Napansin kong medyo natagalan na ang pakikipagtitigan ko kay Trey kaya ako na iyong unang nag-iwas ng tingin. "Baka hinihintay na tayo nina Devine," pag-iiba ko sa usapan. "Pumasok na tayo—" Naputol ang pagsasalita ko at isang singhap ang kumawala sa'kin nang walang babalang dumampi sa mga labi ko ang mga labi ni Trey. Hindi ko naman magawang gumalaw dahil una ay nakahawak na lang bigla sa likid ng ulo ko ang isa niyang kamay, at pangalawa ay marahan nang gumalaw iyong mga labing nilait-lait ko pa kanina ang kalambutan. Pakiramdam ko ay nakalimutan ko bigla kung paano huminga at tulad no'ng unang mga pagkakataong nagtagpo ang mga labi namin ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Kasabay niyon ay ang pagsalimbayan ng iba't ibang emosyon na kanina lang pilit kong sinusupil. Nagmistulang