Buong durasyon ng pananghalian ay asikasong-asikaso ako ni Trey. Pinanindigan niya talaga ang pagiging boyfriend ko. Pero sa kabila nang lahat ay hindi ko pa naman nakakalimutan na peke lang itong relasyon namin kaya masasabi kong tama pa ang mga desisyon ko sa buhay. Hindi man ako iyong babaeng mabilis madala sa pinapakitang sweetness ng isang lalaki ay hindi ko pa rin mapigilang isipin kung ganito ba talaga ang tamang ginagawa ng isang boyfriend sa girlfriend niya. Kahit siguro gaano katigas ang isang babae kung kasing maasikaso ni Trey ang lalaki na para bang tinuturing na reyna ang girlfriend ay tiyak na madadala talaga at lalambot. Unang beses kong magkaroon ng boyfriend at kahit pa sabihing kasunduan lang ito ay ngayon ko lang naranasan ang ganitong princess treatment kaya medyo