chapter 45

1500 Words

Pabuntonghininga kong ibinaba ang nangalahating baso ng iniinom kong alak. Tulad nga nang sinabi kanina ni Devine ay nandito kami sa isa sa mga bar dito sa isla. Pasimple kong sinulyapan ang oras sa suot kong relos. Halos mag-iisang oras na pala simula nang dumating kami rito sa bar. Ilan lang naman ito sa mga nakahilerang bar sa bahaging ito ng isla pero dito namin napili dahil ito iyong hindi gano'n karami ang tao. Pero medyo matao pa rin talaga para sa taste ko. O baka nanibago lang ako dahil sobrang tagal na rin simula no'ng nakatapak ako sa ganitong lugar. Wala pang asawa no'ng mga panahong iyon si Florae at ang kapatid kong iyon naman talaga ang dahilan kung bakit napapadpad ako sa mga pinuntahan nitong bar. Mula sa kinauupuan dito sa bar counter ay napadako ang tingin ko sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD