Chapter 4

5011 Words
NAIBABA ni Austin ang hawak na wineglass nang sa pag-angat niya ng mukha ay masilayan ang kapapasok pa lang na dalaga sa Italian restaurant kung saan siya kasalukuyang kumakain nang gabing iyon. Kaagad na kumabog ang dibdib niya. God, he had missed that face.       Ngayong wala nang bakas ng kalasingan sa anyo ng estranghera ay mas lalo itong nagmukhang kaakit-akit. Puting bestida ang suot nito na umabot lang hanggang kalahati ng mga hita. Nakalugay lang ang kulot-kulot na buhok nito. Katulad ng dati ay hubad sa makeup ang mukha pero lutang na lutang pa rin ang angking ganda. She looked so sure of herself as she walked in. Her confidence only made her even sexier.       Sandaling iginala ni Austin ang tingin sa paligid. Katulad niya ay halata rin ang pagkamangha ng mga kalalakihang kumakain doon na nakatutok ang mga mata sa kapapasok lang na dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kung anong selos. Now that he had seen the woman again, he became a hundred percent sure that he liked the woman for his self only, dahilan kung bakit ilang araw na siyang parang sirang nagpapabalik-balik sa bar kung saan sila unang nagkita, umaasang mapapadaam ito roon pero madalas ay bigo siyang makita man lang ang dalaga.       Now that he had a taste of her lips, he realized that he had missed her lips as well. He had yearned to kiss them for days now. Ilang gabi na siyang walang matinong tulog sa kaiisip sa dalaga at kung magpapatumpik-tumpik pa siya ay hindi malabong maunahan siya ng iba.       Mabilis na tumayo si Austin nang papadaan sa mesa niya ang dalaga. Ngumiti siya rito pero umawang ang bibig niya nang lagpasan lang siya nito. Nang makabawi ay hinabol niya ito at pinigilan sa braso.       Kunot naman ang noong nilingon siya ng dalaga.       “Yes?” pormal na tanong nito.       “H-hi.” Tumikhim si Austin para alisin ang namuong bara sa kanyang lalamunan. Bakit ba bigla siyang kinabahan? He was suddenly acting like a schoolboy in front of his crush! Get a grip of yourself, McClennan, paalala niya sa sarili bago muling ngumiti. “Hindi mo na ba ako naaalala? Ako si Austin McClennan, nagkakilala tayo sa Baron’s eleven nights ago. You were so drunk that you passed out.” Right after you slapped me. “So I brought you to my house and then you...” Kissed me and slept on me which gave me sleepless nights, you see. “Just left afterwards.”       “Oh,” para bang nasorpresa na sagot ng dalaga bago ngumiti.       Bumilis ang kanyang paghinga. Buong araw na masama ang timpla ni Austin. Nagkasunod-sunod ang mga kinailangan niyang asikasuhin sa minahan ng pamilya. Nagkaproblema sa water system nila roon na kakailanganin sa pagmimina. Ini-report niya pa iyon sa mga board members na siya ring mga kapatid niya at kay Alejandro, ang nagmamay-ari ng twelve percent shares sa McClennan Corporation.       Si Austin lang ang solong nangangasiwa sa minahan, si Alano sa langis at si Ansel naman sa electricity. Strict ang panganay na kapatid niya pagdating sa problema sa mga pinamamahalaan nilang magkakapatid kaya kailangang nalalaman nito at ng iba pang board members ang mga nangyayari sa ipinamana sa kanilang negosyo ng ama.       Pero sa oras na ngumiti ang estranghera, pakiramdam ni Austin ay bigla na lang umaliwalas ang lahat. Nakadagdag sa hindi magandang mood niya ang frustration dahil hindi niya makita-kita ang dalaga. Pero ngayon na nasa harap niya na ito, pakiramdam niya ay isa-isang nag-alisan ang kanyang mga alalahanin. Kailangan niya ng ngiting iyon pagkatapos ng maghapong kapaguran sa trabaho. That’s why he was glad that he had seen that smile just when he needed that smile the most.       “Ang ibig bang sabihin ng ngiti mo na `yan ay naaalala mo na ako?”       “Oo naman. How could I forget my enemy’s exact replica?” ganting-tanong ng dalaga.       Nagsalubong ang mga kilay ni Austin. “Ano’ng ibig mong sabihin?”       “Biro lang.” Nagkibit-balikat ang estranghera. “Natatandaan ko na nabanggit ko sa `yo nang gabing ‘yon na kahawig mo ang ex ko.” Mayamaya ay lumitaw ang para bang nahihiyang ngiti sa mga labi nito. “Pasensiya na nga pala kung umalis ako nang hindi man lang nakakapagpaalam sa `yo. Nahiya kasi ako sa mga nangyari. I’ve caused you so many troubles that night. Kung may paraan para makabawi ako sa `yo, babawi ako.”       Kumislap ang mga mata ni Austin. “Really?”       “Really.” Tumango pa ang dalaga.       “Well, there are a couple of things you can do. I mean, you’re right. You really did cause me troubles that night.” Dahil wala na akong maayos na tulog simula nang makita kita. You had me searching for you for more than a week now. Hindi ko na naaabutan ang Nat-Geo sa kahahanap sa `yo. Paulit-ulit din akong bumalik sa bar sa pag-asang makikita ka kahit na sandali. I didn’t even know I could stand being in that place for hours just waiting for you to show up. Pero iba sa iniisip ang lumabas sa bibig ni Austin. “One, you can dine with me. May hinihintay ka ba?”       “Wala naman.”       Yes! “All right.” Inalalayan ni Austin sa siko si Maggy pabalik sa kanyang mesa. Ipinaghila niya ito ng upuan. Nang parehong makaupo na ay pinakatitigan niya ang dalaga. “I haven’t gotten your name yet.”       “I’m Maggy. Maggy De Lara.”       “Are you still single? Dating? Or...” Napahinto si Austin nang makita ang amusement na bumakas sa anyo ng estrangherang Maggy pala ang pangalan. Nag-init ang mukha niya. Hindi niya pa nasubukan ni minsan ang gumawa ng hakbang para kilalanin ang isang tao. Kaya hindi niya alam kung ano ang mga tamang sabihin ngayon.       Sa mga ganoong pagkakataon ay hindi niya maiwasang hilingin na sana ay tulad siya ng mga nakatatandang kapatid na sanay pakitunguhan ang mga babae. Heck, compared to his brothers, he was indeed, a nerd. Bihira siyang lumabas at lalong bihira siyang makihalubilo sa tao. His form of relaxation was reading or watching anything that involves the Earth’s structures and features. No matter how he hated to admit it, he realized that he was proving to be a very boring man.       “Pasensiya ka na.” Napahawak si Austin sa kanyang batok. “Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong bagay. But Maggy, I like you from the very first time we met,” matapat niyang sinabi. “Alam ko na masyado pang maaga para dito pero alam ko rin na kung hindi ko sasabihin ang mga salitang ito ngayon, baka hindi na ako magkaroon pa uli ng pagkakataon—”       “Austin, relax.” Bahagyang natawa si Maggy. “Yes, I’m still single. And no, I’m not dating anyone right now. I told you, my ex and I just broke up—”       “I promise I won’t be a complication,” mabilis na sinabi ni Austin. “But I’m urging you to take a chance on me. Hayaan mo sana akong mapalapit sa `yo. Hindi kita sasaktan o iiwan `di tulad ng ex mo—”       “Paano kung ikaw ang saktan ko in the process?”       Natigilan si Austin bago dahan-dahang ngumiti. “It’s a risk I have to take, then. As they say, no pain, no gain.”        I think I’m going to need kuya Alano’s advice. Lots of them.     “IT’S our first date and you took me to your library.” Pigilan man ni Maggy ay gumuhit pa rin ang naaaliw na ngiti sa kanyang mga labi. Sadyang naiiba pati ang estilo ni Austin mula sa mga lalaking naka-date na niya.       Si Levi ay dinala siya sa isa sa pinakamarangyang restaurants sa Nevada noong una silang lumabas. Kumpleto rin ang huli sa props. May dala itong mga bulaklak at tsokolate. Samantalang si Austin, matapos siyang sunduin sa kanyang condo unit nang araw na iyon ay sarili lang ang dala.       Nawala ang ngiti ni Maggy sa naisip.       Her mind suddenly wandered back to Nevada, back to Levi. Ang huli ang nag-iisang lalaking nakarelasyon niya. Dito lang siya sumugal. Wala talaga siyang balak pumasok pa sa isang relasyon noon dahil ang buong atensiyon niya ay nakatutok pa sa paraan kung paano pababagsakin si Benedict noon.       Marami pa siyang mga bagahe sa kanyang puso at alam ni Maggy na hindi niya pa kayang ibigay nang buo ang sarili sa kahit na sino hangga’t hindi pa niya nakukuha ang hustisya para sa mga magulang. Pero wala siyang nagawa nang kumatok sa puso niya si Levi.       Isang taon at dalawang buwan na silang hiwalay. Walong buwan ang naging relasyon nila. Nagkakilala sila ni Levi nang minsang mag-check-in ang grupo ng doktor sa hotel na pinamamahalaan niya, isa ang lalaki roon. Surgeon ito at nag-stop over sa hotel nila ang grupo ng mga ito nang masiraan nang sasakyan papunta sa medical mission ng mga ito. Nakasabayan ni Maggy si Levi sa elevator noon, nagkataong silang dalawa lang ang nasa loob niyon. Hindi na siya tinigilan nito sa una pa lang nilang pagkikita.       She was smitten, too. Malakas ang dating ng doktor. He was not handsome, though. He was beautiful. Papasang mukha ng babae ang mukha ni Levi. Sandali niyang nalilimutan ang kanyang nakaraan tuwing kasama niya ang binata. Matiyaga siya nitong niligawan. Kahit tatlong oras ang layo ng ospital na pinapasukan nito sa opisina niya sa hotel ay halos araw-araw pa rin siya nitong pinupuntahan.       Tinuruan ni Maggy ang lalaki noong managalog habang si Levi naman ay tinuruan ang puso niyang magmahal dito. Sinagot niya ang binata pagkalipas ng mahigit dalawang buwan na panliligaw nito sa kanya. The best days in her life happened when she was with him. Naging maayos at maganda ang relasyon nila. Minahal niya si Levi at naramdaman niyang minahal din siya nito.       Everything was beautiful. Until the plan to destroy Benedict had to take place.       Nakiusap kay Maggy si Yalena na makipaghiwalay na muna pansamantala kay Levi para mas mapagtuunan niya ng atensiyon ang kanilang plano. Mabigat man sa kalooban ay sinunod niya ang kapatid. Dahil may punto naman ito. Mahalaga ang misyon nila at magiging distraction lang si Levi sa kanya. Noong panahong iyon ay sinimulan na nila ang pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga McClennan.       Alam ni Levi ang tungkol sa plano niya. Wala siyang inilihim dito. Kaya nasaktan ito nang husto nang mas piliin niya ang paghihiganti kaysa rito. Mahal niya ang binata pero wala siyang mapagpipilian. Ano man ang mangyari ay parating mangunguna sa priority niya ang pagbibigay katarungan sa nangyari sa mga magulang. Dahil kahit may narating na siya, pakiramdam niya ay nakalubog pa rin siya sa putikan hanggang nasa ibang lugar si Benedict, namumuhay nang masaya at masagana. Iyon ang rason kaya pinakawalan niya si Levi.       Isang araw ay natuklasan na lang ni Maggy na ikakasal na ang lalaki. Isang nurse sa pinapasukan nitong ospital ang maswerteng babae. Mahigit dalawang linggo na ang lumipas matapos ang kasal ni Levi. At magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi na siya nasasaktan. Dahil sa sulok na bahagi ng puso niya ay lihim siyang umasa na sana ay makayanan siyang hintayin ni Levi pero kabaliktaran roon ang ginawa nito.       “Kuya Alano once told me that the best way a man can catch a woman was through showing her great things about his self… in short, through impressing her.”       Nahinto sa pagbabalik-tanaw si Maggy nang marinig ang boses na iyon ni Austin. Bumalik ang tingin niya sa binata.       Para bang nahihiyang ngumiti ito. “Pero ayokong magpa-impress sa `yo, Maggy. I just want to be me. I just want to show you who I really am with a hope that you can somehow like what you see. Dahil ito ang totoong ako.”       Para bang natetensiyon na naisuklay ng binata ang mga daliri sa buhok nito. “Ayokong magpa-impress sa `yo dahil ayokong lokohin ang sarili ko habang kasama kita bukod sa baka hindi ko rin naman mapanindigan `yon. Ito lang ako, Maggy…” Ikinumpas ni Austin ang mga kamay sa library sa loob mismo ng mansiyon ng mga McClennan. “This is my favorite place and everything about this reflects me. I’m just a typical guy. I was never great. I am far from that.”       Bigla ay hindi malaman ni Maggy ang sasabihin. Nakarehistro ang sincerity sa mga mata ni Austin. And for one brief moment, warmth filled her chest. Goodness, he was truly an innocent man. Kahit naturingang na kay Austin na ang lahat ay totoo ngang baguhan pa rin ito pagdating sa pakikipagrelasyon. May bahagi sa kanya ang gustong mag-celebrate na sa kanya pinipili ng binatang sumubok, tulad ng nasa plano niya.       Simula nang gabing magkita sila ni Austin sa restaurant tatlong araw na ang nakararaan ay hindi na ito pumayag na hindi malaman kung saan siya nakatira. Ito ang naghatid sa kanya sa condo unit niya. Kinuha rin nito ang contact number niya. Sa nakalipas na dalawang araw ay puro sa cell phone lang sila nakakapag-usap dahil inasikaso daw nito ang problema sa minahan. And that morning, he just showed on her doorstep. Maayos na raw ang lahat kaya sisimulan na rin daw nitong ayusin ang estado nila. Liligawan umano siya ng binata.       The next thing she knew, he brought her to his mansion and took her at the library there.       Plano talaga ni Maggy ang magpahabol kay Austin lalo na at ilang beses niya nang napatunayan na gusto siya nito. One of the things she had learned in business was to always keep the clients interested. Dapat ay palaging may kakaibang pakulo para hindi lumipat sa iba ang kliyente. Iyon ang ginagawa niya kay Austin. Because despite the latter’s nerdy ways, women, according to Radha’s research, still cling to him. He was still a McClennan, after all.       Nang maikasal si Alano ay sina Austin at Ansel na lang ang kabilang sa listahan ng Most Eligible Bachelors sa isang sikat na pambabaeng babasahin. Kung si Maggy ang hahabol sa binata ay siguradong mawawala ang interes nito sa kanya, tulad ng kawalan nito ng interes sa mga humahabol dito.       And Maggy always wanted to be different.       Iyon ang rason kung bakit pinalabas niya sa binata na kagagaling niya lang sa isang relasyon. Kahit pa may halong katotohanan iyon. Dahil hindi pa rin siya tuluyang nakakabangon sa nangyari sa kanila ni Levi. She wanted to see how far the nerd’s infatuation for her can go.       “Austin...”       “Hindi ako mahilig magbigay ng bulaklak, Maggy,” seryosong sinabi ni Austin. “Hindi sila nagtatagal. Nalalanta rin sila kalaunan. I don’t give sweets, as well. They’re not healthy. What I want to give you is something which guarantees to last, something that is also safe for your health.”       “What is it?” namamaos nang tanong ni Maggy. Gumuhit ang mapanuksong ngiti sa mga labi niya. May kung anong bumubulong sa kanya na mag-e-enjoy siya sa munting laro nilang ito.       “Me. I assure you I’ll be safe for you, Maggy.”       Minsan pa ay nasorpresa siya. Tama si Austin, dapat ngang hindi ito magpa-impress sa isang babae. Dahil mukhang hindi na nito kakailanganin pa iyon. She was impressed by his words much more, by his sincerity.        Austin had his way with women, without actually being aware of it. “HOW DID you... Ah, find our first date, so far?”       