chapter 4

1441 Words
Matapos ang ilang minuto ay papasok na ang sinasakyan ko sa eksklusibong subdivision na pagmamay-ari ng pamilya ko. Familiar grandeur and elegance of the whole place won’t phase me at all but still evoke a pride in me because I am part of all of these. Behind the success of Garcia Empire is the name Evie Les Garcia. In the world of men, I have made my own name and reputation. No one can belittle the Garcia's successors because all of us maybe women but we can put those self-centered and arrogant men on their knees. Garcia women are not some damsel in distress, we don’t need knights or princes because we can stand on our own. I am the oldest daughter of Don Krino Garcia, the peril of strength among my siblings . I will make it may mission to maintain the Garcia on top of the food chain and this recent incident in our family will be dealt personally by me. Nang huminto ang sinasakyan ko ay alertong lumapit agad ang isa sa mga tauang itinilaga ni Tito Brenon na magbantay sa bahay naming matapos ang insidenting pagkawala ni Tita Titz. Masyado nang paranoid ang mga matatandang Garcia at 'di ko sila masisisi dahil sa dami ng mga taong binangga at inapakan ng pamilya namin ay walang nakakaalam kung sino sa mga ito ang nasa likod ng nangyari kay Tita. Nang lumabas ako ng sasakyan ay mabilis na nagsituwid nang tayo ang mga gwardiya. Sa doble ng bilang ng mga ito ay sigurado akong nasa loob ng bahay namin si Kylie. Bago pa ako makahakbang papasok ng bahay ay patakbong sumalubong sa’kin ang nag-uunahang sina Kylie at Fhel Ashely. Determinado ang seryosong mukha ng mga ito habang pigil-pigil ang bawat isa na mauna. “Let go Kylie! Walang pinsan-pinsan sa pagkakataong ito!” puno nang gigil na sabi ni Fhel at pilit tinatanggal ang pagkakahawak ni Kylie sa kanya habang pigil-pigil naman niya ito. May pagkatuso talaga ang kapatid kong ito. “Pakyu ka sa’kin, ‘Day! Ako ang unang nakakaalam kaya ikaw ang bumitaw!” ayaw magpatalong giit ng baliw kong pinsan at handa yatang makipagbraso magdamagan. Fhel Ashley was not brought up how a mafia successor like Kylie groomed since birth but she has this cunning ability to suppress her because they’re inseparable since then. May kaartehan mang taglay si Fhel Ashley na natutunan din ni Kylie sa kanya ay natuto naman siya ng basic self defense dahil sa laging pagbuntot-buntot sa huli. Lalong gugulo ang buhay ng sinumang mamalasing makasama ang dalawang ito kaya hangga’t maaari ay ayaw kong nasa iisang lugar kasama sila. “Tumigil kayong dalawa,” may kariinan kong pahayag. Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Mabuti na lang at kahit ang gulu-gulo nila ay 'di naman sila bingi dahil mabilis pa sa alas kwatrong nagsiayos sila nang tayo pero nagsisiringan pa rin ng mga mata. Sa halip na sayangin ang oras sa parang bata nilang kaartehan ay nilampasan ko sila upang pumasok ng bahay. Ilang hakbang pa nga lang ang nagawa ko pero ramdam ko na agad ang paunahan nilang pagsunod sa’kin. Naiirita akong huminto at nilingon sila. Muntikan pa silang bumangga sa’kin dahil sa biglaan kong pagtigil. Tumalim ang mga titig ko kaya bigla silang napahakbang paatras at eksaheradang napapalunok habang nanlalaki ang mga mata. I know my effects on other people but when it comes to these two, I feel more irritated by their exaggerations! “Spit it out! Anong kailangan ni’yo?” naningkit ang mga matang tanong ko sa kanila. Ang dalawang baliw ay sabay-sabay pa talagang nagturuan. Niloloko ba ako ng mga bwesit na ito? Huminga muna ako nang malalim upang kontrolin ang sarili. Muntik na ako kaninang nawalan ng kontrol dahil kay Trey Buencamino kaya hanggang ngayon ay di ko pa lubusang naibalik ang komposisyon ko. “Nagtatanong ako kaya sagutin ni’yo ako bago pa magdilim ang pani—“ “Isama mo ako sa Isla Buencamino!” “Sasama ako sa Isla Buencamino!” Magkapanabay nilang bulalas bago nagpalitan nang matalim na tingin. "Says who?" malamig kong tanong upang maputol ang samaan nila ng tingin. Mabilis na bumaling sa'kin ang atensiyon nilang dalawa. "Ate, you need me there!" giit ni Fhel. "Mas kailangan mo ako roon for protection," singit agad ni Kylie. "Well, thank you. But, it's a no," walang ekspresyon kong sagot sabay talikod sa kanila. "Ate! Wait!" Mas nilakihan ko ang hakbang upang 'di mahabol ng dalawang sakit sa ulo. Bago ako makahakbang paakyat sa hagdan papuntang second floor ng bahay namin ay tumunog ang cellphone ko. Upang maiwasan ang pangungulit ng dalawang nakabuntot sa'kin ay napilitan kong sagutin ang tawag nang di tinitingnan kung sino ang nasa kabilang linya. "I need you," bungad agad sa'kin ng nasa kabilang linya. 'Di na pala kailangang tingnan ang caller ID upang alamin kung sino ang kausap ko dahil iisang tao lang ang nagpapakulo ng dugo ko na walang ka-effort - effort these past few days. Kakagaling ko lang sa kanya pero heto at piniperwisyo na naman ako ni Trey Buencamino! "You have to get back in my office right now," may pagmamadali sa boses nitong wika. "I have more important things to do, Mr. Buencamino," pahinamad kong sagot. Akmang ibababa ko na ang tawag nang marinig ko ang sunud-sunod nitong mura sa kabilang linya. Nagpanting bigla ang tainga ko. Huwag niyang sabihing ako ang minumura niya. "D*mn it! Are you backing out on our deal?" nagtitimpi nitong tanong sa'kin. "The deal will start the moment you will approve the list of workers that I've submitted. Nag-advance na nga ako kanina bilang preview ng aasahan mong parte ko sa deal natin," pabalewala kong wika. "Okay, fine! Consider it done, Garcia! So get your fine ass in here, right now!" 'Di na ako nag-abalang sumagot pa sa kanya. Tinapos ko ang tawag at isang matagumpay na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. I wonder what put the devil on edge this time. Mula sa planong pag-akyat ay bigla akong humarap sa direksiyong palabas ulit ng bahay. Muntik pa akong nagulat dahil halos nakadikit na sa likuran ko sina Kylie at Fhel na mukhang nakikinig sa usapan namin ni Trey Buencamino. Sa halip ba ako iyong magulat ay silang dalawa pa iyong napasigaw sabay atras dahil sa biglang pagsalubong ng mga mata namin sa ganoon kaliit na distansya. Ewan ko kung anong katangahan ang sumapi sa kanila at sabay pa silang nawalan ng balanse kaya ang ending ay pareho silang bumagsak sa sahig. Tinapunan ko sila ng nagtatakang tingin bago nilampasan. Mas may makukuha akong pakinabang sa pupuntahan ko ngayon kaysa kanilang dalawa. "Ate, isama mo ako sa Isla Buencamino!" "Ako ang isama mo, Ate!" "Ate!!!" 'Di ko na kang inintindi ang malalakas nilang sigaw habang papalabas ako ng bahay. Akmang lalapit sa'kin ang isang guard nang makitang papunta ako sa kakaparada ko pa lamang sasakyan pero tinaasan ko ito ng palad upang tumigil dahil gusto kong mag-isa lang akong aalis ngayon. Hindi ako sanay na iniasa sa iba ang mga simpleng bagay tulad nang pagmamaneho. Nang papalabas na ang sasakyan ko sa gate namin ay nasulyapan ko pa sa rearview mirror si Fhel at Kylie na parang mga tangang humahabol sa sasakyan ko. Saglit pa naman akong nakahinto dahil hinintay ko ang may kabagalan ang pagbubukas ng automatic naming gate pero hindi nakalapit-lapit sa'kin ang sino man sa kanilang dalawa dahil pigil-pigil na naman nila ang bawat isa. Ang dami na nga ng problema sa mundo, dumagdagdag pa ang dalawang ito. Parang gusto ko na tuloy silang isama sa Isla Buencamino upang doon sila maghasik ng kaguluhan kung 'di ko lang inaalala ang kaligtasan nila. Pero sa ugali ng dalawang ito ay may dapat ba talaga akong ipag-alala? Naagaw ang pansin ko nang pagtunog ng message alert ng cellphone kong inilagay ko sa dashboard kanina pagkapasok ko ng sasakyan. Mabagal kong pinausad palabas ang sasakyan ko habang sinulyapan ang naka-display na mensahe mula sa isang unknown number. 'Where are you? Can you get any faster?' Nalukot ang mukha ko dahil kahit pala sa text ay napaka-bossy ng isang Trey Buencamino. Walang ibang kayang mag-utos sa'kin nang gano'n kundi ang lalaking iyon lang kaya sigurado akong sa kanya galing ang natanggap kong mensahe. Ano ba talaga ang rule ko sa deal naming ito? Girlfriend niya o utusan? Dapat ko sigurong linawin sa isang iyon kung ano ang tamang iakto ng isang boyfriend sa girlfriend niya kahit na isang deal lang ang pinasok naming dalawa. Kung kailangan niya pala ng utusan ay huwag ako ang piliin niya dahil mas sanay akong nag-uutos kaysa sumunod sa utos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD