chapter 2

2254 Words
Matapos marinig ang proposal ni Trey at matiyak ang pagpayag niya sa proposal namin for the BG project ay agad akong nagpatawag ng emergency meeting sa board members and directors kasali ang ilang senior share holders ng kompanya. Maging si Tito Brenon at Tito Totz ay present sa nasabing meeting. Hindi ko alam kung bakit parang masama yata ang pakiramdam ng mga pinatawag ko for this emergency meeting. Kapansin-pansin ang paninigas ng mga ito sa kanilang mga kinauupuan at may ibang pinagpapawisan pa sa kabila nang malakas na aircon. Tuwing may makakasalubong akong ng tingin ay mabilis na nag-iwas ang kahit na sino sa mga kaharap ko sa conference table. "Huwag masyadong intense ang paninitig," pabulong na sabi sa'kin ni Florae. Isa rin pala sa mga narito ang babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit nandito ang isang ito dahil kalimitan ay hindi naman ito nakikialam sa mga pangyayari sa kompanya. Matapos tumigil sa showbiz at magpakasal doon sa artistang si Rave at mag-anak nang mag-anak taon-taon ay ito ang unang beses na dumalo sa meeting ng kompanya ang babaeng ito. "Nananakot ka na naman ... malayo pa ang undas," muli ay mahina nitong bulong sa'kin at sinadya pang ilapit sa'kin ang upuan nito upang madali akong mabulungan. Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi ng kapatid kong ito kaya lalong nangunot ang noo ko. Isang malakas na tikhim ang umagaw sa pansin ko mula kay Florae na eksaherado pa talagang napabuga ng hangin nang mawala sa kanya ang atensiyon ko at nabaling kay Tito Brenon na siyang tumikhim. "Muntik na akong magka-frostbites doon ah," bumulung-bulong pang sabi Florae pero hindi ko masyadong naintindihan dahil napakahina at medyo lumayo pa talaga siya nang konti sa'kin. Naaalibadbaran na ako sa likot ng babaeng ito. Bakit ba ito pa ang naging katabi ko? "So, kailan daw ang official signing of contract for the BG Project?" Tanong ni Tito Brenon habang nire-review ang kontratang nakatakda naming ibigay kay Trey Buencamino. "Anytime na ma-finalize na ang kontratang ipapasa natin," pormal kong sagot. "These are all good to go," tumango-tangong pahayag ni Tito habang nasa kontrata pa rin ang mga mata . "Wala naman siguro kayong nakitang problema dito sa mga nakasaad sa kontrata, 'di ba?" Bigla nitong baling sa panig ng board of directors na sabay-sabay na napalunok at mabilis na nagsiiling. Naningkit ang mga mata kong napatitig sa mga ito. Nagtataka ako kung anong mga problema ng mga ito at kakaiba yata ang disposisyon nila kaysa normal. Given na lagi silang magugulatin at aligaga everytime na kaharap nila ako pero trumiple yata ngayon. "This meeting is adjourned kung wala na kayong mga katanungan." Pagkatapos na pagkatapos nang pahayag na iyon ni Daddy ay halos iisang taong nagsitayuan ang mga board member at halos mag-agawan pa sa pintuan kung sino ang dapat na maunang lumabas. 'Di ko alam kung mayayamot ba ako o matatawa nang halos pinagkasya ni Mr. Cruz at Mr. Avena ang malalaki nilang tiyan nang magkagitgitan sila sa paglabas ng pintuan. Segundo lang ang binilang nang bigla ay kami-kami na lang mga Garcia ang naiwan sa loob ng conference room. Napatanga sina Tito Totz at Tito Brenon maging si Daddy sa inakto ng board members at nahimasmasan lang ang mga ito nang biglang bumunghalit nang malakas na tawa si Florae at may pahampas-hampas pa sa mesa. Mukhang sa aming mga narito ay ito lang ang nakakaintindi sa inakto ng board members ng kompanya. "Pupusta ako, may lalagnatin sa mga iyon!" tumatawa pa rin nitong pahayag. "At bakit?" nagtataka kong tanong. "Imagine, natatakot sila sa mala-frozen mong awra at halos mahimatay sila sa sindak sa matalim na titig ni Tito Brenon!" Tuwang-tuwa talaga ito sa mga pangyayari. "Bakit ka ba nandito? Sinong nag-aalaga kay Maddie?" Sunud-sunod kong tanong sa kapatid ko. Sinadya kong ibahin ang usapan dahil naiirita ako sa tawa nito. Si Maddie ay ang ikatlo nitong anak at kasalukuyang bunso. Hindi pa siguradong ito na nga ang panghuli nilang anak ni Rave dahil sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay taon-taon nagbubuntis ang babaeng ito. Two months pa lang si Maddie at one year old pa lang ang nasundan nito habang 2 years old naman iyong panganay nila at hindi na ako magugulat kung ilang buwan mula ngayon ay ibabalita nitong buntis na naman ito. "Iyong Daddy niya," proud nitong sagot na nagpataas sa kilay ko. "Kasama ko sila papunta rito. Iniwan ko si Rave sa opisina ni Daddy kasama iyong mga anak namin," paglilinaw nito. Bilib din ako sa Rave na iyon. Mas maalam pa itong mag-alaga ng bata kaysa rito sa kapatid kong mas lalong tumigas ang ulo nang makapag-asawa dahil mas lalong ini-spoil nito. Mas mature pa nga kumilos iyong panganay nila kaysa rito sa babaeng ito kahit 2 years old pa lang iyong bata. "Puntahan mo na iyong mag-ama mo, balita ko crush iyon ng bagong assistant secretary ni Dad—" 'Di ko pa natapos ang sasabihin ko ay mabilis na narating ni Florae ang pintuan. "Adios, family, ililigtas ko muna ang asawa ko sa kuko ng ibang babae."Di pa kami nakahuma ay sumara na ang pintuang nilabasan ni Florae. "Hindi naman siguro maaagaw ng forty-five years old kong Assistant Secretary iyong si Rave," kunot-noong saad ni Daddy. Natatawang umiling-iling lang sina Tito Totz at Tito Brenon. "Hindi naman niya alam iyon," kibitbalikat kong pahayag. "Well, let's discuss our plan." Bigla ay naging seryoso ang athmosphere dahil sa pahayag ni Tito Totz. "Sa limang daan na mga trabahanteng ipapadala sa Isla Buencamino ay 50% sa mga iyon ay mga tauhan ko," panimula ni Tito Brenon. "Heto iyong pinagbabawal na ipasok sa Isla Buencamino." Isang may kakapalang folder ang inilahad ni Tito Totz sa harapan namin. " I heard na mahigpit ang security ng buong isla kaya mahihirapan tayong magpuslit ng mga armas," dagdag pa nito at panibagong folder ang inilapag. Laman niyon ay files ng iilang mga security personnel ng isla. "Sinong simpleng negosyante ang nag-hire ng mga ex-military as security personnels ? Para na nga siyang may private army sa lagay na ito!" nagtagis ang ngiping bulalas ni Tito Brenon habang inisa-isa ang mga impormasyong nasa folder. "Habang nasa loob ng isla ay mawawalan ng contact ang mga tauhan natin sa mga nandito sa labas at confiscated lahat ng mga gadgets na ipapasok at naka-wiretap sa security control ng buong isla ang anumang communication device na sila mismo ang magbibigay kapalit ng confiscated gadget na pagmamay-ari mo. The whole island is designed to jam unauthorized signals," mahabang pahayag ni Tito Totz "Very fishy, right?" dagdag pa nitong saad habang lumipat sa isang folder ang atensiyon. "Magdududa sila kung si Kuya Brenon ang hahawak ng project na ito dahil it's a common knowledge that he's not an official part of