Umangat ang mga kamay ni Maggy pahaplos sa mga pisngi ni Austin. Sinalubong niya ang natulirong asul na mga mata nito. Hanggang leeg nito ang taas niya kaya hindi siya nahirapang abutin ang binata. Namana nila ni Yalena sa kanilang ama ang taas nila kaya hindi siya alangan sa anim na talampakang taas ni Austin.       “I had... A wonderful time. Thank you.” Hinalikan ni Maggy si Austin sa gilid ng mga labi nito. “Good night, Austin.”        Hindi niya na nagawang sagutin ang mga sinabi ng binata sa library dahil tinawag na sila ng mayordoma roon para mananghalian. The whole time that they were together, Austin had been a complete gentleman. Inikot siya nito sa buong mansiyon. Tumambay rin sila sa entertainment room at nanood ng replay ng Nat-Geo.       Ang totoo ay wala naman talagang pakialam si Maggy sa kahit na anong bagay na may kinalaman sa mundo. Ang maisakatuparan ang plano niya ang tanging mahalaga lang sa kanya. But she was amused by the fascination in Austin’s eyes as he watched on the big screen.       Kung tutuusin ay hindi talaga maiko-consider na date ang nangyari. Iginala lang siya ng binata sa mansiyon ng pamilya nito, pinakain at pinanood ng isang bagay na wala siya anumang interes. But within a few hours, Austin was able to reveal to her who he truly was.       Imposibleng hindi maging komportable sa binata ang sino mang makakasama nito dahil napakanatural nito at walang halong ere sa katawan. And his words never fail to make sense, no matter how she hated to admit it.       “I want to get to know you better, Maggy,” naalala niyang sinabi pa ni Austin habang nasa veranda sila at nagpapahangin. “And I swear I will do that... In the following days to come.”       “Paano kung sa kabila ng mga efforts mo na kilalanin ako, hindi ka pa rin makapasok sa puso ko?” nananantiyang tanong ni Maggy. “Baka masaktan ka lang.”       Hinawakan ni Austin ang mga kamay niya. “I have always believed in doing something with all your heart and praying with all your soul. That was the reason why I succeeded the past years.”       “You pray?” gulat na tanong niya.       “Oo naman. Me and my brothers do pray.” Nagkibit-balikat ang binata. “Tinuruan kami ni Mama. She made us believe that there is Someone higher than all of us. Kaya naniniwala ako na kapag nakita Niya na seryoso ako sa `yo, who knows?” Kinindatan siya nito. “Baka ang pag-oo mo ang iregalo Niya sa ‘kin sa pasko.”       Napalunok si Maggy. She never thought that Austin can be playful, too. And that moment, for some reason, she found him adorable.       “All right,” sabi nito nang sa wakas ay makabawi. Lumayo na siya rito. Hindi nakaligtas sa kanya ang paggalaw ng Adam’s apple ng binata. “I guess I’ll just... see you, tomorrow?”       Ngumiti lang si Maggy at tumango. Tumalikod na si Austin at para bang nagmamadaling humakbang palayo samantalang siya ay nanatili sa kinaroroonan at pinanood ang binata. Mayamaya ay nasorpresa siya nang huminto ito sa paglalakad kung kailan malapit na sa elevator. Nilingon siya nito. She smiled once more. He smiled back. But he didn’t turn away again. Sa halip ay mabilis na bumalik ito sa kinaroroonan niya. Agad na humapit ang braso ng binata sa kanyang baywang at bigla na lang siyang siniil ng halik.        Sa simula ay masuyo lang ang halik hanggang sa unti-unting lumalim iyon. Nasorpresang napatitig na lang si Maggy sa nakapikit na anyo ni Austin. Nang bahagyang maduling siya dulot ng suot na salamin nito sa mga mata ay napapikit na lang din siya.       The nerd could really kiss so well. Nabigla pa siya sa apoy na nililikha nito sa kanyang katawan sa simpleng pagdadaiti lang ng kanilang mga labi. Katulad ng unang pagkakataong hinalikan niya ang binata ay kumabog uli ang kanyang dibdib. Austin though unaware, couls make a woman respond to him.       Ilang sandali pa ay tinugon na rin ni Maggy ang halik ng binata sa kaparehong intensidad. And she swore, she felt like everything had stopped. It was only the two of them and the kiss that they were sharing that mattered. And heck, he smells so good. Ilang sandali pa ay kusa ring humiwalay ang binata sa kanya. Idinikit nito ang noo sa noo niya. Sunod-sunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan nito.       “Do you know... That the first time we met, we kissed?” halos pabulong na tanong ni Austin.       “R-really?” hindi pa rin nakakabawi sa nangyari na sagot niya.       “Yes. And since then, I’ve been struggling so hard to sleep.” Ikinulong siya ng binata sa matatatag na braso nito. “I’ve never found a kiss this satisfying before... Until your lips met mine.”       “Bakit mo ginawa `yon? Bakit mo `ko... hinalikan?” wala sa loob na tanong ni Maggy habang patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib. Kasama talaga ang bagay na iyon sa plano niya para mahulog ang binata sa bitag niya pero bakit ganoon ang kanyang reaksiyon? She was willing to go all the way to get what she wanted. So why on Earth does she feel bothered about the kiss? Palibhasa ay iba ang halik na iyon sa naunang pinagsaluhan nila. Pero iisa pa rin ang reaksiyon ng puso niya. Parang nagwawala iyon sa tuwina.       “I believe in the ‘time is gold’ thing. Na kapag may gusto kang gawin, gawin mo na kaagad para wala ka nang pagsisihan pa. Wala ka na dapat aksayahing oras. And kissing you is that one thing that I really wanted to do since this morning. God… Maggy.” Humigpit ang pagkakayakap ng binata sa kanya. “I think I’m becoming crazier about you.”     “STOP the car.” Nabigla man ay inihinto pa rin ni Austin ang kotse. Iginilid niya iyon sa tapat ng simbahan. Nilingon niya ang dalagang katabi. Nakakunot ang noo nito nang mga sandaling iyon habang nakatitig sa labas ng bintana sa gawi nito.       Nagsalubong ang mga kilay niya. Sinundan ng mga mata niya ang tinititigan ni Maggy. Nakita niya ang dalawang bata na naglalaro sa walo hanggang sampu ang gulang na nasa labas ng simbahan hawak ang mga maliliit na basahan. Base sa anyo ng dalawa ay mukhang inilalako ng mga ito ang mga dala at dahil malakas ang ulan ay hindi gaanong makabenta ang mga bata sa mga pampasaherong sasakyan.       Mayamaya ay bumalik ang tingin ni Austin kay Maggy nang nagmamadaling kinuha ang bag nito. Pinigilan niya ang dalaga nang lalabas na sana ito ng kotse. Bigla ang pagragasa ng ulan nang gabing iyon. Sinuwerte na lang silang nakasakay na sa kanyang kotse bago pa man iyon bumuhos. Kagagaling lang nila sa isang restaurant. Mula sa opisina ay sinundo niya ito at niyayang lumabas na agad namang pinaunlakan ng dalaga. Halos ganoon ang set-up nila sa nakalipas na mahigit dalawang linggo.       Dadalhan niya ang dalaga ng mga prutas sa umaga o di kaya ay nagpapaturo siyang magluto sa Kuya Alano niya ng ilang Italian dishes na ayon kay Maggy ay siyang paborito nito dahil naging henyo na ang kapatid sa kusina mula nang makilala ang asawa na nito ngayong si Clarice.       Kahit pa puro pangangantiyaw ang inaabot ni Austin sa kapatid kapag tinatawagan ito ay wala iyong kaso sa kanya. Austin trusted Alano’s cooking skills more than their chef at home. Ilang beses niya na kasing natikman noon ang mga luto ng kapatid, doon niya napatunayang may talento ito roon.       Hindi kumpleto ang umaga ni Austin kapag hindi nakikita si Maggy. Hindi rin kumpleto ang gabi niya kapag hindi ito ang huling nakikita. Sa kabila ng pagod sa maghapong trabaho ay agad na nawawala iyon tuwing nakikita niya ang dalaga. The woman’s smile never ceased to bring wonder to him. Everything felt light when he was with her.       “Ako na ang bababa. Ako na ang bahala sa mga paninda nila para makauwi na sila,” ani Austin. “Pareho pa man din tayong walang dalang payong. Ayokong magkasakit ka.”      That night, he regretted not being a boy scout. Simula sa gabing iyon ay ipapaalala niya na sa sariling parating magbibitbit ng payong para sa mga biglaang bagay na gustong gawin ng dalaga.       “No, I need to talk to them, Austin,” sagot naman ni Maggy at mabilis na nakababa ng kotse at sinagasa ang ulan.       Malakas na natapik ni Austin ang noo bago mabilis na sumunod. Why can’t Maggy just be like any woman for once? Why can’t she be predictable even for a while? Sa loob ng nakaraang mga linggong nakasama niya ang dalaga ay lalong lumulutang ang pagiging iba nito sa mga babaeng nakilala niya na noon. Palagi siyang ginugulat ng mga sasabihin o kaya ay ng mga gagawin nito.       Katulad na lang nang gabing iyon. Bago pa man sila nagpunta sa restaurant ay nagpabili pa ito ng street food na nadaanan nila.      “Hmm... I’ve missed this,” naalala ni Austin na nakangiting sinabi ni Maggy nang ibigay niya na rito ang fish ball, kikiam, at iba pang pagkain na hindi niya na alam kung ano ang pangalan. “Walang ganito sa Nevada.”       Nabanggit na ni Maggy sa kanya na nagbabakasyon lang ito sa bansa dahil sa Nevada talaga ito nakatira. He tried checking informations about her on the Internet. Mabibilang sa daliri ang mga impormasyon tungkol dito kaya wala siyang mahagilap na detalye tungkol sa pamilyang pinagmulan nito. Ang natuklasan niya lang ay ang pagiging CEO nito ng YCM Hotel and Resorts.       Ayon kay Maggy ay anim na buwan lang ang bakasyon nito sa bansa pagkatapos ay kailangan na nitong bumalik sa Nevada. Ang pinagkakatiwalaan daw nitong empleyado ang pansamantalang tumitingin doon kasama ang kapatid nito na naiwan doon.       Austin would hate to think about what will happen after six months. Umaasa siya na mapapanatili na lang sa bansa ang dalaga pero alam niyang suntok sa buwan iyon dahil nasa Nevada ang buhay nito. But he was willing to make an adjustment. Siya ang bibisita rito. Kung kinakailangang linggo-linggo ay gagawin niya tutal ay may chopper naman ang kanyang pamilya na pwedeng gamitin papunta roon.       Hindi niya maaatim na hindi makita si Maggy sa loob ng mahabang panahon. Ngayon nga lang na madalas silang nagkikita ng dalaga, pakiramdam niya ay kapos pa rin ang oras para sa kanilang dalawa.       “But next time, try to avoid the street foods, Maggy—” Natigil si Austin sa pagsasalita nang bigla siya nitong subuan ng fish ball habang nagmamaneho siya.       “Tasty, isn’t it?” parang batang tanong pa ni Maggy.       “Right.” Austin finally smiled, amused. “But your lips are tastier.”       “Really?”       Nilingon ni Austin si Maggy. Nahuli niya ang pagkislap ng mga mata ng dalaga. Tumango siya. “Really.”       “You can be sexy at times, you know,” ani Maggy, eksaktong naiparada na ni Austin ang kanyang kotse. Muli niyang nilingon ang dalaga. Sinalubong naman siya ng mga labi nito. Just like that... and he was swept away. The woman had complete control over him, which was something he had realized. Her kiss can manipulate him.       Mayamaya ay huminto rin ang dalaga nang tutugon na sana siya sa halik nito. Nanunuksong tinitigan siya nito. “How was it?”       “Bitin,” ani Austin, mayamaya ay kinabig ang batok ni Maggy at inabot ang mga labi nito. His heart was pounding just like the first time they met. Ganoon parati ang reaksyon ng puso niya kapag katabi ang dalaga. Maggy had awakened his senses... And so were the other urges. There were nights when he must admit, he would imagine her on his bed...       