Am I dead yet? Tanong niya sa sarili. Gaano na ba siya katagal doon? A week? A month perhaps? Simula nang magmulat siya ng mga mata ay puro kadiliman na ang nakikita niya. Ang nakapagtataka ay ramdam niya ang sikat ng araw sa balat pero wala siyang makita.
I'm blind! Paulit-ulit niyang tili sa isipan pero walang kakayahan ang kanyang bibig para ilabas 'yon. Did they cut my tongue? Sa naisip ay naluha na naman siya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang umiyak. Noong una ay nagsisisigaw pa siya nang dalhin siya sa isang madilim na silid.
The bastards had enough of her screaming. Kaya siguro pinatahimik siya ng mga ito. Ganoon pa man ay may mga kamay at paa pa siya. Kung tinanggalan siya ng boses, hindi iyon makakapigil sa kanya para muling mag-ingay. Iyong dampot niya ng baso at pinggan na yari sa kakaibang uri ng metal at kinalampag ang pinto ng kulungan niya.
Malinis naman ang kulungan niya kung pagbabasehan ang amoy ng unan at kumot niya. Parang laging bagong laba. Wala rin siyang anumang tali o kadenang pumipigil sa kanyang pagkilos. Aanhin pa nga naman ang kadena kung wala siyang makita.
Naalerto siya nang marinig ang kaluskos sa labas. Iyon na siguro ang rasyon niya. Tatlong beses sa isang araw siya kung hatiran ng pagkain at inumin. Kagaya ng dati, walang sumasagot sa bawat tanong na ibinabato niya sa sino mang magpunta doon.
"Hello? Is that my meal?" tanong niya. Imbes na sumagot at naramdaman niyang hinablot ng kung sino ang hawak niyang pinggan at baso. Kasunod noon ay apat na pares ng kamay ang humawak sa braso niya at sapilitan siyang kinaladkad.
Damn it! Not again! Nagpumiglas siya pero wala siyang magawa.
"Where are you taking me?"
"Sumama ka ng maayos sa amin, mortal. Mas makakabuting huwag ka nang magpumiglas para hindi ka masaktan." Natigil siya sa pagpasag nang marinig ang malalim na boses lalaki. Sa kaliwa niya nanggaling ang boses kaya automatic na doon siya napabaling.
"Naiintindihan mo ako? Finally!" aniya. Kapagkuwa'y namilog ang mga mata. "Hey! I got my voice back!" tuwang bulalas niya. Bakit hindi niya agad napansin?
"Ihaharap ka ngayon sa Reyna kaya kailangan mong maligo," pagbibigay-alam ng lalaki. Hindi niya masiguro kung babae ang nasa kanan niya. Mas malambot ang kamay sa kanan niyang braso kumpara sa kaliwa.
Dinala siya ng dalawang kasama sa isang silid. Pinaupo siya sa isang malabot na upuan at matiyagang naghintay. Dinig niya ang nagmamadaling mga yabag ng paa at pabulong na pag-uusap ng mga nasa paligid. Maya maya ay umalingawngaw ang isang pagpalakpak.
"Ihanda ang bihag sa paghaharap kay Reyna Artha. Mayroon tayong isang oras. Siguruhin n'yo rin na hindi siya makita ni Prinsipe Yael hangga't hindi naihaharap sa Reyna. Maliwanag?" Sigurado siyang boses 'yon ng lalaking may hawak sa kaliwang braso niya kanina.
Kanya -kanyang kilos ang mga inutusan. Naramdaman niyang may gumiya sa kanya para mahiga. Walang angal siyang sumunod. Might as well see this throuh, aniya sa isip. Isang minuto na siyang nakahiga nang mapapiksi sa gulat. May malamig na bagay silang inilagay sa magkabilang mata niya at tinakpan ng tela. Bahagya pa nilang inangat ang kanyang ulo para maitali ang tela sa likod.
Ah. This is soothing. I wonder what's this for.
Kasunod noon ay may mga kamay na nagmasahe sa ulo niya. Napasinghap siya sa kaaya-ayang sensasyong idinudulot ng mga daliring 'yon sa anit niya. Unti-unti, parang may mabigat na bagay siyang dala sa ulo na nawala. Kung ito na ang katumbas ng last meal niya bago siya mamatay, mamamatay siyang nakangiti.
Mom, Dad, Cara, I'm sorry guys. I guess I'll see you all in the after life. Mauuna lang ako ng kaunti sa inyo.
Nang maalala ang ina ay nanakit ang lalamunan niya. Sana okay lang ang pamilya niya. Matatanggap niyang mawala basta maayos silang lahat. Sigurado siyang napagkamalan siya ng mga kumuha sa kanya. Mabuti na lang at wala si Cara sa bahay nang mangyari 'yon. Her step sister had suffered enough.
Makalipas ng ilang sandali ay naramdaman niyang tinatanggal na nila ang piring niya sa mata. Kahit alam niyang wala siyang makikita ay sinubukan niyang dumilat. Laking gulat niya nang makitang may naaaninang siya. Malabo pero sigurado siyang hindi na madilim.
"What's happening? Am I getting my eyesight back?" aniya. Ilang beses pa siyang kumurap hanggang unti-unting nagkakaroon ng linaw ang paningin. Sa ika-sampung beses niyang pagkurap ay tuluyang nanumbalik ang paningin niya.
"Holy shitzu!" bulalas niya sabay bangon sa pagkakahiga. Napaatras siya para lang bumangga sa isang nilalang na nakaupo doon. Nang malingunan ang nasa likod ay parang napasong lumayo siya.
Am I in heaven? Kahit saan niya ibaling ang paningin ay puro lalaki ang nakikita niya. Lahat half-naked, baggy pants ang pang-ibabang suot. Lahat sila may bangles sa magkabilang braso na yari sa kristal na kulay blue. And their skin! Nahiya siyang bigla sa sarili. Hindi pa siya nakakakita ng lalaking mas flawless pa sa kanya ang balat. To think na alaga niya ang sarili.
"W-where a-am I?" Hindi niya sigurado kung maiintindihan siya ng mga ito.
"Nasa Zul, isa sa mga kahariang bumubuo sa Plera," sagot ng lalaking nasa likuran niya. Ito rin ang isa sa kumuha sa kanya sa kulungan niya. Hindi niya makakalimutan ang boses nito.
"W-what?!"
"Masasagot lahat ang tanong mo mamaya kapag nakaharap mo na ang Reyna. Sa ngayon, kailangan mong paghandaan ang paghaharap na sinasabi ko. Paliliguan kita," anito sabay abot sa laylayan ng t-shirt na suot niya.
Bago pa mangyari ang gusto nito ay natabig niya ang kamay ng lalaki. "Are you crazy?! P-paliliguan m-mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya, mas hinigpitan ang kapit sa damit.
Kumunot ang noo ng lalaki. "Ano'ng problema? Isa lang ito sa mga obligasyong dapat gampanan ng mga Yono'Que na katulad namin."
"No way! No freakin' way, dude. No one's gonna make me strip. Especially not you!" tili niya sa mukha ng lalaki. Kahit saan siya tumingin ay puro lalaki ang nakikita niya. Lahat ay nakamasid sa palitan nila, mukhang aliw na aliw.
"Mukhang hindi ka magtatagumpay sa isang 'yan, Mithos," tukso ng kasama nito.
"Ito na ba ang araw na masisira ang dakilang Mithos sa kanyang tungkulin?" dagdag pa ng isa. Sinundan iyon ng tawanan. Namula ang lalaking kaharap niya. Walang kibong hinaklit siya nito sa braso.
"Mamili ka. Ako ang maghuhubad sa'yo o isa sa kanila na hindi magdadalawang-isip na alisin lahat ng suot mo sa harap nilang lahat?" bulong nito sa kanya.
"A-are you serious?" hindi makapaniwalang tanong niya. Pero wala siyang nakitang indikasyon na nagbibiro ang lalaki. "K-Kung ikaw ang pipiliin ko, makakasiguro ba akong hindi ka titingin?"
"Bilang Yono'Que na nakatalaga sa'yo, maaari kitang dalhin sa isang pribadong paliguan."
Napalunok siya. Nagpalipat-lipat ang mga mata sa lalaki at sa iba pang nakatingin sa kanila. Wala na siyang pagpipilian. Dahan-dahan siyang tumango. 'Yon lang ang hinintay ng lalaki pagkatapos ay binitiwan siya. Lumipat ang palad nito sa bandang likuran ng dalaga.
"Ihayag mo ngayon ang iyong pagpapasya,"anito.
"P-Pumapayag n-na ako," aniya sa nanginginig na boses. Dismayadong nagsibalikan sa kanilang ginagawa ang mga Yono'Que. Iniwan na sila nitong dalawa.
"Halika. Sumunod ka sa akin," aya ni Mithos. "Huwag kang hihiwalay sa akin kahit na ano'ng mangyari. Pag natagpuan ka ng sino man sa kanila ay hindi ko masisiguro ang kaligtasan mo."
Hindi na niya kailangan pang pagsabihan uli. One warning is enough, gets na gets na niya. Kung natatakot siya kay Mithos ay mas nakakatakot ang mga kasamahan nito. Ilang sandali pa ay tumigil si Mithos sa tapat ng isang pinto. Pagbukas ay tumambad sa kanila ang isang pribadong paliguan. Para siyang nasa sauna. Mausok ang paligid pero hindi naman masakit sa mata.
May isang pool sa dulo, kasya kahit sampung tao. Walang bubong sa pool pero mataas ang nakapaligid na dingding. Walang makakasilip, wala rin namang bintana. Blue ang tiles na nasa sahig. May maliit na cabinet na nakapako sa dingding. Hula niya ay doon nakatago ang mga gamit pampaligo at mga tuwalya kung mayroon man.
"May roba sa taguan. Tatalikod ako para makapaghubad ka ngunit kailangan ko pa ring alalayan ka sa paliligo. Pero makakasiguro kang hindi ako titingin, hindi ako hahawak sa alin mang bahagi ng katawan mo ng walang pahintulot."
"K-Kailangan pa ba 'yon?" Nauutal na naman siya.
"May paraan ang punong Yono'Que para malaman kung tinupad namin ang tungkulin o hindi. Patawad ngunit malalaman at malalaman nila kung nagsinungaling ako," nagpapaunawa ang tingin na sabi ni Mithos.
Ewan ba niya pero ayaw niyang mapahamak si Mithos. Kaya natagpuan niya ang sariling nakalublob sa pool hanggang baywang habang nakatalikod sa Yono'Que. Tumupad ito sa usapan. Braso, binti, balikat at likod lang niya ang pinahintulutan niyang hawakan ni Mithos.
Maingat naman ang lalaki. Ramdam niya 'yon sa bawat dampi ng telang gamit nito sa pagkuskos sa balat niya. Nakapiring din ito, paniguro niyang hindi siya masisilipan. Nang matapos ay binalot siya ni Mithos sa roba pagkaahon niya sa pool. Ngayong may suot na ang dalaga, tinangggal na ng lalaki ang piring sa mata. Minamasahe nito ang anit niya, may inilagay na uri ng mabangong lana ang lalaki sa kamay.
"Mithos, pwede bang magtanong?"
"Ano 'yon?"
"Gaano ka na katagal na nagtatrabaho bilang Yono'Que?"
Akala niya ay hindi sasagot ang lalaki dahil hindi ito kumibo. "Mula noong ika-sampung kaarawan ko."
"You're so young! This is not a job for a child!" naeeskandalong bulalas niya.
"Wala akong pagpipilian. Wala akong mahika o kahit na anong kakayahan maliban sa angking kaalaman sa mga bagay tungkol sa medisina at kalusugan ng Pleran," anito.
"Posible ba 'yon?"
"Posible. 'Pag nanakaw ng mga itim na espiritong gagala-gala ang tunay mong pangalan bago ang seremonya ng paggising." Tinapik nito ang balikat niya. "Tumagilid ka, dito naman sa kabila."
"Hindi mo tunay na pangalan ang Mithos?"
"Hayag na pangalan ko ang Mithos. Ikaw, ano'ng pangalan mo?" tanong nito.
"Anne Lizbeth Murphy."
"Ikinagagalak kitang makilala, Anne Lizbeth Murphy. Mithos Talgaznur, ang inyong lingkod."