"Hindi ka naniniwala?" nakataas ang kilay na tanong sa'kin ni Trey. "Wala sa hitsura mo," totoo kong sagot bago nag-iwas ng tingin mula sa kanya. Kunot-noo kong pinakiramdaman ang sarili habang nagkunwaring itinuon ang atensiyon sa kinakain. Bakit parang hindi ko na kayang tagalan ang makipagtitigan kay Trey. Kadalasan iyong mga nakakaharap ko ang hindi makatingin sa'kin nang diretso pero ngayon ay ako iyong gano'n. Hindi naman sa nai-intimidate ako ng mga titig ni Trey. Pakiramdam ko kasi ay nanunuot iyong mga titig niya hanggang sa kaluluwa ko at kabag matatagalan ang pakikipagtitigan ko sa kanya ay mababasa niya ang pinakalilihim ko. Nagiging conscious ako sa ilalim ng titig ng isang lalaki! Nagrerebelde ang kaloobang napahigpit ang kapit ko sa hawak na tinidor. "Magaling magluto