Mayamaya ay naipilig ni Austin ang ulo sa kinahantungan ng isip. Hinubad niya ang kanyang coat at ipinaibabaw sa ulo nila ni Maggy nang maabutan niya. Nang makarating na sila sa gilid ng simbahan malapit sa pinto niyon ay agad nitong nilapitan ang mga bata.           “Nasaan ang mga magulang ninyo?” kunot ang noong tanong pa ng dalaga.       “Magkapatid po kami,” anang mas matangkad na babae bago nilalamig na inakbayan ang mas maliit na kasama. “Pareho na pong namatay ang mga magulang namin. Si Lola na lang po ang mayroon kami.” Namasa ang mga mata nito. “Pero na-stroke po siya. Hindi na po niya maigalaw ang kalahating bahagi ng katawan niya. Dati po ay kasama namin siyang nagtitinda.”       “Ibigay n’yo sa akin ang address n’yo,” hindi napigilang sinabi ni Austin. “Ipadadala ko ang assistant ko bukas sa inyo para—”       “Ang mga ganitong bagay, hindi na dapat ipinagpapabukas pa, Austin. Nasasayang ang oras. Pwede naman nating gawan agad ito ng paraan,” kontra ni Maggy bago dinukot sa bag ang cell phone nito at mabilis na nag-dial. “Radha, it’s me. I need you now.” Binanggit nito ang eksaktong lokasyon nila sa kausap. “Puntahan mo ang dalawang bata rito at dalhin mo sa ospital ang lola nila. Bring an escort with you. I will send the money later. Ikaw na ang bahala. Thanks.”       Muling hinarap ng dalaga ang mga bata nang maibalik nito sa bag ang cell phone. “Pupunta rito ang kaibigan ko. Mabait `yon. Tutulungan niya kayo. Dadalhin niya sa ospital ang lola n’yo. Pupunta rin ako sa ospital bukas. Pag-uusapan natin ang tungkol sa scholarship n’yo. Nag-aaral ba kayo?”       Nangislap ang mga mata ng mas mataas na batang babae. “H-hindi po. P-pag-aaralin n’yo po... k-kami?”       Ngumiti si Maggy. Kumikinang ang mga mata nito nang mga sandaling iyon. “Oo.” Nang nagmamadaling niyakap ito ng dalawang bata ay natawa ito nang malakas. Punong-puno iyon ng buhay. Walang mababakas na pagkaasiwa sa mukha ng dalaga. And her laughter... That was the first time he had heard her laugh like that.       “Hintayin n’yo rito ang kaibigan ko. Dadaanan niya lang sandali ang kakilala niyang chief inspector dito para may tutulong sa inyo sa pagdadala sa ospital sa lola n’yo. In about fifteen to twenty minutes daw, nandito na siya.” Nang bumitiw ang mga bata kay Maggy ay naaaliw na ginulo nito ang mga buhok ng mga iyon. “Hintayin n’yo siya rito, okay? Radha ang pangalan niya.”       Mayamaya pa ay nilingon na siya ni Maggy. “Let’s go?”       Napatango na lang si Austin. Nang mga sandaling iyon ay himalang tumila na ang ulan. Nauna na ang dalaga sa kanyang kotse. Agad na binuhay niya ang makina niyon nang makasakay na rin siya at nagsimula nang magmaneho. “You go beyond extremes to help people,” namamanghang sinabi niya mayamaya. “You are an angel, Maggy.”       Natawa si Maggy pero wala na iyong buhay sa pandinig ni Austin. Kumunot ang noo niya. Nang lingunin ang dalaga ay nakita niya ang pagguhit ng mapait na ngiti sa mga labi nito.       “Madalas, wala talaga akong pakialam sa ibang tao. But those little girls reminded me of myself and my sister. I know how it felt to be so powerless over a certain situation. Iyong tipong gustong-gusto mong tumulong sa mga taong mahalaga sa buhay mo pero wala kang magawa dahil bata ka pa.” Humugot ang dalaga ng malalim na hininga. “Sometimes, when I see myself to someone, I get too emotional to the point of helping them. But I’m usually cruel. I’m the angel’s opposite, Austin.”       He looked at her, not knowing how to react. “You’ve got to be kidding me.”       Nagkibit-balikat si Maggy. “Maybe yes... Maybe not.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD