Dahil nakainom na ay tila wala nang pakialam si Devine kung may kasama ba siyang hila-hila niya wala dahil kailangan ko talagang bilisan at lakihan ang paghakbang upang makasabay sa kanya. Pagkapasok namin sa loob, sa halip na dumiretso kami sa taas kung nasaan ang mesa namin ay patungo kami sa direksiyon ng comfort room. "Samahan mo muna ako dahil naiihi ako," sabi niya sa'kin na sumagot sa katanungang nasa isip ko. Hindi ko na makita kung nasaan si Trey o nakasunod ba ito sa amin dahil naharangan na kami ng ibang mga nagkakasayahan. Wala nang gaanong tao nang lumiko kami sa isang pasilyo at hindi na rin masyadong abot iyong tugtog sa bahaging ito. Malapit na kami sa pintuan ng CR nang bigla itong bumukas kasabay nang paglabas ng isang babaeng direktang bumangga kay Devine. Muntik p