The Prophecy

1360 Words
Pinagmasdan niya ang payapang mukha ng ama. Isang araw na sila sa ospital. Nagising na si Chris kaninang madaling araw. Halos isang oras din ang itinagal nito bago natulog ulit. Pag-ingit ng pinto ang nagpalingon kay Cara. Si Alyson ang pumasok. Katatapos lang nitong makipag-usap sa doktor. Alyson's left arm was cradled in a sling. Her skin were dotted with bruises and scratches. Maliban doon ay ipinagpapasalamat ni Cara na wala itong ibang injury. Pero hindi naging kasing suwerte ng asawa si Chris. "Nakausap ko na ang doktor. Walang pagbabago sa kondisyon ni Chris." "Bakit daw po?" Imbes na sumagot ay nilapitan ni Alyson ang pinto at ini-lock. Sinunod ng babae ang bintana para isara ang kurtina. Sinenyasan siya nitong maupo. "Hindi kayang gamutin ng mortal na doktor ang sugat, Cara. Pleran steel wounded your father. Go figure." Tinakasan ng kulay ang mukha ni Cara. Nanuyo ang lalamunan niya sa naisip. "Kailangan kong bumalik ng Plera." Tiim-bagang na tumango si Alyson. "One month tops. Isang buwan na lang ang itatagal ni Chris." "Ano'ng gagawin ko, Tita? Hindi ko kayang bumalik sa Plera na mag-isa. Hindi rin siya puwedeng bumiyahe sa lagay niya ngayon." "H-hin...di k-ka ba...balik ng Plera." Gising na ang kanyang ama. Nagsabay pa sila ng madrasta sa paglapit sa higaan ni Chris. Kahit nanghihina ay malinaw ang determinasyon sa mata nito. Hinawakan ni Cara ang isang kamay ng ama. "Pero Dad, kailangan. Para sa 'yo at kay Liz," pakiusap ni Cara. "Hindi." Matigas ang pag-iling ni Chris. "Dad naman eh! Hindi ko kayang panoorin kang unti-unting namamatay! Hindi natin alam kung ano na ang nangyayari kay Liz. Huhiminga pa ba s'ya o hindi. I can't live with the guilt, Dad." Tuluyang nabasa ng mga luha ang pisngi niya. "It's only a matter of time, malalaman din nila na hindi si Liz si Cara. Babalikan nila tayo. This time, baka wala nang matirang buhay sa atin," dagdag ni Alyson. Nanunubig na rin ang mga mata ng madrasta niya. Panay ang paggalaw ng lalamunan nito. "Nangako ako sa ina mo. Hindi ka babalik ng Plera." "Ano'ng silbi ng pagtupad kung mamamatay din ako, Dad? Babalik sila 'pag nalaman nilang maling tao ang nakuha nila. Bago pa mangyari 'yon, kailangan kong bumalik sa Plera." Walang anu-ano'y niyanig ang ospital. Patay-sindi ang ilaw sa kuwarto at dinig ang sigawan mula sa labas. Sabay silang napaubo ni Chris. Pareho nilang hawak ang sikmura. Parang may hinuhugot mula sa loob ng katawan niya. Kasabay ng pagyanig ang sensasyon na parang may humihila sa mga laman-loob niya. "Chris!" sindak na bulalas ni Alyson nang mapauklo ang kanyang ama. Napaluhod din sa sahig si Cara, hawak pa rin ang sikmura. Awang ang bibig niya pero walang lumabas na boses. Para siyang hinahati na hindi maintindihan. Nang matigil ang pagyanig ay bumagsak sa sahig si Cara. Walang lakas ang mga braso at binti niya. Habol ng dalaga ang hininga. Naramdaman niyang itinayo siya ni Alyson. Sa kalapit na sofa siya nito inupo. Si Chris ay taas-baba ang dibdib sa pagkakahiga. Nag-isang linya ang labi nito nang salubungin ang tingin ni Cara. "What was that?" mahinang tanong niya sa ama. "Someone's been drawing power from this plane." "What?!" bulalas ni Alyson. "Ano ang ibig mong sabihin? Sino at paano naman?" "Hindi ko maintindihan, Dad." "Every plane is a living plane, powered by the magic of it's core. Buhay ang mundo ng mga tao, humihinga kagaya nila. In it's center lies the core o ang puso ng mundo. Makapangyarihan ito na siyang nagiging dahilan kung bakit may buhay ang mundo, kasama na tayo. It is the Earth's core that enables us to breathe in this plane in the same way Plera's core does for us." "Bakit pati tayo parang hinuhugot? Si Tita hindi naman apektado." "Earthlings and half-bloods has no magic. Tayo lang." "Pag nagpatuloy kung sino man 'yon..." si Alyson. "It's the end of this world," tiim-bagang na kumpirma ni Chris. ********** Pagdating sa bahay ay pinuntahan agad ni Cara ang study ng ama.Bago siya umalis ng ospital ay palihim siyang kinausap ni Alyson. Makakatulong daw sa kanya ang diary ng ama Nang matagpuan ang hinahanap ay nag-umpisa siyang magbasa. Hindi araw-araw na nagsusulat ang kanyang ama. Tingin niya ay 'yung mga mahahalagang pangyayari lang ang isinulat nito. Doon niya nalaman kung gaano kalapit ang ina kay Cadmus o Chris, sa Hari ng Iv na si Lemurion, Hari ng Nim na si Horgrem at ang punong manggagamot ng Oan na si Aletha. Cadmus is right. Makulit at minsan ay kulang sa pasensya ang kanyang ina. Kagaya niya. She smiled at the thought. Nasa panghuling entry na siya ng diary. Hindi na sana niya babasahin pero parang may nag-uutos sa kanya. Ikatlong daang araw ng Pulang Buwan, Taon ng Haring Zoldik Rahgma Nagpatawag ng agarang pagpupulong ang Konseho. Ang ipinagtaka ko ay kung bakit wala ni isang Daoin ang naroon. Nang pumagitna si Piedra, ang nag-iisang Sibilla ng kasalukuyang henerasyon, nakaramdam na ako ng hindi maganda. Hindi ako nagkamali. Nakakapangilabot ang bawat salitang binitiwan ng Sibilla. Anak ng Pulang Buwan Bunga ng dalawang kapangyarihan Magdadala ng katapusan Sa naghaharing Pleran Lagablag ng apoy Magbabalik at dadaloy Aahon sa kumunoy Ng pagkataong hindi tukoy Itatama ang mali Babangon lugmok na lipi Pait at dusa ma'y sakbibi Ang itinakda'y mananatili Pakiramdam ko ay pinipiga ang aking kalamnan sa bawat salitang binitiwan ni Piedra. Maging si Lemurion na karaniwang hindi nakikitaan ng emosyon ay namumutla. Walang katinag-tinag ang Haring Zoldik sa kinauupuan. Sa sandaling iyon ay wala akong maisip kundi ang umalis. Si Fria ang nasa isipan ko. Pinagbotohan kung ano ang nararapat gawin. Marami ang nagbigay ng opinyon. Wala akong nasabi dahil wala akong maisip. Maging si Lemurion na katabi na ng Sibilla ay hindi umiimik. Hati ang opinyon ng Mataas na Konseho ng Plera. Pantay ang ayon at hindi sang-ayon sa iminungkahi. Si Horgrem ng lahing Nimian ay tigas din ang pagtutol. Wala si Aletha ng Oan, marahil ay hindi isinama ng kanilang pinuno. Nagwala si Lemurion. Walang naging pinal na desisyon ang konseho dahil doon. Nagbanta ang Hari ng Iv na titiwalag sa Konseho kapag itinuloy nila ang balak. Umalis siya kasama si Piedra. Hindi ko na hinintay na magtapos ang pulong. Kailangan kong makausap si Fria. Doon nagtapos ang panghuling entry ni Cadmus. Her head is reeling. Anak ng Pulang Buwan. She was born on the 20th day of the Red Moon. Dalawang kapangyarihan. Mga Daoin lang ang angkan ng Doppia Maggia. Siya ang tinutukoy sa propesiya ng Sibilla! Hindi nabanggit kung ano ang binalak ng Konseho. Hindi na kailangan dahil alam na niya. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng ina. Maging ang pagkaubos ng angkan ng Daoin. A grief like no other tore at her chest. Napasubsob sa sariling palad si Cara at umiyak. ********** Hindi kumukurap na pinagmasdan ni Quiero ang nanginginaing Talunon. Kung siya lang ang masusunod ay sinagpang na niya ito. Pero alam niyang makakatakas ang hayop 'pag nagpadalus-dalos siya. Matalas ang pandinig ng Talunon. Sa bilis ng kabog ng dibdib niya, hindi siya magtataka kung bigla na lang tumakbo ang hayop sa ingay. Sinenyasan siya ng katabing maghiwalay sila ng direksyon. Siya sa kanan at ito naman sa kaliwa. Pero bago pa sila makakilos ay napaigik ang nanginginaing hayop at tumakbo. Isang grupo ng mga kawal ang bigla na lang sumulpot sa kasukalan ng gubat. Nangingintab na itim ang mga baluting suot ng mga ito. Agad ang pagpitik ng kung ano sa bandang sentido niya. Mahigit isang oras nilang sinundan ni Yael ang bakas ng mga paa ng Talunon. Mula pa ito sa pampang ng Ilog Vida nang uminom ang hayop. Ang sundan ang isang Talunon ay sobrang nakakapagod. At pagod na pagod na silang dalawa ng kaibigan. "Mga kawal ng ama mo," bulong ni Yael. Hindi pa rin sila lumalabas sa pinagtataguan sa hindi niya malamang dahilan. "Hindi tayo nakakasiguro. Puwedeng nagpapanggap lang. Bihirang lumabas ng Iv ang mga Ivashan," aniya. "Ivashan lang ang may kakayahang maghabi ng ganyang uri ng bandila." Itinuro nito ang bandilang bitbit ng isang kawal. Ang pulang imahe ng Bundok Izargo na parang buhay na buhay ang pagkakahabi sa telang itim ang sumalubong sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD