chapter 5

2119 Words
Pagkarating ko sa Buencamino Building ay dire-diretso ako pasakay sa private lift papunta sa floor na kinaroroonan ng opisina ni Trey. Mabuti na lang at walang code itong private elevator niya kaya pwedeng gamitin kahit nino basta handa ka lang bugahan ng apoy ng demonyong may-ari. In my case, wala akong pakialam sa kanya at lalong wala akong pakialam sa mga empleyado niyang nagtangkang pigilin ako. Hindi naman nila natuloy ang balak nang tapunan ko sila ng isang nababagot na tingin. Hindi ko alam kung bakit bigla silang namutla at parang tinulos sa kani-kanilang kinatatayuan kaya pasimple ko tuloy pinaraanan ng tingin ang repleksiyon ko sa salaming dingding ng elevator upang matiyak na mukha pa akong tao at hindi isang multo na parang bumangungot sa mga nadaanan kong empleyado. Hindi ako mahilig sa make-up kaya natural ang mamula-mula kong pisngi at malalantik kong pilikmata. Ang dark red lips ko lang ang kulay na angat na angat sa mukha ko at sinadya ko iyon upang madaling tumino sa utak ng kahit na sino ang bawat katagang lumalabas sa mapupula kong mga labi. Hindi rin ako ang klase ng taong laging naka-business attire dahil kaya kong mag-opisina na nakapambahay pero gano'ng awtoridad pa rin ang kaya kong ipadama sa lahat ng mga nakakasalamuha ko. For me, authority over others is not about what you wear but how you act. Me wearing elegant and classy attire and me wearing my pajamas demanded the same authority and air of superiority. Nang bumukas ang sinasakyan kong elevator ay napataas ang kilay ko dahil agad bumungad sa'kin ang secretary at assistant ni Trey na halatang inaabangan ang sinumang lulan ng elevator. Sa unang pagkakataon ay nakita kong may natuwa sa presensiya ko nang mamataan ako ng dalawa kahit na halatang kabado sila. "Where's Trey?" pormal kong tanong sa kanila. "In his office, Miss Garcia. He's waiting for you." Tinanguan ko lang ang assistant na sumagot bago dumiretso sa opisina ni Trey at tulad nang nakagawian ko ay walang katok-katok akong pumasok. "Honey, what took you so long?" Nanigas ako nang bigla ay isang nakangiti at malambing na Trey ang sumalubong sa'kin. Muntik na akong mabuwal mula sa pagkakatayo nang bigla ay mabilis na lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Mabuti na lang at nakayapos sa baywang ko ang isa niyang braso kaya 'di tuluyang bumigay ang mga binti ko dahil sa gulat. "So , this is the girlfriend?" Wala pa sa tamang huwisyong nabaling ang atensiyon ko sa biglang nagsalita. Noon ko lang napansin ang ilang pares ng mga matang nakamasid sa'min ni Trey. "My grandmother is here... together with her new list of women," pabulong na anas ni Trey sa'kin. Kung titingnan ay para lang siyang naglalambing na ginawaran ng halik ang buhok ko. Sinulyapan ko muna ang parang mga kalahok sa beauty pageant na tatlong kababaihan bago tumuon ang atensiyon ko sa isang aristrokatang matanda. I'm not into pleasing anyone at lalong 'di ko alam kung paano pakitunguhan ang isang Lola. "Hello, Mrs. Buencamino... it's nice meeting you," walang emosyon kong bati rito. I just hope that she's a Buencamino! Hindi ko siya kilala dahil walang nabanggit na Lola sa background investigation na ginawa ni Tito Brenon kay Trey Buencamino. Napag-alaman ko lang ang tungkol sa kanya noong binanggit siya ni Trey at ngayon heto't kaharap ko na siya. Bahagyang tumaas ang kilay nito at lantarang pinaraanan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi ako pumasa sa first screening dahil umasim ang mukha nito. Well, who cares? "Why are you wearing heels? You're tall already," komento nito. "But your grandson is taller, that's why," kibit-balikat kong sagot. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Trey sa'king baywang pero 'di ko siya sinulyapan. Walang kurap kong sinalubong ang tingin ng Lola niya. Prente itong nakaupo sa mismong upuan ni Trey habang 'di inaalis ang mga mata sa'kin. "What's your name again?" tanong nito habang binigyan ako ng pailalim na tingin. "Evie Les Gimenez Garcia," 'di natitinag kong sagot. Narinig ko ang malakas nitong palatak bago umismid. "The criminals," nang-uuyam nitong pahayag. Isang ngisi ang gumuhit sa mga labi ko. "Correction, the untouchable criminals," magaan kong pagtatama. "The nerve," nandidilat nitong bulalas. Hindi niya nagustuhan na walang epekto sa'kin ang lantaran niyang pang-iinsulto. Therefore I conclude, the grandmother hates me. "Trey, where did you find this woman?" baling ng matanda sa kanyang apo. "Mamita, this woman has a name," malumanay na sabi ni Trey rito. "Yeah, yeah... Evil— no, it's Evie, right?" tanong nito habang nanghahamong nakatingin sa'kin. "I'm called worse, so Evil is just fine," nakangiti kong sagot. Dumilim ang anyo nito at ipinakita na ang pagkadisgusto sa'kin. "I don't like you for my grandson," deretsahan nitong pahayag. "The feeling is mutual, but my boyfriend can't choose his own relatives, so I'll try to tolerate your affiliation to him." Mas tinamisan ko ang pagkakangiti upang iparating sa kanyang di ako apektado ng iniisip niya tungkol sa'kin. "Oh my God! Is this the woman you choose, Trey? You could have chosen better than her!" "Like these women who are just after the fame and money?" sarkastiko kong tanong. "Oh my gosh! Are you insulting us?" naeeskandalong tanong ng isa sa mga tatlong babae habang iyong dalawa naman ay parang mga inosenting napagbintangan ng krimeng hindi nila ginawa. Pinasadahan ko muna sila ng tingin bago ako umiling. "I'm not insulting you. I'm stating a fact in here and it's up to you how you will take it," paliwanag ko. Parang gusto magtakip ng tainga nang eksaheradong nagsinghapan ang mga ito at halos magkasabay na umapila sa lola ni Trey. "Granny! Do something, this girl is not good for Buencaminos!" "She has no manners and not even that beautiful to be part of your family." "She disrespected you and insulted us. She doesn't deserve Trey!" "That's enough!" putol ni Trey sa pag-iingay ng mga ito. "Mamita, as you can see, my girlfriend didn't like the presence of other women, that's why she's like this," patuloy ni Trey. Gusto kong matawa sa pinagsasabi niya dahil mukhang di niya alam na normal ko ang ganito. Eh kesyo may nagustuhan ako o hindi ay wala iyong kinalaman sa ugali kong walang preno ang bibig. "When are you going to break your relationship with her?" Habang tumatagal ay nagugustuhan ko na ang Lolang ito ni Trey. May pagkakapareho kami ng ugali. Nakataas ang kilay na sinulyapan ko si Trey at hinintay ang sagot niya. Di nakaligtas sa'kin ang pagtagis ng mga ngipin niya bago ipinaskil sa mukha ang isang kaplastikang kung hindi ko alam ang kasunduan namin ay tiyak pati ako malilinlang. "Never, Mamita. I love this woman so much that I can't afford to lose her." Bravo! Gusto kong pumalakpak sa galing ni Trey. Kuhang-kuha niya ang tamang facial expression at maging ang kapani-paniwalang konbeksyon sa boses niya. "God! Does this woman even feel the same to you?" hestirikal na tanong ng matanda. Pasikretong pinisil ni Trey ang baywang ko at inuutusan ako gamit ang mga mata niya sagutin ang tanong ng kanyang lola. "I can't say that I feel the same with your grandson, but... I know that he's special," seryoso kong pahayag. "Of course, he is! You have to prove your worth before I can accept the likes of you," taas noong pahayag nito. Agad naman nagsipagkontra ang tatlong kababaihang hindi pinili pero sinibat lang ito nang matalim na tingin ng matanda ay sabay-sabay ring nagsitahimik. "So, she's the reason why you allow the Garcias in the BG project," napatango-tangong wika ng lola ni Trey na para bang may ibang naisip. "I want her in Isla Buencamino as soon as possible," bigla ay pahayag nito. Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinabi ng matanda. Wala pang schedule ang pagpunta ng team ko sa isla pero mukhang mapapaaga ako at dahil iyon dito sa kaharap kong may balak yata akong ipakain sa pating pagdating sa isla. "May inaasikaso pa po kami—" "I want her on the island tomorrow," pinal na putol nito kay Trey. Walang nagawa si Trey kundi ang tumango na lang bilang pagsang-ayon. Tumaas ang kilay ko dahil mukhang di umobra ang pagiging 'The Devil' niya sa kanyang lola. "And you." Napatuwid ako nang tayo nang bumaling sa'kin ang matanda. "Huwag kang pakampante na ikaw ang girlfriend ay 'di ka na pwedeng palitan," may pagbabanta nitong wika. "I am the best he could ever have so I'm confident about my position," balewala kong sagot. "Let's see about that." Pinanood kong taas noo at kampanteng naglakad ang lola ni Trey palabas ng opisina habang kasunod ang tatlong mga kasama nitong kadalagahan. "I don't like you talking back at my grandmother," may kariinang wika ni Trey pagkasarang-pagkasara ng pintong nilabasan ng lola niya at mga kasama nito. "And I don't like your hands on me, Buencamino," walang kurap kong sagot. Sa halip na tanggalin ang nakalingkis niyang braso sa baywang ko ay hinapit niya pa ako lalo padikit sa katawan niya. "Kailangan mong masanay, Garcia. Pagtapak mo ng Isla Buencamino ay laging ganito ang eksina natin sa harapan ng iba,"nanghahamon niyang sabi. "Dapat ka na rin palang masanay na ganito talaga ako sumagot dahil tuwing kaharap ko ang Lola mo ay 'di ako magpaka-plastic para lang magustuhan niya," nang-uuyam kong wika. Naningkit ang mga mata niyang sinalubong ang matapang kong titig. "For a cold woman, you feel so soft," paanas niyang bulalas. Nangunot ang noo ko kasi 'di ko maintindihan ang pinagsasabi niya. Kumurap ako nang dalawang beses nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin dahil sa mapangahas na paghaplos ng malaya niyang kamay sa likod ko habang mas inilapit sa'kin ang kanyang katawan. This devil! Bakit ko ba nakalimutang babaero rin ang gagong ito? "Feel me, Buencamino. Indulge yourself in the softness that you can touch but you can't have," nanunuya kong sabi at inilingkis pa sa batok niya ang dalawa kong braso upang mas lalong idikit ang sarili sa matigas niyang katawan. Nakita ko ang pagdaan ng kakaibang kislap sa mga mata niya bago niya ito ipinikit nang mariin habang itiningala ang mukha. May kakaiba akong naramdaman sa loob ng katawan ko nang makita ko ang paglabas ng dulo ng dila niya upang basain ang nakaawang niyang mga labi bago niya kinagat ang pang-ibabang labi. Nakatingala pa rin siya at nakapikit habang kagat-kagat ang ibabang labi kaya di ko malinaw na nakikita ang ekspresyon ng buo niyang mukha. Mapag-ubaya naman ang katawan ko nang maramdaman ko ang pagsuporta ng isa niyang palad sa pag-upo ko bago ako pabuhat na idinikit lalo sa kanyang katawan. Naramdaman ko ang bahagya kong pag-angat mula sa sahig pero wala roon ang atensiyon ko kundi ay nandoon sa mas lalong paglakalapat ng mga katawan namin na para bang hinulma kami para sa isa't isa. "I always get everything I touch with my hands," paos ang boses niyang pahayag. Kakaibang init ang dumaan sa batok ko pababa sa kamay niyang mapang-angking nakadakot sa pang-upo ko. Nakadilat na ang mga mata niya habang mapupungay at deretsong nakatutok sa'kin. "Not this time, Buencamino... especially, not me," puno nang determinasyon kong pahayag. "Let's see," paanas niyang sabi habang unti-unting gumuhit ang kakaibang ngiti sa mapupula niyang mga labi. "Are your lipstick waterproof?" Nagtaka ako sa out of nowhere niyang tanong pero nalinawan ang pagtataka ko nang bigla ay walang babalang sinakop ng mga labi niya ang mga labi ko. Sa larangan ng negosyo ay isang kahinaan ang hayagang pagdepensa at sa mundong dinomina ng mga lalaki, kailangan mong makipagsabayan upang 'di ka maapakan at maliitin. Sa halip na maalarma sa biglang panghahalik ni Trey na halatang ginawa niya upang sindakin ako ay iginalaw ko ang mga labi ko ayon sa galaw ng kanya. Nang hulihin ko ang dila niya upang paglaruan ay halatang siya pa ang nasindak sa ginawa ko dahil saglit siyang natigilan kasabay ng isang ungol. Nang gumanti siya ay kusa ring may kumawala na ungol mula sa akin. Ilang saglit lang ay isang paligsahan na ang nangyayari sa pagitan namin. Bawat haplos ng isa ay tatapatan nang mas higit pa basta ang goal ay sino ang unang bibigay at magtangkang higit pa ang gagawin ay siyang talo sa larong ito. Gustong patunayan ni Trey na bibigay ako sa ilalim ng mga halik at haplos niya at kusang hihiling ng higit pa pero ang di niya alam ay siya ang luluhod sa pagkakataong ito. The devil will kneel before me, at ramdam kong malapit na iyon dahil nagiging marahas na bawat haplos niya kasabay nang mabibigat niyang paghinga at nahihibang na mga ungol. Ang problema na lang ay kakayanin ko ba siyang pigilan gayong nagugustuhan ko na rin ang kung anong ginagawa niya sa katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD