"May mga empleyado ka naman, Trey, na pwede mong utusan upang sumama riyan sa girlfriend mo," suhestiyon ni Bella sa kanyang apo. Medyo may kataliman ang pagsambit nito sa salitang girlfriend na para mapakla iyon sa panlasa nito. "It's okay, Trey," sansala ko sa akmang pagpoprotesta ni Trey sa sinabi ng matanda. "Samahan mo na lang si Letecia," dugtong ko pa. Kumunot ang noo ni Trey at halatang hindi nagugustuhan ang takbo ng usapan. Ayaw na ayaw pa naman niyang hindi nasusunod ang gusto. "I'll meet you at the BoatHouse for lunch," sabi niya sa'kin . Ang BoatHouse ay ang sikat na floating restaurant na isa sa mga atraksiyon dito sa isla. Sa totoo niyan ay ito ang isa sa gusto kong pasyalan upang masubukan ang mga sikat nilang pagkain. "Okay," pagpayag ko. Wala namang problema i