chapter 1
"We need this project! Kailangan mapasa-atin ang BG contract," seryosong sabi ni Don Krino sa harapan ng buong board of directors.
Lahat ng mga naroon ay inaakala na simpleng paghahangad ng karagdagang koneksiyon at yaman ang tanging pakay ng Garcia's Empire kaya gusto ni Don Krino na mapasakamay ang BG project maliban kay Evie Les na tahimik na nakikinig sa ama niya.
Ang ama niya pa rin ang CEO ng buong Empire at siya lang ang tumatayong kapalit tuwing wala ito.
Alam na alam niya kung gaano kahalaga sa Daddy niya ang BG project at maging sa buong pamilya nila.
Nakasalalay sa BG project ang natitira nilang pag-asa upang magkaroon ng lead sa pagkawala ng Tita Titz niya na isa sa kambal na kapatid ng kanyang ama.
Huling lead nila sa Tita Titz nila ay ang pagpunta nito sa Isla Beuncamino. Ang isla kung saan itatayo ang pinakamalaking underwater mall o tinaguriang BG project.
Mahigpit sa security ang buong isla at kahit maimpluwensiya ang buong angkan nila ay pahirapan pa rin sa kanila ang pagpasok sa nasabing isla.
Ang Isla Buencamino ay ang tinaguriang hidden paradise ng bansa at tanging piling tao lang ang pwedeng makatapak.
There's a membership and it costs millions of dollars plus a very impressive background.
Tanging prominent people lang ang tinatanggap bilang member at kalakip niyon ang pangangalaga ng privacy ng sinumang nasa loob ng isla.
Bago pa mabaliw ang Tito Brenon niya na isang kilabot na kingpin of Asia at pasabugin ang buong isla ay kailangang mapasok na nila ito.
Ilang beses na nilang sinubukang magpa-member pero ang lintik na sumusuri sa membership application nila ay palagi silang binabagsak.
Laging denied ang application ng kahit na sinong Garcia na labis na ikinagigil ng buong angkan.
Tita Titz is not a member pero inimbita ito ng isang member before siya naglahong bigla.
'Di naman nila ma-trace kung sinong kaibigan ang nag-imbeta sa Tita niya basta ang sigurado ay kompirmadong nakatapak ito sa Isla Buencamino bago tuluyang nawala halos isang taon na ang nakalipas.
Na-background check na nila ang may-ari ng isla at maliban sa pagiging tuso at halimaw nito sa negosyo ay wala na silang ibang nakuhang impormasyon sa lalaking iyon.
Masyadong malinis ang pagkatao nito at 'di nagtitiwala si Tio Brenon niya sa kahit na sinong may malinis na background.
Kung mapasakanila ang BG project ay magkaroon sila ng free access upang makapunta sa Isla Buencamino.
Hahalughugin nila ang buong isla upang mahanap ang kahit na maliit na lead na magtuturo sa kinaroroonan ngayon ng Tita nila.
Konting linaw lang sa kung anong nangyari sa Tita nila ang hanap nila at umaasa silang sa gamit iyon ay malalaman na nila kung nasaan ito.
"Evie, inaasahan kita para sa project na ito."
"Consider it done," malamig at walang kurap na sagot niya sa inatas na tungkulin ng kanyang ama.
Lihim na napainom ng tubig iyong ibang mga naroon na para bang biglang natuyuan sila ng laway.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sanay sa awrang nanggagaling sa panganay na anak ni Don Krino.
'Di nila mawari kung bakit ba sila kinakabahan sa presensiya nito gayong tahimik lang naman ito at nagsasalita lang kung kinakausap.
Isang titig lang nito ay nanginginig na ang tuhod ng mga kaharap.
Laging bumabalik sa isip nila tuwing kaharap nila ang isang Evie Les at kung paano nito hinarap ang mga holdaper noong teenager pa ito.
Ilang linggo ring naging laman ng balita kung paanong walang kakurap-kurap na sinalubong ng isang 13 years old na bata ang mga bala mula sa baril ng isang holdaper bago nito naagaw sa huli ang baril. Kasunod niyon at walang emosyon nitong binaril sa magkabilang hita ang holdaper.
Tulala lahat ng mga nakasaksi sa pagyayaring iyon kaya madaling nadisarmahan ng mga rumispondeng mga pulis ang mga kasamahan ng holdaper na nabaril.
Minsan din ay may investor itong binuhusan ng mainit na kape nang 'di nito nagustuhan ang narinig na salita mula sa bibig ng nasabing investor.
Kahit ang mga nagtatrabaho sa Garcia Empire ay walang kawala sa isang Evie Les.
Nakakakilabot ang pagiging mapagmatyag nito na kahit ang simpleng paghinga ng mga empleyado sa loob ng fifty floors Garcia Empire building ay alam na alam niya kaya konting pagkakamali lang ng kahit na sino ay tiyak mawawalan agad ng trabaho.
Kadalasan nga kahit wala ito sa paligid ay pakiramdam ng lahat ay nakatutok pa rin sa bawat galaw nila ang malalamig na mga mata ni Evie Les.
Kahit na mga stock holders ay walang kakurap-kurap na inaalis nito sa kompanya lalo na at may magawa ang sinuman sa mga ito na labag sa sariling batas ng isang Evie Les.
At iyon ang problema, walang nakakaalam sa batas nito dahil bihira lang naman talaga magsalita ang taong batong si Evie Les o mas tinagurian Ice Queen.
"Evie, tumawag sa'kin si Mr. Dela Cruz," bigla ay muling sabi ni Don Krino sa anak.
Nagkatinginan ang mga naroon.
Kilala nila si Mr. Dela Cruz dahil isa ito sa pinakamalaking investor nila at kalat na sa buong kompanya ang ginawang pagpakaladkad sa security rito ni Evie Les palabas ng Empire building.
Walang emosyong bumaling sa ama ang malalamig na tingin ni Evie Les na ikinabuntong-hininga lang ni Don Krino.
"It's not our loss. Trust me, it's his loss kung mawala siya sa kompanya," malamig nitong sagot.
Iyong mga nasa paligid naman ay 'di na maintindihan ang mga nararamdaman nila.
Pigil nila ang mga hininga habang nakikinig sa usapan ng mag-ama.
"Evie, gano'n pa man ay gusto pa ring malaman ng board kung bakit mo ibinalik ang investment ni Mr. Dela Cruz," napasentidong pahayag ni Don Krino.
Kahit 'di niya sinasabi ay malinaw sa kanyang mukha ang frustration dahil sa desisyon ng anak.
May ugali talaga itong panganay niya na manang-mana sa kanyang nakatatandang kapatid na si Brenon.
Nang bumaling sa buong board ang malalamig at walang emosyong mga mata ni Evie Les ay sabay-sabay na pinagpawisan ang mga ito kahit malamig ang buong conference room.
Hindi naman kasi kailangan pang malaman nila ang rason ni Evie Les dahil kahit Ice Queen iyan ay malaki ang respeto at tiwala nila sa kakayahan nitong magdesisyon para sa kabutihan ng kompanya.
"He was meeting with the Ortigas," simple nitong pahayag. Ang tinutukoy nito ay ang rival company nila na 'di man kasing tagumpay nila ay minsan ding gumamit ng underhand tactics upang maagaw ang ilang projects mula sa kanila.
"Ang ayaw ko sa lahat ay ang makitang nakipagmabutihan ang kahit na sinong pinagkakatiwalaan ko sa kalaban to the point na makipag-date siya sa isa sa mga Ortigas b***h," may diin na pagpapatuloy na paliwanag ni Evie Les.
"Baka naman, nagkataon lang na nagkita sila at hindi date ang nangyari." Si Don Krino pa ang gumawa ng excuse para kay Mr. Dela Cruz.
"Mr. Dela Cruz is a married man so bakit siya pumasok sa isang hotel room kasama ang starlet na anak ng CEO ng Ortigas? It's not just a coincidence, he's planning on betraying us for just a piece of that b***h," walang kurap na sagot ni Evie Les na para bang wala itong masamang sinabi.
"How did you know about that... hindi ba masyado nang private ang mga ganyang bagay para malaman mo?" nakangiwing sabi ni Don Krino.
"Dad, I am Evie Les.... I was born to watch over my Empire and the people around it," matatag na pahayag ni Evie Les. "I'll protect my family and friends but I'll destroy my enemies and their allies. Betray me, and you'll be good as dead," puno ng conviction na dagdag pa nito habang naglalakbay ang malamig na mga mata sa bawat isang naroon.
Damang-dama ng lahat na para sa kanila ang mga katagang binitiwan ni Evie Les.
Lihim silang nagpapasalamat at kapanalig sila nito dahil kung nagkataong nasa kabilang kampo sila ay tiyak tulad ng sinabi nito good as dead na rin sila.
Matapos ang ginawang pagpapaalis kay Mr. Dela Cruz sa kompanya ay bali-balitang nalaman ng asawa nito ang pambababaeng ginagawa nito.
May mga tao ding biglang sumulpot at naniningil ng utang kay Mr. Dela Cruz kaya tiyak kaliwa't kanan na ang problema nito ngayon lalo na at napag-alaman din ng awtoridad ang mga illegal na negosyo nito.
May idea na silang lahat na may kinalaman si Evie Les sa sinapit ni Mr. Dela Cruz kaya mas lalong iniiwasan nilang mapunta sa bad side nito.
She's watching them all, she's not their guardian angel because she's their evil queen so far from being an angel.
========
Five minutes...
Ito iyong pinakamatagal na paghihintay ng isang Evie Les para lang sa isang tao.
Hindi siya sanay na pinaghintay dahil siya ang palaging hinihintay. 'Di halata sa mukha niya ang nararamdaman niyang pagkainip.
Mr. Trey Buencamino.
Masyado kang espesyal para paglaanan ng oras ng isang Evie Les Garcia, pero dahil nakasalalay rito ang isang mahalagang tao sa pamilya Garcia ay palalampasin muna ito ngayon ng Ice Queen.
"Ms. Garcia, handa na po si Mr. Buencamino," anunsiyo ng assistant ni Trey Buencamino.
Kahit pilit na nilalabanan ay halata pa rin ang pangingilag nito sa presensya ng isang Evie Les.
Walang emosyong tumayo si Evie Les at deretsong tinungo ang opisina ni Mr. Buencamino.
Walang katok-katok siyang pumasok at ang paglalampungan ng dalawang tao ang agad bumungad sa kanyang paningin.
Mr. Trey Buecamino and a blonde bimbo are liplocking at di man lang napansin ng mga ito ang presensya niya.
"Excuse me, do I have to wait until you're done or I have to come back later?" malakas niyang tanong na nagpatigil bigla sa mga ito.
"And who are you?" maarteng tanong ng babae na halos kumandong na kay Trey Buencamino.
"Mr. Buencamino...I hope that you remember our appointment," baling ni Evie sa lalaki at di man lang binigyang pansin ang babaeng nagtanong.
Halata agad ang pagkainis at pagkapahiya sa mukha ng babae.
"Why so formal, sweetheart?" nakangiting tanong ng lalaki kay Evie Les sabay patayo sa babaeng nasa kandungan nito.
Umigkas ang kilay ni Evie sa tawag sa kanyang lalaki. Kung sa normal lang na sirkumstansya ay may kalalagyan ang lalaking ito sa kanya pero dahil siya ang may kailangan dito ay muli ay palalampasin niya ito.
Napaparami na yata ang mga napalampas niya. Ganito siya kadesperadong makuha ang BG Project.
Palihim na pinag-aralan ni Evie ang lalaki..., ilang ulit na niyang sinaulo ang background report ng isang ito na isinagawa pa ng pinakamagaling na tauhan ng Tito Brenon niya.
Ito pala sa personal ang binansagang 'The Devil' ng business world.
Maliban sa tangkad nito at malaki katawan ay wala siyang ibang nakikitang nakaka-intimidate sa hitsura nito.
Well, looks can be deceiving... hindi dapat kalimutan ni Evie kung ilang maliliit at papalubog na mga kompanya ang tuluyang nilugmok ng lalaking ito upang maabot ang kasalukuyang estado nito sa larangan ng negosyo.
Nanatiling matatag at nasa tuktok ang D'veloved na siyang kompanya ng lalaking ito dahil sa mararahas at walang simpatiyang mga desisyon nito.
He will destroy everything and step on anything just to reach his goal, and that's to be on the top and own everything under him.
Magkaiba ang landas na tinatahak ng Garcia Empire at D'veloved pero may mga pagkakataong hindi naiiwasan ang pagsasanga ng mga landas nila tulad ngayon.
Hindi lubos maisip ni Evie Les na darating ang araw na ang Garcia Empire mismo ang lalapit sa D'veloved upang ipagpilitang maging bahagi ng isa sa mga proyekto nito.
D'veloved means develop the love pero alam ni Evie na destroy, develop and deal and transaction ng kompanyang ito at hindi katulad ng pilit na ipinapalabas nito sa publiko na binibili nito ang naghihingalong kompanya upang tulungan umangat.
Iyon ang pinakamalaking scam na pinaniniwalaan ng lahat ng mga matitinik na negosyanteng nag-iisip na maisahan nila ang isang Trey Buencamino.
Ang BG project ang masasabi ni Evie Les na isa sa pinakamalaking proyekto ni Trey Buencamino na hindi sakop ng D'veloved.
Ang Isla Buencamino ay masasabing isang family business kahit na tumatayong may-ari si Trey at ito ang nagdedesisyon para sa buong isla. Mga low players lang ang ibang pamilya nito pero alam ni Evie na may 'say' pa rin ang mga ito sa mga desisyong gagawin ni Trey.
Halos hindi umaalis ng isla ang ibang Buencamino kaya wala siyang mapagpipilian kundi ang lumapit dito kay Trey Buencamino na siyang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa harapan nito.
"I read your proposals and I'm impressed. Never in my life na naisip kong darating ang araw na isang Garcia ang lalapit sa'kin." Nangingislap ang mga mata nitong lantarang naglakbay sa kabuuan ni Evie.
Nagtitimping ikinuyom lang ng huli ang mga palad niya at walang ekspresyong sinalubong ang mga titig ni Trey.
"Trey, honey... mamaya ni'yo na lang pag-usapan iyan. May gagawin pa tayo 'di ba?" Bigla ay singit ng malanding boses ng babaeng muntik nang makalimutan ni Evie na kasama pala nila.
Evie is on a mission at ang pinakaayaw niya ay iyong may asungot na umiisturbo sa kanya.
Naningkit ang mga matang itinuon niya ang matalim na titig sa babae.
"Get out," malamig at mariin niyang utos sa babae.
Napahumindig at maang napatitig sa kanya ang babae kahit halatang hindi ito komportable sa titig ni Evie.
"Trey... do something! Ang kapal ng babaeng ito para utusan ako," wari ay paghingi nito ng simpatiya kay Trey na nakapagtatakang parang naaaliw pa habang pinagmasdan ang nangyayari.
"You heard her," kibit-balikat nitong sagot sa babae. "If I were you I would obey her....in case you don't know, she's a Garcia, the Evie Les Garcia," wari'y nanakot pang dagdag nito.
Parang komikal na nanlaki ang mga mata ng babae at biglang namutla.
"B-but you don't look like h-her," utal nitong bulalas habang nakatitig sa walang emosyong mukha ni Evie Les.
"Get out," 'di tumitinag na muling utos niya sa babae.
Ayaw niyang magsayang ng oras sa pakikipag-usap sa mga babaeng puro ganda lang at walang utak!
This time ay walang sali-salitang mabilis agad na lumabas ang babae.
Pagkasara ng pinto ay malakas na bumunghalit nang tawa si Trey.
Nagulat man sa inakto ng lalaki ay mabilis namang naitago iyon ni Evie Les.
Hindi na bago sa kanya ang mga kabaliwang taglay ng mga taong nakakasalamuha niya araw-araw kaya madali niyang natanggap na maging itong kaharap niya ay mayroon ding problema sa pag-iisip.
"That girl was the hardest to get rid of but you just manage it so easily," tuwang-tuwa pa rin nitong pahayag.
Nakaramdam na ng pagkabagot si Evie dahil napapalayo na sa pakay niya ang pinagsasabi ng kaharap niya.
"Mr. Buencamino, I'm here because of the-"
"Yeah, I know," mabilis nitong putol sa sasabihin pa sana niya. "And I also have a proposal for you."
Sumeryoso na itong bumaling sa kanya.
Ngayon ay sigurado na si Evie Les na ang taong kaharap niya ay ang 'The Devil' na at hindi ang Trey na naabutan niyang may kalampungang babae.
"You can have the BG project in one condition..." Hindi masabi ni Evie kung saan nanggaling ang kabang biglang bumundol sa dibdib niya dahil sa mga titig ni Trey Buencamino habang nagsasalita ito. "You will pretend to be my girlfriend to get rid of all the women that my grandmother will send on my way," mariing dagdag nito na bahagyang yumanig sa disposisyon ni Evie Les.
Sa unang pagkakataon ay kakitaan ng emosyon ang mukha ng isang Evie Les.
Nang mapansin niyang matamang nakamasid sa kanya si Trey ay mabilis niyang hinamig ang sarili.
She's Evie Les at wala pa siyang inaatrasang bagay kahit na ang pinaka-ridiculous na proposal na narinig niya buong buhay.
Kung aatras siya at tatanggi ay mawawala ang pagkakataon nilang magkaroon ng linaw ang nangyari at pagkawala ng Tita niya and she's not weak at heart to refuse this nonsense proposal. Kung ito ang tanging paraan upang mapasakanila ang BG project, why not?
"Prepare the contract, my secretary will contact you after my discussion with the board."
Walang kakurap-kurap niyang sinalubong ang mga titig ni Trey habang sinasabi ang naging desisyon.
Isang ngiti ang unti-unting gumuhit sa mga labi ng lalaki bago ito naglahad ng palad.
"It's a deal then," nakangisi nitong pahayag.
Mahigpit siyang nakipagkamay dito.
"It's a deal," malamig niyang pahayag.
Hindi siya ang klase ng taong umaatras sa kahit na ano at sisiw lang sa kanya itong deal with the devil na pinasok niya.
Ano naman ang masamang maaaring mangyari? She's the Ice Queen, she thinks...she can endure anything, even the tricks of the devil.