chapter 6

1486 Words
Agad naalarma ang depensa ko nang maramdamang pumailalim sa suot kong damit ang isang kamay ni Trey habang pumwesto naman sa balakang ko iyong isa. Nadeklara na ang panalo! The devil is losing before me. Hindi ako makapaniwalang ganito kadaling bumigay ang isang Trey Buencamino. Mukhang saglit siyang nakalimot sa kasalukuyan naming sitwasyon. "Control yourself, Buencamino. You're touching a dangerous territory," pabulong kong babala sa kanya sa pagitan ng marubdub na paglalapat ng aming mga labi na para bang uhaw na uhaw sa bawat isa. Sa halip na sumagot ay muli nitong dinomina ang mga labi ko at mas mapusok na inangkin kasama ang dila kong kulang na lang ay di na niya lubayan sa pagsipsip. 'Di ko napansing napapaatras na pala ako ayon na rin sa gabay ng katawan niya at natagpuan ko na lang ang sariling napasinghap dahil sa mesang nasa likuran ko at pumigil sa kakaatras ko at tuluyan aking nasukol ng matigas niyang katawan. Iglap lang ay nakaupo na ako sa mesa niya habang nakapwesto siya sa pagitan ng nakahiwalay kong mga hita. Mula sa batok niya ay itinukod ko ang' mga kamay sa mesa upang di ako tuluyang mapahiga dahil halos idagan niya na sa'kin ang kanyang buong bigat. Ang isang kamay niyang pumailalim sa damit ko ay mabagal na naglakbay pataas habang nag-iiwan nang kakaibang init sa bawat dinadaanan nito. Sa kabila ng mga babalang naririnig ko ay mas pinili kong damhin ang kakaibang damdaming ginigising sa'kin ni Trey. I'm already 29 but this is the first time that I let someone this close. Kusang lumiyad ang katawan ko nang maramdaman ang matagumpay na pagkubkob ng malaki niyang kamay sa isa kong dibdib habang iyong isa ay pumipisil sa balakang ko. "Buencamino, you are already losing... do you have no intention of taking back your honor?" may nginig sa boses kong tanong nang maramdaman kong bumaba ang mga labi niya sa nakahantad kong leeg. "Honor? Will that give me the fulfillment my body is craving for? No one had ever put me on my knees before, but this time, I have to forget about my principles, honor and ego... I'm willing to kneel between your thighs, Garcia," mapanghibo niyang anas habang pinaliguan ng mumunting halik ang leeg ko pababa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil sa pinahayag niya. May bahagi ng isip ko ana gustong tuklasin ang katotohanan sa kanyang mga salita pero may bahagi namang nagbabala sa maaaring kahahantungan ng pakikipaglaro ko sa isang katulad niya. "Think about the consequences of your actions," nagtagis ang bagang kong saad. Iyon na lang ang kaya kong gawin upang mapigilan ang sariling lumikha ng tunog na maaaring mas mapagpagpalala pa sa tensiyong namagitan sa amin. Tumutulay na sa katiting na hibla ang matino kong pag-iisip at isang kalabit na lang ay tuluyan na akong magpapadala sa tawag ng tukso. "F*ck consequences!" pasinghal na sagot ni Trey at mas lalong bumaba ang mga labi papunta sa dibdib ko. "We have an agreement," padaing kong giit. Nasundan iyon nang ungol dahil bigla ay mariin niyang pinisil ang dibdib kong hawak-hawak ng isa niyang kamay. Parang kidlat sa bilis ang reaksiyon ng katawan ko sa ginawa niya. Agad namigat ang dalawa kong dibdib at naging sensitibo ang mga ito sa ilalim ng suot kong bra. "Yeah, and you're my girlfriend," parang wala sa sarili niyang usal. Nang sulyapan ko siya ay nasa nakahantad kong cleavage ang buong atensiyon niya. Parang lasing siyang nakatitig doon habang minamasahe ng isa niyang kamay ang isa kong dibdib sa ibabaw ng duot kong bra. Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling magpakawala ng ungol. Hindi na nakapagtataka kung paanong ganito kaeksperto ang kamay niya. "F-fake girlfriend," hinihingal kong pagtatama. "Fake or not, still you're my girlfriend and this attraction between us is definitely not fake... this is raw and lethal!" Tuluyan na akong napasinghap at kumawala sa napaawang kong mga labi ang isang ungol nang walang babala niyang iginalaw ang kanyang balakang kasabay nang pagkadaiti nang hinaharap niya sa pagitan ng magkahiwalay kong mga hita. Maging sa sarili kong pandinig ay nakakaeskandalo ang pinakawalan kong tunog kaya muli ay mariin akong kinagat ang sariling mga labi. Napahigpit ang kapit ko sa kanya dulot nang biglang pagkudlit ng kakaibang kiliti sa buo kong pagkatao na nanggaling sa magkadikit naming hinaharap. "Do you feel me, Garcia? I'm a step away on losing my mind because of your smell..." Huminga siya ng malalim habang isinubsob ang mukha sa pagitan ng leeg ko at balikat. "...Taste." Nanginig ang mga braso kong nakatukod sa kinaroroonan kong mesa dahil walang babala niyang dinilaan ang balat ko sa bahaging iyon. "...And softness," paanas niyang pagtatapos bago ipinasok ang pangahas na kamay sa ilalim ng suot kong bra kaya deretso niyang nadama ang isa kong dibdib. Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ko nang pisilin at paglaruan niya ang tayong-tayo kong u***g. "Buencamino!" Dapat ay nagbabala ang tunog niyon pero iba yata ang dating sa pandinig ko, parang tunog nagpapaubaya? D*mn! Ako si Evie Les Garcia and I am not a pushover! "One wrong move, Buencamino... and you'll get yourself a wife," madiin kong pahayag. Nandito ako upang ipagtabuyan ang mga babaeng dinadala ng Lola niya upang maging girlfriend niya pero kung itutuloy niya ang kung anong tumatakbo ngayon sa inaagiw niyang utak ay sisiguraduhin kong 'di lang girlfriend ang makukuha niya. Ramdam ko ang bigla niyang paninigas at ang lumalalim niyang paghinga. "A wife?" mahina pero madiin niyang tanong at halata ang kalituhan sa boses niya. "Yes... you have to marry me if you'll continue what you're planning." Sunud-sunod na mura ang narinig ko mula sa kanya sabay bitiw sa'kin na parang napaso. Iwinakli ko ang naramdamang dismaya dahil sa reaksiyon niya. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang womanizer na umiiwas matali? Habang aburido siyang nagpalakad-lakad sa harapan ko ay pailalim ko siyang pinagmamasdan kasabay niyon ay pasimple kong inaayos ang aking sarili. Nakalas ang ilang butones ng suot kong blouse kaya kalmado kong ikinabit ulit ang mga ito sa kabila nang panginginig ng mga daliri ko. Ilang beses din akong huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Nanatili muna akong nakaupo sa mesa dahil di ako sigurado kung kaya kong tumayo nang maayos. Ayokong ipakita na masyado akong apektado sa nangyari kaya itinago ko ang alinmang ekspresyon sa aking mukha. "Are we done in here?" malamig kong tanong sa kanya. Kabaliktaran ng kasalukuyang lumulukob sa loob ng katawan ko. Huminto siya sa kanyang palakad-lakad na ginagawa at nanlilisik ang mga matang bumaling siya sa'kin. "The ever so cold, Evie Les! My God, you're for real," sarkastiko niyang bulalas. Nakalarawan sa kanyang mukha ang pinaghalong pagkamangha at pagkadismaya sa kung anong napagtanto niya Matiim ang mga matang sinuyod niya ako ng tingin bago muling nag-iwas ng tingin at nagpakawala ng sunud-sunod na mura. Nang muli siyang tumingin sa'kin ay kontrolado na niya ang emosyong nasa kanyang mukha pero malinaw kong nababasa ang sinisigaw ng matalim niyang mga titig. "I have no need for you at the moment and maybe until the day we're going to Isla Buencamino. You can go now," nanunuya niyang sabi. Alam kong gusto lang niyang makakuha ng reaksiyon mula sa'kin pero di ko siya binigyan kahit katiting na ikasasaya niya. Kahit nakaramdam ako nang ngitngit sa tono ng pananalita niya ay di ko iyon ipikita sa'king ekspresyon. "Until next time, Buencamino," pormal kong wika. Kalmado kong ibinaba ang sarili mula sa mesa at gamit ang nakasanayan kong ekspresyon ay isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Matatag bawat hakbang ko patungo sa pintuan palabas. Nakaharang siya sa dadaanan ko pero sinadya kong 'di umiwas o tumabi nang konti upang siya mismo ang gagawa no'n. Nagsukatan kami ng tingin nang halos nasa harapan na niya ako. Kitang-kita ko ang pagtatagis ng mga bagang niya habang sinalubong ang naghahamon kong mga titig. Ilang segundo muna bago siya na ang nagkusang bigyan ako ng daan pero nagbanggaan pa rin ang mga balikat namin. Umabot sa pandinig ko ang mahina niyang mura pero 'di ko na siya pinagkaabalahan pang lingunin. Kailangan kong makalayo sa lugar na ito bago bumigay lahat ng depensa ko. Parang wala akong nakikitang mga tao sa paligid habang dire-diretsong tinalunton ang daan papunta sa sasakyan ko. Nang makapasok sa kotse ay tsaka lang ako nakahinga nang maayos. Parang pagod na pagod kong idinukmo ang buong mukha sa manibela ng aking sasakyan. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko na para bang sumali ako sa marathon. Iniisip ko na lang na lahat ng ito ay para kay Tita Titz kaya dapat ay manatili akong matatag. Kailangan kong pangatawanan ang pagiging pamantasan sa katatagan ng mga kapatid. 'Di ako dapat kakitaan ng kahit katiting na kahinaan ng kahit na sino. Kailangan kong mas paghandaan ang muli naming paghaharap ni Trey Buencamino, hindi pwedeng ganito palagi ang maramdaman ko dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD