Saglit lang iyong tulog ko pero gumaan na iyong pakiramdam ko nang bumama ako. Wala si Trey sa bahay nang magtanong ako sa naabutang katulong sa baba. Dumating na rin iyong nurse ko kaya naisip ko na nasa trabaho si Trey. May kaunting dismaya akong naramdaman pero mabilis kong pinaalis. Hindi naman kasi pwedeng katulad kahapon na hindi siya pupunta sa opisina para samahan ako rito. Hindi ibig sabihin na gusto niya ako ay ia-adjust niya ang sariling schedule para sa'kin. Hindi ko pa lubusang nakumbinsi ang sarili na okay lang ang gano'n nang bumukas ang front door. Natigilan ako sa akmang pagbalik sana sa itaas at napalingon sa direksiyon nito. Napatuwid ako sa pagkakatayo nang makita ko si Trey na papasok. Wala sa sariling napahawak ako sa handrail ng hagdan habang walang kagalaw-