Matapos naming mag-usap ni Engr. Khai ay nagpaalam na ito. Hinatid ko ito nang tanaw pero iyong isip ko ay naroon sa mga impormasyong ibinahagi nito. Pabalik na ako sa loob ng bahay ni Trey nang mahagip ng tingin ko ang harapan ng pinakamalapit na kapitbahay. Wala sa sariling napahakbang ako patungo sa direksiyon ng villa nang matanaw ang isang pamilyar na bulto ng babaeng nakatalikod sa direksiyon ko at kausap ang isa pang babae. Nag-uusap sila sa veranda ng bahay at walang bakod ang mga villa rito sa isla kaya malinaw ko silang nakikita mula rito sa kinatatayuan ko. Ilang metro lang ang naghihiwalay sa dalawang villa at kayang-kayang lakarin. Ang lakas ng kabog ng puso ko habang hindi hinihiwalay ang tingin sa nakatalikod na babae. Hindi ko naririnig ang boses ng mga ito kaya hind