Matapos akong idaan ni Devine sa pupuntahan ko ay sumalubong agad sa'kin si Bianca at ang ilang mga papeles na hiningi ko sa kanya no'ng nakaraan. Huminga muna ako nang malalim dahil kailangan kong mag-focus sa BG Project ngayon. Sisimulan na ang underwater excavation ilang oras mula ngayon. Kasabay niyon ay ang ang pagsagawa ng pre-made foundation ng mall. Magiging abala ang mga trabahante namin, at dahil marami sa kanila ay may ibang trabahong dapat unahin ay alam kong magiging mahirap ang magaganap na construction. Kailangan talagang matapos na ang paghahanap kay Tita Titz para sa ikabubuti ng lahat pati ng mga empleyado namin. Naging mabilis lang ang naganap na meeting. Nandito ang pinakamagaling naming mga engineer at mga trabahante kaya kahit papaano ay naging panatag ako. Ngay