Saglit akong nanatiling nakatayo sa labas ng silid kung saan ko iniwan si Evie. Tumiim ang anyo kong napatitig sa kawalan habang binalikan ang mga nangyari kanina lang. Hindi ko mapigilang mangamba sa posibilidad na malala ang tinamong injury ni Evie taliwas sa una naming inakala. Nakampante ako no'ng lumabas sa results ng mga test niya na wala kaming dapat ipag-alala pero sa nasaksihan ko kanina sa kinikilos niya ay may umusbong na takot sa loob. Malinaw ko pang naalala ang desperasyong lumarawan sa mukha niya at ang pumalit na kabiguan doon matapos mapagtantong mali ang inakala niya. Hindi nababagay sa kanya ang mga emosyong iyon. Na-curious ako dati sa magiging ekspresyon sa magandang mukha ni Evie kung hindi siya magpipigil ng emosyon, pero hindi naging maganda sa pakiramdam ko an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books