"Lawrence, may napili na akong table." Napahigpit bigla ang pagkakahawak ko sa baso ng alak nang marinig ang pamilyar na boses ni Trey na kumausap bigla kay Lawrence. Hindi naman gano'n kaliit itong lugar at may itaas na bahagi pa pero bakit parang ang sikip na nito ngayon para sa aming apat? Sa sulok ng mga mata ko ay napansin ko ang pag-awang ng bibig ni Devine habang napatingin sa direksiyon nang nagsasalita. Mula roon ay mabagal na lumipat sa'kin ang tingin nito at parang sinasabing nariyan ang boyfriend ko. Kami lang yata iyong magkasintahan na mukhang magkagulatan pa dahil aksidenteng nagtagpo sa gimikan. Hindi naman kasi namin napag-usapan na kailangan naming i-update ang isa't isa sa mga plano naming lakad. Ngayon ko lang naisip na kaya siguro kailangang may update sa isa't i