Pinilit niyang sundan ang boses ni Quiero. Pakiramdam ni Cara ay para siyang lumalangoy sa putik. Dumagdag sa frustration ng dalaga ang mabagal niyang paggalaw.
"Quiero?"
"Lumalayo ka yata, Cara? Humihina ang boses mo."
"I'm not! Ikaw itong parang lumalayo. Stay still and let me find you!"
"Dalawang oras, Cara. Hindi ako pwedeng basta na lang tumayo dito at hintayin kang mahanap ako."
"Damn it!" Mangiyak-ngiyak na si Cara pero hindi siya tumigil. "Lumalayo ka talaga eh!"
"Alam mo ba kung paano patalasin ang pandinig mo?"
Naalala ni Cara ang itinuturong sorting skill sa kanya ni Cadmus noon. Kahit hindi niya nakikita si Quiero ay tumango siya. Kaya niyang patalasin ang alin man sa five senses niya pero hindi pa siya gaanong magaling sa kontrol. Once she opens any of the five, she has to maintain a certain amount of control so as to avoid getting pulled under.
"Tinuruan ako ni Daddy pero hindi ko pa master ang control. I can sharpen my hearing but only to a degree."
"Pwede bang 'wag ka nang gumalaw? Ako na ang maghahanap sa 'yo. Pangako, bago maubos ang dalawang oras mahahanap na kita."
"P-Pero...'
"Wag matigas ang ulo, Cara."
"B-But I'm scared!"
"Magkwento ka," utos ni Quiero.
Napansin ni Cara na mas malakas kaysa kanina ang boses ng lalaki. Mas mabuti nga sigurong 'wag na siyang gumalaw para hindi sila magkawalaan.
"Tungkol saan?"
"Kahit ano. Basta magsalita ka lang nang magsalita, kumanta ka kung gusto mo."
"I don't think singing is a good idea." Boses baka kaya siya. "Baka imbes na mahanap mo ko, masira ko pa ang tainga mo sa sama ng boses ko."
"Masyadong mababa ang tingin mo sa kakayahan mo."
"I can probably kick your ass but I can't sing."
"Kahit sa panaginip, hindi ka mananalo sa akin sa laban," puno ng confidence na sabi ni Quiero.
"Yabang."
"Nagsasabi lang ng totoo. Kahit pinakamakapangyarihan ang angkang pinanggalingan mo, lamang pa rin ako sa karanasan."
Kung sabagay, totoo nga naman. Her fighting skills pales in comparison to Quiero's.
"You're right. Minsan iniisip ko, paano kaya kung dito ako lumaki sa Plera? Magiging kasing-galing mo rin kaya ako?"
"Hindi."
"Bakit hindi?" takang tanong ni Cara.
"Dahil hindi ka na mabubuhay pa para magkaroon ng pagkakataong mapaunlad ang kakayahan mo. Hindi ka titigilan ng mga Pleran na responsable sa pagkaubos ng mga Daoin."
Nanayo ang mga balahibo ni Cara sa braso. Alam niyang 'yon din mismo ang dahilan kung bakit sila naroon ni Cadmus sa mundo ng mga tao. The danger proved to be real now that she's back. Ngayon lang niya naisip na kahit alam niyang mapanganib, hindi niya masyadong sineryoso ang mga sinasabi ni Cadmus noon.
"It's frighteningly true."
"Hindi mo kailangang matakot. Habang nasa poder ka ng Iv, walang sino man ang gagalaw sa 'yo. Gagawin ni Ama ang lahat para masiguro ang kaligtasan mo."
"Thank God for that."
Kung anu-ano pa ang napag-usapan nila ni Quiero. She must admit, talking to him calmed her a bit. Natatakot pa rin naman siya pero ramdam niyang medyo nabawasan. Sa tuwing natatahimik si Quiero ay nagpa-panic siya. Pagtatawanan lang siya ng prinsipe at pagkatapos ay itutuloy ang kuwentuhan nila.
Marami siyang nalaman tungkol sa prinsipe ng Iv. Hindi niya alam kung sinadya ba nito o unconsciously na-ishare lang sa kanya ni Quiero ang sentimiyento nito tungkol sa mga magulang. May galit ito sa amang hari dahil sa parang pambabalewala nito sa asawa.
Bilang anak, nasasaktan ang prinsipe sa tuwing nakikitang malungkot at umiiyak ang ina. Hindi na rin bago kay Cara ang marriage for political reasons na siyang nangyari kay Lemurion at Piedra, ang ina ni Quiero.
"Pakiramdam ko isang malaking pagkakamali na dinala kita sa Iv.
Nagulat si Cara. "Bakit naman?"
"Alam mo bang si Ina ang Sibilla ng Plera? Dahil sa pangitain niya, naganap ang huling digmaang ikinamatay ng buong angkan mo."
His mom is the f*****g oracle? But her visions is not her fault, it's not like as if she willed them to come.
"Ah...I don't see the point why you should see my presence as a mistake."
Si Quiero naman ngayon ang nagulat. "Hindi ka ba nagagalit? Isa ang Sibilla sa responsable sa pagkamatay ng iyong ina."
"Sus. Oracles like your mom doesn't have any control over her visions. Right?"
"Oo. Dumarating lang ang mga pangitain. Puwede ring sadyaing tingnan kung ano ang mangyayari sa hinaharap pero wala siyang kakayahang impluwensyahan ang mga 'yon."
"See? It's not her fault kung may kakayahan siyang ganoon. I have no reason to hate her," sabi ni Cara. Totoo 'yon sa loob niya. Hindi niya sinisisi ang Sibilla sa naging masaklap na kapalaran ng mga Daoin. Even her Dad believed so.
"Mabuti."
"Teka lang, namamana ba ang kakayahan ng Sibilla? You might have inherited her gift or your siblings if you have any."
Nagtaka si Cara nang hindi sumagot si Quiero. Hindi ba siya narinig ng prinsipe? Tatawagin na sana uli niya ito nang sumagot ang binata.
"Namamana pero hindi sa bawat henerasyon ay nagkakaroon ng bagong Sibilla. May mga pagkakataong matagal nang patay ang huling Sibilla ay saka pa lang maipapanganak ang papalit dito. Minsan naman buhay pa ang kasalukuyang Sibilla pero may isa nang nagpapakita ng kaparehong kakayahan. Sa pagtagal ng panahon, unti-unting humihina ang kakayahan ng mas matandang Sibilla at lumalakas naman ang mas bata."
"In this generation, may bagong Sibilla na ba?"
"Mayroon. Ayaw niyang tanggapin, ayaw niyang maging."
"Huh? It's a gift. Kung sino man 'yon, wala siyang magagawa dahil mangyayari at mangyayari din naman."
"Siguro nga."
"Isa sa mga kapatid mo ba?" tanong uli ni Cara. Masyado na siyang tsismosa pero hindi niya mapigil ang sariling magtanong. She found his life interesting.
"Isa sa mga anak ni Piedra."
"Kapatid mo nga. Ilan ba kayong anak ng hari at reyna?"
"Lima ang kapatid ko sa ama, tatlo sa ina. Walang reyna ang Iv, Cara. Hindi nangangahulugang may kapangyarihan sa Iv ang aking ina dahil kasal siya sa hari."
"What? That's weird."
"Kagaya rin ang Iv ng Dao. Walang hari ang mga Daoin kundi reyna. Maaaring mag-asawa ang iyong ina pero hindi siya magiging hari. Ikaw ang papalit sa tronong iiwanan sana ng ina mo sa 'yo kung hindi siya namatay. Kung may mga Daoin pa ngayon, ikaw ang kasalukuyang reyna nila."
Hindi binanggit sa kanya ni Cadmus ang tungkol doon. Ang alam lang niya ay matagal nang patay ang kanyang ama dahil 'yon ang sinabi ni Fria. Kahit pangalan o litrato man lang ay walang ipinakita sa kanya ang ina. She just assumed her father was some forgotten monarch, buried in the lost history of her people.
Lumaki siyang nakuntento sa kung ano ang sinabi sa kanya ni Fria noon. She didn't bother to ask Cadmus while growing up. Para sa kanya, sapat na si Cadmus bilang ama niya. Kung walang naikuwento ang kanyang namayapang ina, siguradong may importanteng dahilan.
"About succession thingy, tama ba akong ikaw ang next in line sa trono ng Iv?"
"Oo. Hindi dahil sa ako ang pinakamatanda kundi dahil kasal sa hari ang aking ina. Hindi maaaring magmana ng trono ang isang prinsipe o prinsesa kung hindi kasal ang mga magulang. Kung sakaling walang anak ang aking ama't ina, mapupunta sa pinakamatandang anak ng hari ang trono."
Hindi malayong ipa-assasinate si Quiero ng alin man sa kapatid nito sa ama kung ganoon. Hindi na nagtataka si Cara kung bakit bihasa sa labanan ang prinsipe. Kailangan nito iyon para pangalagaan ang sarili sa anumang panganib na kakambal ng pagiging tagapagmana ng trono.
Tsk. Monarchs and their greed for power. Para siyang nasa set ng Game of Thrones.
"I bet your father is aware of that fact. Tas heto siya, mega-protect at kupkop sa akin na anak ng best friend niya. With the power struggle brewing in his kingdom, dagdag stress pa ang presence ko dito."
"Aaminin kong nagtataka ako kung bakit ganoon na lang kung pangalagaan ka ni Ama. Nagdagdag pa sila ng bagong mahika sa buong Iv para itago ka. Nag-utos din siyang lalong higpitan ang kalakalan sa pagitan ng Iv at ibang kaharian."
Bakit nga ba? Kahit sabihin pang close si Haring Lemurion sa ina niya, parang excessive naman ang ginagawang measures ng hari. Kung pinagsamang lakas ng iba't-ibang Pleran ang lumusob noon sa Dao, hindi malayong mangyari din 'yon sa Iv. The king is willing to risk his whole kingdom for her?
"Siguro dahil isa siya sa bestfriend ng ina ko."
"Sapat para malagay sa alanganin ang buong Iv?"
"Bestfriend din ng ina ko si Dad. Iniwan niya ang buhay niya dito sa Plera para maprotektahan ako. He left his home, family, friends and everything else dear to him. Kamatayan ang katumbas ng pagtalikod sa Plera, alam mo 'yan. Maybe, the king shares the same sentiments with my Dad."
"Kamatayan din ang katumbas sa pagtulong sa sino mang tumakas sa Plera," sabi ni Quiero.