Pagkatapos ng agahan namin ng kapatid ko at pinsan kasama si Trey ay agad nagpaalam ang dalawa upang gawin ang plano nila sa araw na ito. Nang kami na lang ni Trey ang naiwan ay nilabanan ko ang nararamdamang pagkailang sa presensya niya. Dapat ay hindi naman ako apektado na nasa iisang silid kasama siya dahil kasunduan lang ang meron kami pero ewan ko kung bakit nakaramdam pa rin ako nang ganito. Wala naman itong pinagkaiba no'ng magkausap kami sa opisina niya. Ni hindi ko nga masabi kung normal lang bang maramdaman ito o sadyang masyado lang akong sensitive pagdating sa kanya. Isang tikhim ang pinakawalan ko at pinapormal pang lalo ang ekspresyon. "Aalis ako ngayon upang sunduin ang assistant ko," anunsiyo ko bigla upang basagin ang katahimikan namagitan sa'min pagkasarang- pagkas