"What? Bullsh*t!"
"The hell!"
Magkapanabay na mura nina Daddy at Tito Brenon ang umalingawngaw sa apat na sulok ng home office namin habang nakapalibot kaming lahat sa pahabang mesa para sa isang importanteng pag-uusap.
Kahapon ko lang nakasagupa ang Lola ni Trey at kaninang umaga nakatanggap ako ng tawag mula sa magaling na lalaking iyon na gusto ng matanda na naroon ako bukas sa gaganaping salo-salo ng pamilya Buencamino na mangyayari mismo sa isla. Mukhang bukas na bukas din ay kakailanganin kong sumama kay Trey papuntang isla.
Pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin kahapon ay masyado pang maaga upang muli kaming magkausap ni Trey pero para sa katuparan ng mga plano namin ng pamilya ko ay nakipag-argumento ako sa kanya na sasama lamang bukas papuntang isla alinsunod sa kagustuhan ng kanyang lola sa kondisyon na kailangan niyang i-approve ang mga tauhang nakalista na sa pinasa kong mga dokumento.
Matapos ang ilang mura mula sa kanya na tikom ang bibig kong pinakinggan ay nasunod din ang kagustuhan ko sa kabila ng lantarang disgusto niya sa kondisyon ko. Dahil doon ay mas maagang masimulan ang BG project kaya mas maaga rin naming masisimulan ang pag-iimbestiga sa isla.
Dahil kasado na ang mga tauhang ipapasok namin sa isla ay kailangan ko nang sabihin sa pamilya ko ang medyo mapaaga kong pag-alis papunta roon. At syempre, tulad ng inaasahan ay nagtanong nga sina Dadddy at Tito kaya sinabi ko sa kanila ang relasyon namin ni Trey.
Pinagdiinan ni Trey na walang iba na pwedeng makaalam sa kasunduan namin kaya ang pinagtapat ko sa'king pamilya ay ang pagiging girlfriend-boyfriend namin. May family gathering ang mga Buencamino kaya bilang girlfriend ni Trey ay kailangang naroon ako. Sa ganitong estilo ay wala akong nilabag sa usapan namin ni Trey at nakapagbigay ako nang matimbang na dahilan sa pamilya ko. Ayoko rin nanang malaman nila ang kasunduang pinasok ko para lang makuha ang BG Project.
Napaghandaan ko na ang magiging reaksiyon ng pamilya ko sa'king pinagtatapat lalo na at kasali sa hate list ni Tito Brenon ang buong angkan ng Buencamino at syempre pa nangunguna si Trey sa listahang iyon kaya di ko na kinagulat ang reaksiyong nakukuha ko mula sa kanila.
Tama nang isipin nila na totoo ang relasyon sa pagitan namin ni Trey at sa paraang ito ay lalong mapapasama ang lalaki sa paningin ni Tito kaya kung mapupuno na ako sa kanya ay bibigyan ko ng go signal ang huli upang itumba siya. Pagkatapos ng lahat ay seguradong mangangati na ang kamay ni Tito upang pakainin ng bala si Trey Buencamino.
"Hindi nga?"
"Iyong totoo?"
Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang 'di naniniwalang bulalas nina Fhel at Kylie. Hindi ko alam kung bakit nandito ang dalawang ito habang pinag-uusapan namin ang importanteng bagay. Nakahinga nga ako kanina dahil 'di makarating si Flor pero dalawang sakit sa ulo ang pumalit sa isang iyon. Sa tono ng pananalita nila ay parang napaka-imposible nang ipinagtapat ko.
Walang ekspresyon ko silang tinapunan ng tingin at gusto kong mayamot sa uri ng tinging binabato nila sa akin. Isinisigaw ng mga titig nila na nagsisinungaling ako kaya nakipagtagisan ako ng tingin sa kanila hanggang sa sila na ang nagkusang bumitiw sabay yakap sa mga sarili nila na para bang nilalamig.
May saltik talaga sa ulo ang dalawang ito! Hindi naman gano'n kalamig ang aircon pero kung makaasta ay talo pa ang ibinabad sa nagyeyelong tubig.
"Are you out of your mind? Kailan mo pa naging boyfriend ang gagong iyon?" nanggagalaiting tanong ni Tito Brenon matapos makahuma sa pagkagulat kaya nabaling dito ang atensiton ko. Namumula ang buong mukha nito at kulang na lang ay dumukwang sa mesa upang sumigaw sa mismong mukha ko.
Hindi kumukurap kong pinag-aralan ang galit niyang ekspresyon. Hindi ko alam kung ipagpasalamat ko ba na medyo malayo ang pwesto niya mula sa kinauupuan ko o dapat bang mas malapit siya sa'kin upang makita niyang 'di ako apektado sa kahit anong reaksiyon niya.
"Just recently," kibit-balikat kong sagot. Hindi ko pwedeng sabihing matagal na dahil nagkalat sa diyaryo at internet ang mga balita tungkol sa pila ng mga babaeng nauugnay kay Trey.
"The F*ck---"
"Language, Kuya Brenon," istriktong saway rito ni Daddy na umani ng middle finger na galit kong tiyuhin.
"Your daughter is sleeping with our enemy!" hestirikal na sigaw ni Tito Brenon at napahampas pa ang kamay sa mesa.
Sabay na napaubo sina Daddy at Tito Totz habang nag-high five naman sina Kylie at Fhel na may kasamang pigil na bungisngis. Hindi ko masabi kung natawa ba sila dahil sa ekspresyon ng mukha ni Tito dahil sa galit o dahil sa sinabi nitong pati sa pandinig ko ay napakaimposible.
Alin man doon ay wala akong napansing nakakatuwa bagkus ay naiinsulto ako dahil ang daling mag-conclude ni Tito na gagawin ko iyong bagay na sinabi niya. Me, sleeping with the enemy? Give me a break, I rather sleep with snakes than with Trey Buencamino!
"Magaling ba , Ate?" interesadong tanong ni Kylie at medyo inilapit pa ang mukha sa'kin. Silang dalawa ni Fhel ang nakaupo sa mismong harapan ko .
Hindi ako sigurado kung ano ang tinutukoy ng tanong niya. Wala akong tiwala sa kislap ng kapilyahan sa singkit niyang mga mata na nanlalaki habang nakaabang sa maaari kong isagot.
"Masarap?" segunda ni Fhel at tinabig pa si Kylie upang pumalit sa pwesto nito.
Sigurado akong magkapareho ang tinutukoy ng dalawang ito dahil pareho ang takbo ng utak nila, mga kinulang ng ilang minuto at inere na kaya medyo kulang sa pag-iisip.
"Fhel AShley!"
"Kylie!"
Magkapanabay na sita nina Mommy at Tita Dinah sa dalawa na dahilan nang mabilisang pagsiayos nang upo ng mga ito habang bumubulong-bulong na parang mga bubuyog na nag-uusap pero dinig ko naman.
"Totoo kaya ang chismis na gifted iyon? My gosh, I kennet," pabulong na bulalas ni Kylie sa katabing si Fhel at may pahawak-hawak pa sa tapat ng dibdib.
"At kapag natikman ka ay babalik-balik ka sa sarap? Help, I'm breathless, " sisinghap-singhap namang hirit ni Fhel Ashley.
Nagkatitigan muna ang dalawa bago sabay na nagtilihan na natigil lang dahil sa malakas na pagbagsak ng baril ni Tito Brenon sa mesa. Kung kanina ay mukha lang ni Tito ang namumula sa galit ngayon ay pati leeg nito pulang-pula na habang nakatutok sa dalawang walang pakialam ang matalim na mga titig.
Siguro kahit magbuga ng apoy si Tito ay di pa rin matitinag ang dalawang kaharap ko sa kung anong parehong nagpaluwag sa mga turnilyo nila kaya di maalis-alis ang kislap ng kapilyahan sa kanilang mga mata.
"My God, Brenon. Walang kalaban dito, itago mo iyang baril mo!" nandididlat na baling ni Tita Dinah sa asawa.
"Oo nga, Popsy. Masyado kang hot! Picture muna tayo, nagalit na yarn... selfie!"
Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong mag-walk out dahil tapos ko na namang sabihin ang gusto kong iparating s akanila. Naririndi na ako sa dalawa kong kaharap sa mesa at sumasakit na ang ulo ko sa over reactions ng mga matatanda.
"Do you love him?"
Biglang natahimik ang paligid.
Pati paghinga ay pigil-pigil ng lahat at natitiyak kong lilikha ng ingay kung sakaling may mahuhulog na karayom dahil sa sobrang katahimikan ng paligid.
Lahat ng mga mata ay nakatutok sa'kin habang hinihintay ang sagot ko sa seryosong tanong ni Daddy.
Tumaas ang sulok ng bibig ko at naningkit ang aking mga mata dahil sa nag-aambang tawa na gustong kumawala sa nakapinid kong mga labi.
Sabay-sabay na napasinghap sina Fhel at Kylie sabay takip ng bibig nila gamit ang kanilang mga kamay.
"Oh my gosh! Mas creepy ka kung hindi seryoso," bulalas ni Fhel.
Mabagal akong tumayo mula sa pagkakaupo at itinukod ang dalawang kamay sa mesa upang bahagyang dumukwang sa direksiyon ni Daddy.
Saglit kong sinulyapan ang katabi nitong si Tito Brenon na lukot ang buong mukhang nakasunod sa bawat kilos ko.
"I am Evie Les, do you think I'm capable of that?" naaaliw kong balik-tanong kay Daddy. "Lahat ng desisyon ko ay para sa pamilya kaya huwag ni'yong kwestiyunin ang loyalty ko," madiin kong dagdag habang itinuon ang malamig na titig kay Tito Brenon.
Bago pa may makapagsalita ay naglakad na ako palabas ng silid. Kailangan ko ng lakas para sa muling paghaharap namin ni Trey kaya ayoko munang sayangin ang lakas ko sa pakikipagtalo sa kahit na sinong Garcia na matigas iyong ulo.
Pagkalabas ko ng home office ay prenteng nakasandal sa katapat na silid si Lecia at nang magsalubong ang mga mata namin ay agad nagtaas ng dalawang kamay na para bang sumusuko eh wala naman akong ginagawa.
"Kung sino mang nagpainit sa ulo mo... spare me, Ice Queen. Hindi ako ang kalaban," natatawa nitong pahayag.
"Not now, Lecia," napahilot sa sintido kong wika at nilagpasan lang ito.
"This is important," sumusunod nitong saad. "Huwag na huwag mong isama sa Isla Buencamino ang kahit na sino kina Fhel at Kylie—"
"Noted," putol ko sa sinasabi niya dahil wala naman talaga akong balak isama ang dalawang iyon.
"'Di mo man lang itatanong kung bakit?" mangha nitong usisa sa'kin at humarang pa sa dinaraanan ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Whatever it is, I'm not interested," nababagot kong sagot sa kanya.
"Dapat interested ka dahil maaaring maging sagabal sa gagawin mong imbestigasyon sa isla ang tinutukoy kong dahilan," nakangiti niyang sabi.
Tumaas ang kilay ko dahil kung totoo ang sinasabi niya ay dapat na may alam ako tungkol dito.
"Lawrence San Martin," mariin niyang wika. "Ring a bell?"
Kilala ko si Lawrence San Martin dahil ang pamilya nito ang nagmay-ari ng pinakatanyag na security agency sa buong Asia pero ang 'di ko alam ay kung ano ang maaaring kinalaman ng taong iyon sa isla Buencamino.
"At approximately 48 hours and 45 minutes ago, Lawrence San Martin became the head security of Isla Buencamino," pagpapatuloy ni Lecia sa naunang pahayag.
Naningkit ang mga mata ko at wala sa sariling naikuyom ko ang mga kamao dahil kung di ako nagkakamali ay nagkataong kung kailan ako pumayag sa kasunduan namin ni Trey ay tsaka siya nagpalit ng security sa buong isla.
Mukhang mahihirapan nga kaming kumilos lalo na sa kalidad ng security ng buong isla. Tanyag ang reputasyon ni Lawrence San Martin sa larangang pinagdalubhasaan ng buong pamilya niya at kahit mga sikat na personalidad at mga taong maraming kalabang pinagtataguan ay pumipila upang makuha ang serbisyo ng mga San Martin.
Kahit si Tito Brenon ay minsan kong narinig na bilib sa abilidad ng mga San Martin.
"All time crush nina Fhel at Kylie si Lawrence San Martin kaya kung ayaw mong mas lalong magulo ang buhay mo roon ay huwag mong isama—"
"The more... I need those two," napangiti kong putol kay Lecia. Kunot-noo siyang napatitig sa mukha ko. "Kailangan ko ng pwedeng gumulo kay San Martin upang mawala ito sa landas ko at sino ba ang pwedeng gumawa no'n kundi ang dalawang iyon," pagpapatuloy kong sabi.
"Oh my gosh! Don't tell me na isasama mo nga ang dalawang iyon?" nanlaki ang mga matang tanong ni Lecia.
"Why not?" balik-tanong ko sa kanya.
"Sa desisyon mong iyan ay para ka na ring kumuha ng malaking bato at pinukpok mo sa iyong ulo!" sindak niyang bulalas.
"Correction, kumuha ako ng dalawang malaking bato upang ipukpok, hindi sa ulo ko kundi ay sa ulo ni San Martin. Don't worry too much, I can handle those two lunatics," desidido kong pahayag.
Bahagya kong tinapik ang nakamaang na mukha ni Lecia bago siya nilampasan.
Kailangan kong maghanda sa pag-alis ko bukas papuntang isla dahil may dalawang bagahi akong isasama.
Marami na akong ginusto na binigyang approval ni Trey kaya 'di siguro kalabisang mag-demand ako ng karagdagan.
Mahaba-habang argumento na naman ito with the devil kaya kailangan ko nang simulan.
Kabisado ko na ang numero ni Trey kaya habang naglalakad papunta sa silid ko ay idinial ko na ang numero niya sa hawak kong cellphone.
Wala pa man ay parang naririnig ko na ang panibagong sunud-sunod na malulutong na mura mula kay Trey.
Wala akong pakialam doon basta ang mahalaga ay masusunod pa rin ang gusto ko.
Walang sinumang pwedeng humadlang sa misyon ko kahit na ang isang Lawrence San Martin o kahit maging ang 'The Devil'.