KAHIT masama pa ang pakiramdam ay sinikap nang bumangon ni Maggy. Inalis niya ang bimpo na inilagay ni Austin sa kanyang noo. Hindi siya sanay na may nag-aasikaso o tumitingin sa kanya kapag nagkakasakit siya. Mula pa noon ay independent na siya. Ayaw niyang nagpapakita ng kahinaan. Kahit noong nagtatrabaho siya at may dinaramdam ay pumapasok pa rin siya. Dahil alam ni Maggy na sa oras na nanatili siya sa kanyang kwarto ay mabibigyan lang siya ng pagkakataong mag-isip at maalala ang nakaraan dahilan para lalo lang siyang makaramdam ng panghihina. “Dito ka lang.” Nagmamadaling tumayo si Austin. “I made a soup. Kaiinit ko lang n’on.” Palabas na sana ang binata ng kwarto ni Maggy nang muli itong bumalik. “Don’t move, all right? Kung may kailangan ka, sabihin mo sa ‘kin. Let me take car