Garcia Empire so I suggest that I'll personally oversee this one," wika ni Daddy. Matanan akong napatitig sa pahayag ni Daddy. Walang kasiguruhan ang takbo ng mga maaaring mangyari habang nasa isla ang mga tauhan namin at wala akong planong ipagsapalaran ang kaligtasan ni Daddy. Tita Titz is missing and I won't allow it if same thing will happen to any of the remaining Garcias. "I'll handle this project, Dad," presenta ko Kunot-noong bumaling sa'kin ang atensiyon ni Daddy. "It's part of the deal," pagsisinungaling ko. Hindi naman siguro kokontra si Trey kung ako mismo ang personal na mamahala sa BG Project dahil oras na mapirmahan ang kontrata ay simula na rin ng pagiging usapan namin. "Damn that bastard!" malutong na mura ni Tito Brenon. "Oras na malaman kong may kinalaman ang hayop na iyon sa anumang nangyari kay Titz ay buburahin ko sa mundo ang apelyidong Buencamino! Huwag niyang ipagmalaki sa'kin ang pagiging old money nila sa Visayas region dahil hindi sila sasantuhin ng mga bala ng baril ko!" Nag-iigtingan na ang mga ngipin ni Tito at halos nalukot na ang hawak nitong folder. "Relax, Kuya, I can feel it... Titz is just somewhere. Hindi ko nga lang masabi na nasa mabuting kalagayan siya but as her twin my instinct is telling me that she's alive." Mahinahon ang pagkakasabi ni Tito Totz pero may namumuong delubyo sa paraan ng pagkatitig niya sa kawalan. "Iyan na lang ang pinanghahawakan ko ngayon kaya hindi tuluyang nagdilim ang paningin ko at tuluyang alisin sa mapa ang Isla Buencamino." Tila pagod na pagod na napasandal si Tito Brenon sa kinauupuan niya at napahilot sa sariling noo. Sa loob ng ilang buwan ay halos wala na kaming pahingang lahat sa paghahanap ng lead sa kinaroroonan ni Tita Titz kaya naiintindihan ko si Tito. "I'll go first," bigla ay pamamaalam ni Tito Totz sabay tayo. "I'll talk to your people, I just hope that I'm as intimidating as you." Bumaling ito kay Tito Brenon. Nitong mga nakaraang araw ay si Tito Totz na ang laging humaharap sa mga tauhan ni Tito Brenon dahil paikli na nang paikli ang pasensiya no'ng huli kaya konting mali lang ay bigla-bigla na lang ito namamaril at para maiwasang maubos ang mga tauhan nito ay nagboluntaryo si Tito Totz na pansamantalang humalili rito tuwing iyong tungkol sa paghahanap kay Tira Titz ang pinag-uusapan. Si Kylie ang kasalukuyang namamahala sa buong organisasyon ni Tito Brenon at masasabi kong she's doing a great job dahil hindi pa naman nabulilyaso ang mga illegal transactions nila. "Isama mo si Kylie," pahabol ni Tito Brenon sa papaalis na si Tito Totz. Biglang huminto sa paglalakad si Tito Totz at mabilis na bumalik. "Kuya, maawa ka naman sa'kin. Gagawin mo pa akong pang-my day ng anak mong iyon. Simula nang naging laman ako ng timeline niya ilang araw na ang nakaraan ay dumoble yata ang mga babaeng umaali-aligid sa'kin at kinikilabutan ako sa mga titig nila." Para talagang sira si Tito Totz na nangasim pa ang mukha na parang may pangyayaring naalala habang nagmamakaawa kay Tito Brenon. "You know, Totz, I'm your brother. Tanggap kita kahit ano ka pa so there's no need to hide it." Seryosong tumitig sa kanya si Tito Brenon habang tahimik namang napahalukipkip si Daddy at inaabangan ang isasagot ng bunso nila. "What do you mean?" Gulong-gulong nagpalipat-lipat ng tingin si Tito Totz sa dalawa niyang nakatatandang kapatid. Isang ngisi ang gumuhit sa labi ko nang maintindihan ang pinupunto ni Tito Brenon. "You don't like girls and I never remember that you had a girlfriend before so—" "I'm not gay," lukot ang mukhang putol ni Tito Totz sa pahayag ni Daddy. Di naniniwalang nagkatinginan sina Daddy at Tito Brenon. "Stop it, brothers, seriously? Ayaw ko lang ng makukulit na mga babae at wala lang girlfriend ay bakla na agad?" Natatawang patuloy ni Tito Totz. "We won't mind," nagkibbit-balikat na saad ni Tito Brenon. "But I do because I'm not into men, okay? Huwag ni'yo nga ako igaya sa inyo na mga babaero bago nakapag-asawa," buwelta ni Tito Totz. "Look at Evie Les, wala siyang boyfriend so ibig sabihin din ba no'n ay tibo siya?" nanghahamon na tanong nito sa dalawang kapatid. "Who told you that I don't have a boyfriend," walang kakurap-kurap kong pahayag. Awang ang bibig na sabay-sabay na nabaling sa'kin ang mga tingin nilang tatlo. "You have??!" Sabay-sabay nilang tanong. "Yes," maikli kong sagot bago maingat na tumayo at isinalansan ang mga papeles na papipirmahan ko kay Trey. "Sino??!" Muli ay sabay-sabay na namang nagtanong ang mga ito. Tumigil muna ako sa pag-aayos ng mga papeles bago tumitig nang mataman sa kanilang tatlo. Anong magiging reaksiyon nila kong sasabihin ko na ang tinuturing nilang kalaban na si Trey Buencamino ang boyfriend ko? Ayoko namang may ibang makakaalam ng kasunduan namin ni Trey dahil ayokong magmukhang desperada sa paningin ng kahit na sino. I'm always composed and reserved in any situation at ayokong may ibang nakaalam na minsan ay pumasok sa isang kasunduan si Evie Les Garcia, kasunduang walang katuturan, para lang makuha ang isang project. "That's a secret for now." Maging sa pandinig ko ay napakalamig nang pagkakasabi ko kaya di na ako nagulat nang parang nangaligkig pa talaga si Tito Tots. "Sana all~" parang wala sa sarili nitong bulalas. Hindi ko na hinintay na makabawi sa pagkagulat sina Daddy at Tito Brenon at tuluyan na akong naglakad palabas ng conference room dala-dala ang kontratang ibibigay ko kay Trey bukas. Starting tomorrow, I'll be playing my new role as Trey Buencamino's pretend girlfriend. Gaano ba ka-persistent ang Lola niya sa pagbugaw sa kanya sa iba't ibang babae para maisipan niyang makipagsundo sa'kin para sa isang katawa-tawang kasunduan. Well, he found the right person for the job. Bago ko mapalayas lahat ng mga babaeng umaali-aligid sa kanya ay sisiguraduhin kong matatagpuan na namin si Tita Titz. Nangunot ang noo ko at may pagrerebelde akong nararamdaman nang maalala ang pakipaghalikan niya sa opisina na nasaksihan ko pa talaga. Iyon ba ang normal na reaksiyon ng isang lalaking ayaw magpatali sa kahit na sinong babaeng pinapadala sa direksiyon niya ng Lola niya? Para namang nag-eenjoy siya sa ginagawa nila ng babaeng iyin so bakit bigla-bigla ay kailangan niya ang partisipasyon ko? Kailangan ko yata ng ibayong pag-iingat at baka may ibang binabalak ang lalaking iyon. Pero kung anuman iyon ay sinisiguro kong hindi siya magtatagumpay. Isa akong Garcia at dapat matutunan niya kung ano ang kahulugan ng pangalan ko! My name Evie was derive from latin name of Eva at si Eva ang nag-udyok kay Adan upang kumagat ng pinagbabawal na prutas. Ano naman ang kaibahan ni Trey kay Adan? Siya man ang gumawa ng kasunduan pero sa bandang huli ay ako pa rin ang tuksong susubok sa kanyang katatagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD