Ang pagkalunod sa pinaghalong sensasyon ay delikado. Higit ang panganib para sa kagaya niyang nagpa-practice pa lang sa paghasa ng kakayahan niya. Losing her mind is not included in her how-to-survive-high school plan. Outcast pa naman siya kung ituring ng buong Eckert Academy.
Moderno ang concept ng kusina ng mga Lynch. Grey at chrome ang lutang na kulay. Nakakasilaw ang kinang ng stainless steel sa lababo, kitchen counter, oven at kung anu-ano pang gamit sa kusina.
Sa dami ng nagmamahalang gamit doon, iisa lang ang tumawag sa pansin ni Cara; ang coffee maker. Agad na na-imagine niya ang amoy ng kape. Kulang na lang maglaway siya.
"Beer?" tanong ng lalaking in-charge sa inumin.
Nakatitig ang lalaki sa kanya na parang hindi nito alam kung sisigawan siya o ano. Pinagtitinginan na pala siya ng mga tao. Mabilis na kumalat ang init sa mukha ni Cara. Sari-saring parungit na ang naririnig niya mula sa likuran ng pila.
"S-sorry," sabi niya sabay abot sa pulang paper cup.
She went back to check on Liz. Nasa dance floor na ito kasayaw ang isang lalaking barkada ni Jerry, si Adam. Mukhang hindi pa naman lasing si Lizbeth dahil maayos pa naman ang mga galaw. Iiwan na muna niya ang step sister para humanap ng tahimik na lugar. Cigarette smoke and blinking multi-colored lights are kicking her skull like a b***h.
Ang tahimik na lugar na nahanap niya ay ang man-made lake sa likod ng mansyon. Walang tao sa dock kaya pinili niyang doon ubusin ang beer. The moon's pale face danced over the water surface. Hinubad niya ang sapatos at inilublob ang paa sa tubig. She couldn't help the sigh which escaped from her lips. The water is just perfect for her aching feet.
"There you are," anang boses nanggagaling sa likuran.
Muntik na niyang mabitawan ang hawak sa gulat. Tinabihan siya ng upo ni Jerry kahit hindi niya inimbitahang maupo ang lalaki. Hindi pa man ay nairita na siya. She shifted on her seat sa pagtatangkang makalayo kahit kaunti. The peace and quiet she found is gone. Biglang gusto na niyang umuwi.
"I'm Jerry. What's your name?" tanong nito na sinamahan pa ng ngiti.
It's the kind he used for flirting. Kabisado na niya ang mga galawan ng lalaki. Jerry is the kiss and tell type of guy. Conquest ang turing sa bawat babae. He moves on the next target kapag sawa na. Ang mga kuwentong naririnig niya sa bleachers ng Eckert Academy ay sapat na para pangilagan si Jerry.
"Not interested."
Jerry chuckled. Akala siguro nito nagbibiro siya dahil mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Isang kamay nito ang pumatong sa balikat ni Cara saka bumulong.
"You're indeed Carl's twin."
"What's that supposed to mean?" kunot-noong tanong niya.
"How shall put it, you're both aloof? You have this vibe that screams stay away," kibit-balikat na sagot ni Jerry. Sa wakas tinanggal na nito ang kamay sa balikat niya. "Your twin is an outcast in Eckert but still, girls swarm around him."
"And you hate Carl for that. It's okay, I'm sure the feeling is mutual."
"Yeah. You could say that. But now I'm wondering why you're here with Liz. I'm sure he warned you about the prowling wolves in my party."
She scoffed.
"He knows I can take care of myself." I can even make pancakes from your bones after I grind them to dust and eat them with relish.
Sinulyapan niya ang suot na wrist watch. Alas diyes pa lang, may isang oras at kalahati pa ang natitira. Dalawang oras ang pinagkasunduan nila ni Lizbeth. Last day ng menstrual period niya ngayon. Hindi siya dapat pakalat-kalat sa labas 'pag ganito. Especially that her mother's glamour has been erratic lately.
Babae ang katawan niya pero sa mata ng mga mortal o Pleran ay lalaki siya. Iyon ang proteksyong iginawad sa kanya ng mahika ni Reyna Fria. Mula nang umalis siya sa Plera ay namuhay na siya bilang lalaki.
Hindi pa pumapalya kahit minsan ang glamour na bumabalot sa kanya. Not until she had her first menstrual period at thirteen. Doon na rin nag-umpisang mag-iba ang behavior ng proteskyon niya.
Sa tuwing may dalaw siya ay nawawalang parang bula 'yon, lumilitaw ang totoong Cara. Bumabalik lang siya sa pagiging lalaki kapag tapos na ang menstrual period niya. Limang beses sa isang buwan ay absent ang katauhan niyang si Carl dahil doon. It's impossible for Cara to go to school and answer to Carl's name.
Kung paanong hindi siya naki-kick out ay hindi niya alam. Walang binabanggit si Chris sa kanya kung paano nito nagawan ng paraan and mga accumulative absences niya. Ayaw din magkuwento ng madrasta niya. Si Lizbeth naman ay wala ring ideya.
"Some confidence. Are you sure?"
Para siguro subukan ang teorya ay dumikit uli si Jerry sa kanya. Nanayo ang mga balahibo niya sa katawan. Naiilang siya sa lapit ng lalaki. Lalo na at hindi niya ito gusto. Namumungay ang mata ni Jerry na kung sa iba ay seductive ang dating, gag complex naman niya ang na-challenge. Kumuyom ang kamay niyang may hawak ng paper cup. Wala ng laman ito ngayon.
"You have five seconds to move away from me..."
"Or else what?" Mas lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya.
"Jerry no!" Narinig pa ni Cara ang boses ni Lizbeth pero huli na ang warning nito.
Umikot sa baywang niya ang braso ni Jerry. Nanigas si Cara sa pagkakaupo, na-blangko ang utak sa pagkabigla. Lalo pa siyang hinapit ng lalaki palapit sa katawan nito.
Agad ang pag-igkas ng mga braso ng dalaga patulak sa dibdib ni Jerry. Ginawa niya 'yon nang hindi nag-iisip. Kahit siya ay nagulat nang ma-realized ang nangyayari. Parang slow motion sa pelikula, nanlaki ang mga matang pinanood niya ang pagtalsik ni Jerry. Sumadsad ito sa damuhan humigit kumulang sampung metro ang layo sa kinauupuan niya.
"Oh my god!" Tinakbo ni Lizbeth ang lalaki na parang hindi gumagalaw sa pagkakahiga. Naiwan siya sa kinauupuan. She was too stunned to move. "Cara!"
Ang panic sa boses ni Lizbeth na gumising sa kanya para kumilos. Hindi niya ramdam ang lupa habang tumatakbo. Her heart is pounding in her ears. Pakiramdam niya dalawa o tatlong hakbang lang ang ginawa niya. Natagpuan niya ang sariling nakaluhod sa kabilang gilid ni Jerry. Wala itong malay.
"I didn't m-mean t-to hurt him."
Tinapik-tapik ni Lizbeth ang mukha ng lalaki. "He's not waking up." Itinapat pa nito ang hintuturo sa ilalim ng ilong ni Jerry and heaved a relieved sigh. "Humihinga siya. Pero bakit wala siyang malay?"
Sa sinabing iyon ni Lizbeth ay kinapa niya ang ulo ng lalaki.
"L-Liz.."
"What? What's happening?"
She dreaded the words coming from her lips. She showed Liz her wet fingers. Nagdurugo ang ulo ni Jerry. Tumama iyon sa batong nakausli at doon kasalukuyang nakaunan ang lalaki. Tarantang napatayo si Liz, dinukot ang cellphone sa bulsa.
"We need Dad now!"
Ilang sandal pa'y iniluwa ng masukal na gubat si Chris Muerte. Parang kumikinang ang mga hibla ng mga uban nito sa tama ng liwanag ng buwan. Lapat ang mga labi nitong pinagmasdan silang tatlo sa damuhan. Napayuko si Cara. Ang mga nangyari ay nagsusumigaw na kabiguan niyang isabuhay ang mga itinuro ng ama.
"D-dad, I'm sorry."
"You know the drill girls. Get moving." Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Cara. Halata ang pagkadismaya sa boses ni Chris.
"Tara na, Cara," aya Lizbeth.
"Hindi n'yo puwedeng gamitin ang kotse."
"Why not?" si Lizbeth.
Lumuhod si Chris sa damuhan saka hinawakan ng magkabilang kamay ang ulo ni Jerry. A bluish glow surrounded the older man's palms.
"I left the portal open back there in the woods, 'yon ang gamitin n'yo. Iwan n'yo sa akin ang susi. Dapat naka-empake na kayo pag-uwi ko. Nakalimutan mo yata kung bakit dapat nasa bahay ka ngayon, Carl." Ipinagdiinan ni Chris ang pangalan niya.
Napamulagat siya, kinapa ang sarili. True enough, gone were the soft roundness on her chest or the curves on her waist. Lalaki na uli siya.
Oh shitting monkeys!