng malay. Pakiramdam ni Cara ay nanigas ang katawan niya. Nasundan na sila ng kaaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD