Kahit may hinire na nurse si Trey upang mag-alaga sa'kin ay on-hands pa rin talaga siya at pinangatawanan ang pagiging volunteer. Mukhang ini-enjoy niya pa nga ang kahit na simpleng pagkuha ng tubig para sa'kin. Talo ko pa ang biglang naging imbalido. Hindi ko pa man sinasabi ay alam na agad niya kung ano ang kailangan ko. Nagising na rin si Devine at nakausap ko na. Nabawasan na ang pag-alala nito sa kalagayan ko kaya bumalik na ito sa tinutuluyan ng mga empleyado rito sa isla. "Ako na muna ang bahala sa trabaho mo," wika ni Lecia na nagpabalik sa isip ko sa kasalukuyan. Nandito ito ngayon sa villa ni Trey upang ihatid ang ilan sa mga gamit ko. Hindi ko na pinadala lahat dahil babalik naman ako roon. Pinagbigyan ko lang ngayon ang kagustuhan ni Trey. Ayaw ko na ring dagdagan ang pa