chapter 3

2001 Words
"I'm not into contracts when it comes to my personal life so there's no legal contract that will bind you to me. Ang tanging panghahawakan ko ay ang salita mo." Hindi ko pinapahalata sa kaharap ko ang kakaiba kong nararamdaman dahil sa mariin niyang paninitig sa'kin. Nakakagulat dahil hindi lahat ng taong nakakaharap ko ay kaya akong bigyan ng ganitong pakiramdam. Sa totoo lang ay ito iyong unang pagkakataon na may nararamdaman ako maliban sa boredom habang may ibang tao akong kaharap at kausap. "We just both hope that you will not backout from your words." Muli ay nabalik ang isip ko sa pinag-uusapan namin dahil sa pagbabantang narinig ko sa boses niya. Noon, kahit na maglabas pa ng baril ang kaharap ko ay hindi natitinag ang disposisyon ko pero konting pagbabanta lang na narinig ko mula kay Trey ay mabilis ang pagbangon ng pagkairita sa loob ko. Nati-trigger ng lalaking ito ang mga emosyong hindi ko kailanman nararamdaman habang kaharap ang ibang tao. Kahit nga sa bahay ay si Florae lang ang kalimitang nagpapalabas sa mga emosyong hindi ko alam na meron ako at pahirapan pa niyang ginawa iyon pero itong si Trey, konting kibot lang niya ay nag-uunahan na ang mga emosyon ko. Once in my life I suspected myself as a psychopath with alexithymia but it's proven wrong by all the series of examinations that I had. My doctors said that I have a sane mind at hindi ako psychopath na hindi nakadama ng emosyon at empathy towards other people, I feel emotions but I just seldom show them because I'm used on keeping everything inside me. The doctors can't find anything wrong with me aside from my being emotionless and I don't want to undergo anymore treatment. This is me! And I'll f*cking trample on anyone who will mock or question my own sanity! They don't know me so they have no right to judge or ridicule me. We are once called a bunch of psychotics and I make it my mission to show the b*stard how can I turn his life upside down. "Take my word and suck it up because I can assure you that if someone will backout from our deal, it's definitely not ME," mahina pero mariin kong sabi sa kaharap ko. Bago pa ako makakuha ng reaksiyon mula sa kanya ay binulabog na kami nang malakas na pagbukas ng pinto nitong opisina niya at pagpasok ng isang babaeng kulang na lang ay maghubad dahil sa kakulangan ng telang suot. Puno nang pag-alala namang nakasunod ang secretary niya na halatang dumanas nang pakipagbuno sa babaeng basta-basta na lang pumasok dahil nagulo ang dating pagkakaayos ng buhok nito na napansin ko nang una akong dumating kanina. I may seems detached from my surroundings all the time but I'm quite observant. "It's okay, Martha," pormal na pag-dismiss ni Trey sa secretary niya. Isang mapagmataas na ngisi ang ibinigay ng babaeng bagong dating sa secretary bago umalis ang huli. I don't like this girl... I don't like her ugly face and her silicon boobs. "Honey, I missed you." Agad itong naglambitin sa leeg ng walang kaemo-emosyong si Trey. And here I thought na ako lang iyong taong laging emotionless pero mukhang nakatagpo ako ng isa pa, patunay ito na talagang normal ako. Hindi naman siguro abnormal itong si Trey, 'di ba? Isang makahulugang tingin ang binigay sa'kin ni Trey bago tinapunan nang bored na tingin ang babaeng halos ikiskis na ang hinaharap sa katawan niya. Don't tell me he's not enjoying it? Hypocrite! Pero dahil tapos na napirmahan ang kontrata ng BG Project ay simula na rin ng bago kong role sa buhay ni Trey Buencamino. "Excuse me," tawag- pansin ko sa babae. Napalatak ako nang hindi man lang ako nito tinapunan nang tingin sa halip ay mas lalo pa nitong pinag-igihan ang pagkapit kay Trey. Masyadong nangangati ang isang ito at gusto na yatang magpakamot. Pero sorry siya, not on my watch! Walang sabi-sabi kong mabilis na hinila ang mahabang buhok ng babae na malakas nitong ikinasigaw sabay bitaw kay Trey. Pabalibag kong binitiwan ang buhok nito kaya sumadsad ito sa sahig at maswerte ito dahil