Narinig na naman niya ang kalabog sa kabilang silid. Nagwawala na naman siguro ang step sister niyang si Lizbeth. Kanina pa siya sa problem number three sa assignment. Puro mali pa rin ang sagot na lumalabas sa computations.
Inis na dinampot niya sa mesa ang remote control ng stereo at nilakasan pa lalo. 5SoS came blasting on her speakers. Hindi pa nakuntento, isinuot pa niya ang pulang Beats headphones sa tainga.
Nawala na sa kamalayan niya ang nangyayari nang biglang umingay ang paligid. Tinanggal pala ni Lizbeth ang suot niyang headphones. Nakapameywang itong nakatingin sa kanya ngayon.
"What did I do this time?" sikmat niya, napasulyap sa nakabukas na pinto ng kuwarto. Nakalimutan pala niyang mag-lock.
"Samahan mo ako sa party ni Jerry mamayang gabi. Ayaw akong payagan ni Mommy 'pag ako lang."
"Not interested. I have a paper due before school is out." Niyuko niya uli ang libro, binalewala ang nakasimangot na mukha ni Lizbeth.
"But Cara! Jerry throws the biggest and raddest party ever!" dagdag pa ni Lizbeth na may kasamang padyak ng paa sa carpet.
"So?"
"So without you, I'll be missing out! Please, please? Hindi mo kailangang mag-stay doon. Kung gusto mong magpunta sa ibang lugar, gawin mo. Balikan mo na lang ako para sabay na tayong umuwi."
"Read my lips Liz," aniya saka ibinuka dahan-dahan ang bibig. "No."
"Aaarrrggghhhh!" Nagtatatalon na sigaw nito.
Tinalikuran na niya si Lizbeth para ipagpatuloy ang ginagawa. Walang babalang hinablot ni Lizbeth ang kuwintas niya mula sa dresser. Cara's muscles tensed. Pag-aari 'yon ng kanyang ina.
"Put it back Liz," kalmado ang boses na utos niya.
Naipikit niya ang mga mata sa pagpipigil. Sa oras na ipakita niyang apektado siya ay mas lalo lang siyang iinisin ni Lizbeth. Ayaw niyang mainis dahil kung anu-anong nangyayari kapag nilalamon siya ng emosyon.
"No. Hangga't hindi ka pumapayag, this precious necklace of yours will not be seeing you any time soon!"
Napatayo na siya. Dinikitan niya ang babae at naghahamong tinitigan sa mata. "Ibigay mo sa akin 'yan."
"No!" pilit na iniiwas ni Lizbeth ang kamay.
Pakiramdam ni Cara ay nabingi siya. Nasa bingit na siya ng pagtitimping sumambulat. Isang tulak na lang mapapatid na ang kontrol niya. Na nangyari nang balewalang tumalikod si Lizbeth. Dinamba niya ang babae. Napatili si Lizbeth nang pumulupot ang mga braso niya sa katawan nito. Nag-agawan sila sa kuwintas pero hindi makuha-kuha ni Cara.
"Akin na sabi!"
Naitulak niya si Lizbeth. Parehong nanlaki ang mga mata nila sa pagkabigla nang lumipad si Lizbeth sa kabilang bahagi ng kuwarto. Sinalo ng dingding ang likod nito bago dumausdos pababa sa sahig. Lizbeth crumpled, malapit sa paanan ng kama niya.
"Liz! Oh my god, I'm sorry!" Mabilis na nilapitan niya ito. Kumikibot-kibot ang labi ni Lizbeth sa pagkakasalampak nito sa sahig. Nakapa ni Cara ang bukol na nag-uumpisang lumaki sa likod ng ulo nito.
"You dare use your freaking mojo on me?!" tili ni Lizbeth sa mukha niya nang mahimasmasan.
"I'm sorry. Please 'wag kang magsusumbong kay Dad," natatarantang pakiusap niya.
Hindi niya alam kung ano ang hahawakan sa katawan ni Lizbeth. Iga-ground siya ng ama kapag nalaman ang nangyari. Simula pagkabata ay lagi siyang pinagsasabihan ng ama na huwag magpadalus-dalos at magpatangay sa emosyon.
Ni apak sa labas ng pinto nila ay hindi niya magagawa 'pag nagkataon. Running is her own version of meditation. Ang pagtakbo lang ang nakakapagpablangko ng utak niya.
"I'll definitely rat you out!" Tinabig ni Lizbeth ang kamay niya at nagtangkang tumayo pero agad din itong napaupo uli. "Damn it! Isusumbong kita kay Tito Chris! You'd be grounded for life!"
"No, please don't tell him. I'll do anything!"
Natigil si Lizbeth, nakaamoy ng oportunidad. "Kahit ano?"
"Kahit ano."
"How about Jerry's party?" nakangising tanong ni Lizbeth. Kanina lang ay kandangiwi pa ito sa sakit ng likod.
Napaungol si Cara. Pero wala na siyang magagawa. Sasamahan niya sa party si Lizbeth o mawawala ang kalayaan niya.
"Alright!"
"Yay!" Napayakap sa kanya sa tuwa si Lizbeth. "You might be a b***h sometimes but you're the best b***h there is."
Pinigil niya ang pag-ikot ng mga mata. Kanina lang nagtititili ito sa inis. Ngayon naman kung ituring siya ni Lizbeth ay parang iniligtas niya ang buhay nito. Kung hindi niya kilala ang stepsister, madaling isipin na may bi-polar tendencies ito.
"Yeah, yeah. Basta 'wag lang makarating kay Dad na nawalan ako ng kontrol. Again." Hindi niya napigilan ang pagtakas ng isang buntong hininga.
"Mas lalo na bang mahirap ngayon?" Concern was evident in Lizbeth's eyes.
"I'm turning seventeen Liz, of course it is."
"Sucks to be you."
Inilagay nito sa palad niya ang kuwintas. Parang kumindat kay Cara ang singsing na palawit sa tama ng liwanag. Matagal niyang tinitigan 'yon. May kung anong hipnotismo ang singsing na hindi niya mahiwalayan ng tingin.
"Sorry kung kinailangan kong gamitin ang kuwintas ng Mommy mo para makuha ang gusto ko. I forgive you too, for trying to kill me." Boses ni Lizbeth ang nagbalik kay Cara sa kasalukuyan. Bahagyang ipinilig ng dalaga ang ulo.
"Oh please. Mahinang tulak lang 'yon."
"Says the girl with super strength. Later, bitch."
Parang hinigop ang lakas niya nang makaalis si Lizbeth. Pabagsak siyang nahiga sa kama, nakipagtitigan sa kisame. Madalas silang magsalpukan ni Liz pero tumutupad ito sa binibitiwang salita.
Ilang sandali pa lang mula nang makaalis si Lizbeth ay may kumatok. Hindi siya tumayo para pagbuksan dahil kilala na niya kung sino iyon. Rose perfume.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Hindi nag-abalang bumangon si Cara. Hinintay niyang makalapit ang madrastang si Alyson sa higaan niya.
"Pasensya ka na kung kailangan mo na namang samahan ang kapatid mo," anito saka hinagod ang sumabog niyang buhok sa kama. "You're the only one who can manage to keep her in line."
"Hindi n'yo na lang sana pinayagan."
"Cara..."
"Po?"
"How are you coping?"
Napabangon siya at tinapunan ng tingin ang madrasta. Maganda pa rin si Alyson Muerte. Iyon ay sa kabila ng mga pinong linya sa gilid ng abuhing mga mata nito. Sa harap ni Alyson, hindi niya kailangang magkunwaring matatag. Cara rested her head on Alyson's shoulder, feeling like eight again.
"It's getting harder to control, Tita. Natatakot ako. What if..."
"Hush. Everything will be alright."
Sana ganoon lang kadaling paniwalaan, aniya sa sarili.
*****
Nag-uumpisa na ang party nang dumating sila ni Lizbeth sa mansyon ng pamilya ni Jerry Lynch. Isa sa maperang pamilya ang mga Lynch sa bahaging iyon ng Greenwood Hills sa Atlanta. And her stepsister belongs to Jerry's crowd; the elite of Eckert Academy. Isang private school ang Eckert kung saan Grade 11 silang pareho ni Liz.
Nakakarindi ang musikang ibinubuga ng naglalakihang speaker. Nakapuwesto ang mga 'yon sa living room. Pasigaw ang pagbating sumalubong sa kanila mula sa host ng party.
"Liz! Glad you made it." Lumipat kay Cara ang tingin ni Jerry. "Your friend?"
"Stepsister! She's Carl's twin!"
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Jerry, kumislap ang interes sa berdeng mga mata. "I didn't know Carl has a twin!" ani Jerry na hindi pa rin humihiwalay ang tingin sa kanya. Hindi niya nagustuhan 'yon. His eyes felt creepy to her.
"She lives in another state with her aunt!"
Para hindi na humaba ang usapan ay sumingit na siya. "Got beer?!"
"Booze in the kitchen!"
"Where the hell is your kitchen?!"
"Just keep right. You won't miss it!"
Binalingan niya si Lizbeth na ngayon ay abala na sa pakikipaghuntahan sa isang babae. "Two hours Liz, that's the longest I can tolerate this noise!"
Sana lang ay hindi na niya kailangang ulitin dahil sa ingay. Tumango si Liz. Satisfied, hinanap na niya ang kusina nina Jerry. Gaya ng sinabi ni Jerry ay hindi siya mahihirapang hanapin ang kusina. Ang kailangan lang niyang gawin ay sundan ang mga taong may bitbit na papercup para magpa-refill.
Malawak ang lugar. Siniguro niyang mahigpit ang kontrol niya laban sa kagustuhang buksan ang sarili sari-saring sensasyon sa paligid. Hindi niya pwedeng patalasin ang pang-amoy o kahit na alin man sa five senses niya para matunton ng beer. Hindi pa niya kabisado ang sorting skill na paunti-unting itinuturo sa kanya ng amang si Chris.