Pasimple kong sinusundan nang tingin si Luis Buencamino sa buong durasyon ng ceremony. Maging ang mga taong kinakausap nito ay pasimple kong tinatandaan. Isang salo-salo ang naghihintay sa lahat pagkatapos ng pormal na bahagi ng ceremony. Dumalo ang halos lahat ng mga Buencamino sa naganap na ceremony. Naipakilala sa'kin ang mga lokal na namamahala sa lungsod na kinabilangan ng Isla Buencamino. Imbitado sa ceremony ang halos lahat ng mga matataas na opisyales ng lungsod at maging ang iilang matatas na tao sa kongreso. Karamihan sa mga ito ay halatang unang beses na nakatuntong sa isla dahil kababakasan nang pagkamangha ang mga mukha ng mga ito. "Ate Evie," tawag sa'kin ni Lecia na kumuha sa atensiyon ko mula sa pagtanaw sa ilang mga kilalang taong nasa iisang mesa kasama si Luis Bue