Umalis na kami sa coffeeshop ni Trey nang tumawag sa'kin si Lecia upang ipaalam na pwede nang bumalik sa hotel sina Fhel at Kylie. Sa security office na rin kami naghiwalay ni Trey dahil kailangan pa nitong kausapin si Lawrence tungkol sa ilang mga bagay. Hindi ko na iyon pinagtuonan nang pansin dahil gusto ko nang makausap sina Fhel at Kylie nang walang ibang nakikinig. Mula sa security office at diretso kaming bumalik sa Guest House. Sinenaysan ko ang dalawang sumunod sa'kin sa silid ko. Hinayaan ko na lang ding sumama pati si Lecia. Pagkapasok namin sa silid ko ay agad kong hinarap ang dalawa. "Sino si Andrie Drillon?" seryoso kong tanong. Alam kong naintindihan nila na gusto kong malaman kung paano nila nakilala ang taong iyon at ano ang koneksiyon nito sa kanila. "Minsan namin