fully carpeted ang buong opisina. Pasimple kong tinanggal sa daliri ko ang ilang hair extension nito na naiwan. Even her hair is fake as expected. "What*t the hell!" malakas nitong mura habang hawak-hawak ang buhok at matalim ang matang tumitig sa'kin. Hindi pa nga nito nagawang tumayo sa sahig ay inuna pa talagang murahin ako. "Kapag tinawag kita dapat mag-respond ka agad dahil maikli iyong pasensiya ko," baliwala kong sagot. "B*tch!!" patili nitong sigaw at mabilis na bumangon mula sa sahig. Pasugod itong lumapit sa'kin pero pasimple kong pinatid ang paa nito kaya nawalan ito ng balanse at muling humalik sa carpet. "Ayoko ring minumura ako." Akmang muli itong babangon nang magsidatingan ang ilang security at inalalayan ang babae sa pagtayo dahil halatang nahihirapan ito dahil sa taas ng takong suot nitong sapatos. Stupid bimbos and their high heels! It takes a woman with substance to wear those killer heels and this girl is a total opposite of that woman. "Trey! They're harassing me!" hingi nito nang saklolo kay Trey na walang emosyong pinagmamasdan ang buong pagyayari. "Hindi ako nagreklamo nang ako iyong hina-harass mo." "What?" Tltila gulong-gulong tanong nito dahil sa sagot ni Trey. Kahit ako ay gustong mapa-what katulad nito. Isang Trey Buencamino experienced harassment from a woman? "Hiedi, what you've done to me in the past was called harassment because as you can see I have a girlfriend here." Ramdam ko ang paninigas nang pumulupot sa baywang ko ang matipunong braso ni Trey. Did I just said 'matipuno'? The f*ck!! "G-girlfriend??! But...but you told me you never do girlfriends!" parang maiiyak nitong sumbat kay Trey. Nawala yata amg pagiging palaban nito. Trey don't do girlfriends but he definitely do women, he's a womanizer after all. "I just said that to have my way." Unti-unting napalitan ng galit ang emosyong nasa mukha ng babae. "You b*stard! You'll pay for this Trey! You will both pay for this!" Nanggagalaiti nitong sigaw bago pa ito tuluyang nakaladkad ng mga guard palabas. Is she threatening me? I don't feel threatened, she could do it better next time. "Good job girlfriend," bulong ni Trey sa tainga ko habang mas pumulupot sa'kin ang braso niya. "Just a bit overkill but I love it anyway." Nang muli akong kumurap ay nakalayo na siya sa'kin at bumalik na ang blangkong ekspresyon sa mukha niya. "My people are already checking the credentials of the workers who will be going to Isla Buencamino. And you will get the result tomorrow," pormal nitong sabi na para bang walang nangyari kani-kanina lang. Kuyom ang kamao habang isang aral na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Nakita kong bahagya siyang natigilan at saglit na napatunganga sa mukha ko pero mabilis din agad siyang nag-iwas ng tingin. Isang tikhim ang ginawa niya bago ako tinalikuran at humarap sa glass window kung saan ay kitang-kita ang buong s'yudad sa labas. "My secretay will call you after everything will be ready in Isla Buencamino," saad nito bilang pagtatapos sa usapan namin ngayong araw nang hindi man lang tumitingin sa'kin dahil mukhang mas interesante ang kung anong tinatanaw niya aa labas ng glass window. The devil huh! Being a jerk suit him too. "Good day, Mr. Buencamino, I'm looking forward on working with you," nagtagis ang bagang kong pahayag. Isang kumpas lang ng kamay ang sinagot niya at iyon na rin ang dismissal kong nakuha mula sa kanya, ni hindi man lang lumingon ang gago! Ayaw kong ipakitang apektado ako kaya tahimik akong lumabas ay pigil na pigil na ibagsak pabalibag ang pinto. Huminga ako nang malalim nang tuluyan akong makalabas upang pakalmahin ang sarili ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay namumutlang mukha ng secretary ni Trey ang una kong nakita. Nakatayo ito di kalayuan sa'kin habang hawak-hawak ang ilang folders at parang namalignong nakatitig— sa'kin? May kailangan ba siya? O baka nakaharang ako sa dadaanan niya, mukha kasing iyong naiwan kong gago sa loob ang pakay niya. Isang malakas na pagbuga ng hangin ang ginawa ko kasabay nang pagkahulog sa sahig ng lahat ng mga bitbit nito. Weird, masyadong clumsy ang babaeng ito... paanong naging secretary ito ng isang Trey Buencamino? Nang magsimula akong maglakad sa dereksiyon nito ay bahagyang gumiwang ang pagkakatayo nito na para bang anumang oras ay mabubuwal ito. May sakit ba ang isang ito? Hindi ko ito empleyado para maging obligasyon kaya nilampasan ko lang ito at tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa elavator pababa sa building na ito. I feel suffocated while staying longer in one building with the so called the devil s***h the jerk! Bago sumara ang pinasukan kong elevator ay nasilip ko pang nasa ganoong posisyon pa rin iyong secretary at hindi pa rin nito nagawang pulutin ang mga nabitiwan nitong gamit. What makes her froze? Wala ba itong balak, gumalaw? Siguro ay pinahihirapan ni Trey ang mga empleyado niya kaya halatang may dinaramdam iyong secretary niya. Nang makalabas ako sa reception area ng building ay agad akong sinalubong ng assistant ko. "Tumawag po si Sir Brenon, tawagan ni'yo po daw siya ASAP." Tinanggap ko ang inabot niyang cellphone at hinanap ang number ni Tito. " What's my schedule after this?" tanong ko habang malalaki ang hakbang na tinungo ang exit at nag-type ng message para kay Tito sa halip na tawagan ito. Mabilis namang umagapay sa paglalakad ko si Bianca habang tinitingnan ang itinerary ko sa hawak niyang tablet. "You have lunch meeting with Ms. Kylie Garcia." Saglit akong napahinto sa paglalakad at tiningnan si Bianca. "Wala naman aigurong ibang Kylie Garcia sa mundo kundi iyong pinsan ko na anak ni Tito Brenon, 'di ba?" naningkit ang mga mata kong tanong. "Y-yes Ma'am," medyo nautal pang sagot nito. "Cancel that," pabalewala kong sagot at muling itinuloy ang paglalakad hanggang sa tuluyan kaming nakalabas ng D'veloved. "You have two o'clock appointment with Ms. Kylie Gar–" "Cancel," mabilis kong putol sa kanya. Sigurado akong isa lang ang dahilan ni Kylie kung bakit gusto nitong makipagkita sa'kin. Ni minsan ay hindi pa nagkusang lumait sa'kin ang babaeng iyon pero dahil gisto nitong makapasok sa Isa Buencamino ay ginugulo ako nito nitong mga nakaraang araw "Three o'clock ni'yo po is Ms. Kylie Gar–" "Next!" "Ma'am... buong maghapon ni'yo po at hanggang dinner ay naka-schedule po kay Ms Kylie Garcia," kabadong pagbabalita sa'kin ni Bianca. "Talaga bang free ang buong maghapon ko at biglang nakasingit ang babaeng iyon aa schedule ko?" nagdududa kong tanong. "Actually po, ay naka-set na dapat iyong appointment ni'yo sa ibang mga tao p-pero lahat po sila ay biglang nag-cancel-an at iginiit na ibigay ko kay Ms. Kylie ang allotted time nila." Salubong ang kilay na napabuga ako ng hangin dahil sa narinig ko mula kay Bianca. Sigurado akong kagagawan ni Kylie ang pag-atrasan bigla ng mga ka-appointment ko dapat. Ano ba kasi ang meron sa Isla Buencamino at atat makapasok doon ang babaeng iyon? Maliban sa tanyag itong private island getaway ng mga sikat na tao inside at outside the country ay wala na itong kaibahan sa Boracay at sa ibang islands in Visayas na sikat sa white sand beaches. Ngayon lang yata magkakaroon ng isang worth visiting site ang isla dahil sa isang underwater mall na itatayo. "Call Kylie, tell her to meet me at home. Ayokong makipagkita sa kanya kung saan-saan dahil tiyak magdadala na naman ng goons ang babaeng iyon." "Yes, Ma'am." "After that, you can go home. Magkita na lang tayo sa opisina bukas." "Thank you po." Isang tango lang ang sinagot ko sa assistant ko bago lumapit sa sasakyang minamaneho ng driver ko na kakahinto lang sa harapan namin. "Sa bahay tayo." Pagod akong napapikit matapos umayos nang upo at maramdaman ang pag-usad ng sinasakyan ko. Parang tukso namang lumitaw sa balintataw ko ang aroganteng mukha ni Trey kay mabilis akong napadilat. What's happening? Bakit ginagambala ng bwesit na iyon ang pamamahinga ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD