Huminga ako nang malalim bago marahas na bumuga ng hangin upang kahit mabawasan ang frustration na nararamdaman ko. Habang tumatagal ay paikli na nang paikli ang pasensya ko kay Bella Buencamino. Kung nagkataong hindi ito lola ni Trey ay hindi na ako magpipigil. "Evie! Pauwi ka na?" Napaayos ako sa pagkakatayo nang marinig ang boses ni Devine. "May dadaluhan pa akong meeting," sagot ko habang tinapunan nang tingin ang hanay ng mga golf buggy na naghihintay sa mga guest galing sa event na pinanggalingan ko. "Saan?" nakangiting tanong ni Devine. Tuluyan na itong nakalapit sa'kin. Mukhang tulad ko ay paalis na rin ito. Hula ko ay hindi ito kasali sa ilang security personnel na magpapaiwan sa venue hanggang sa tuluyang maligpit ang mga kalat na naiwan ng event. "May inilaan na office