chapter 52

1565 Words

Sa huli ay nakumbinsi ko rin ang mga kapatid ko at pinsan na magpahinga na kahit hindi pa bumabalik si Trey. Meron naman palang nurse na titingin-tingin sa'kin. Pumasok kasi ito habang nag-uusap-usap kami upang i-check ang pagkaka-bondage ng sugat ko at painumin ako ng gamot. Medyo pagod din ako kaya mabilis akong nakatulog ulit. Nang muli akong magising ay lalo yatang bumigat ang ulo ko at mas ramdam ko ngayon iyong parang pumipitik na sakit sa sintido ko. Hindi ko masabi kung ang nararamdaman kong sakit sa ulo ay dahil sa sugat ko roon o dahil sa nainom ko kagabi. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Maingat akong lumingon sa pinanggalingan ng boses ni Trey. Nanatili pa rin akong nakahiga dahil pinapakiramdaman ko pa ang sarili kong katawan. "Nahihilo ka ba?" tanong niya ulit. Kumuno

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD