“DO YOU still think about him?” Napahinto si Maggy mula sa pamimili ng mga damit nang bigla na lang itanong iyon ni Austin. Kunot ang noong nilingon niya ang binatang katabi. Walang makikitang pagkainip o pagkailang sa mukha nito kahit pa ilang boutique na ang pinuntahan nila. Dahil alam niyang ayaw nito sa mga maiingay at matataong lugar ay madalas na nananadya pa siya. Isinasama niya si Austin kapag nagpupunta siya sa supermarket, kapag nanonood siya ng sine o kaya ay kapag gusto niyang maglakad-lakad lang sa kalsada at ngayon nga ay niyaya niya itong mag-ikot sa mall. She knew that it was not what she was supposed to do. She should make him desire her more by avoiding the things he didn’t like. Pero ilang araw nang hindi niya mapigilan ang sarili. Gusto niyang maki