Hindi yata kinaya ng matanda ang pagmamatigas ni Trey dahil galit itong tumalikod at nag-walkout. Naiwan nga nito ang hindi agad nakabawi sa gulat na si Letecia. Mukhang drama lang pala ng matanda iyong kaninang muntikan na nitong pagkatumba. Napansin sigurong walang epekto kay Trey kahit na anong gawin at sabihin niya kaya ayon biglang nag-walk out. "Trey, can you please reconsider?" umaasa pa ring pakiusap ni Letecia kay Trey. "No," maikli pero direktang tanggi ni Trey. "Umalis ka na, Letecia, wala nang makapagpabago pa sa desisyon ko." Ano bang akala ng babaeng ito na magagawa niyang kumbinsihin si Trey gayong hindi nga iyon nagawa no'ng lola. Bagsak ang balikat na umalis si Letecia at sumunod kay Madam Bella. Naiwan kaming dalawa ni Trey na binalot ng katahimikan. Ako tahimik l